CHAPTER 9

14.3K 530 235
                                    

2 DAYS AFTER.

Ilang araw nang namamalagi si milo ngayon sa mga artamendi bilang bodyguard ni andra at hanggang ngayon nga ay nag-aajust pa rin siya sa bagong paligid at trabaho niya at gano'n din sa mga alituntunin at regulasyon sa loob ng mansyon habang si andra naman ay hindi pa rin sanay sa bagong routine sa paligid niya may mga ginagawa kasi ngayon ang bodyguard na si milo na hindi naman ginagawa ng dating bodyguard niya't hanggang ngayon nga ay hindi pa rin siya sanay na parang palaging mayroong nakatingin sa kaniya sa lahat ng ginagawa niya kahit nasa loob na siya ng kuwarto, at kapwa rin ang dalawa na nag-aadjust sa ugali ng isa't-isa.

Pagkat wala namang schedule si Andra ngayong umaga na isipan nitong magpahinga na muna at mag-swimming. Isa ito sa mga ginagawa niya upang magtanggal ng stress sa katawan mas nakakapag-relax at isip kasi ito ng mabuti kapag nakakapagbabad siya sa tubig, suot suot lamang ang white swimsuit cover up lace nito ay lumabas si andra ng kuwarto paglabas nito ay nakaabang na yung assistant at bodyguard nitong si milo na gulat at para namang natulala ang bodyguard sa suot ng dalaga sapagkat kahit naka-cover up ito ay kita pa rin sa loob nito ang suot na black two piece swimsuit ngunit pinilit ni milo ibaling ang mata sa iba.

" Uhm janika, may schedule ba ako mamaya? Bungad ni andra, sa assistant paglabas nito ng kuwarto, habang patuloy pa rin siya sa kaniyang paglalakad, sumunod naman dito ang assistant at bodyguard.

" Hmm wala naman po miss, andra may dinner date lang po kayo with congressman gonzalez. " Napataas kilay naman si milo sa huling narinig niya.

" Akala ko ba wala siyang boyfriend bakit may dinner date?"

" Huh? Meron ba? Hmmm muntikan ko nang makalimutan. Thank you, janika. " Malambing na tugon ni andra.

" Yes, miss andra.. " Tugon at pagtungo pa dito ni janika.

At habang naglalakad naman patungo sa pool area si andra ang bawat daanan nito ay napapalingon at tingin sa kaniya ang mga tauhan at security nila sa paligid dahil hindi pa rin naman sanay ang mga tao sa mansyon na nakikita ang dalaga, pagkat bihira lamang ito kung lumabas ng kuwarto, kaya't parang na i- starstruck pa rin sila dito, lalo na at itinuturing itong celebrity sa bansa kahit hindi naman ito artista, ngunit hindi lamang naman ito yung kinalilingon ng mga tao kundi, yung suot-suot nito ngayon, na makikita ang hubog ng buong katawan, kahit nga si milo na pilit na kanina pang iniiwas ang mga mata ay napapa- tingin pa rin dito.

Pagdating sa pool area, ay mas lalong napatitig si milo kay andra, nang hubarin nito, agad agad ang suot - suot nito, na white lace cover up, at humantad naman sa kanila ang buong katawan nito, suot ang black two - piece swimsuit, hindi talaga akalain ni milo na sa maamong mukha ni andra ay kaya nga nitong magpakita ng balat at katawan sa mga tao, marahil ay hindi pa nakita ni milo yung mga magazine ng dalaga na cover at endorser ito, ng mga mamahaling underwear, habang nasa tubig si andra at lumalangoy nga'y palihim pa rin na napapa- lingon at tingin dito si milo kahit na pilitin nitong hindi tumingin ngunit sadyang attractive naman talaga ang babae at sa huli nga ay na pansin na siya nitong nakatitig.

Tila hindi naman malaman ngayon ang gagawin ni milo nang makitang umahon sa tubig si andra at parang papalapit ito sa kaniya, halos manigas ito sa kinatatayuan nya nang makitang sa kaniya nga ito patungo, tinitigan siya nito simula sa paa hanggang ulo bago ito nagsalita.

" Uhm Inspector lim, ngayon kalang ba, nakakita ng babaeng naka- two piece swimsuit, hmmm?? Taas kilay na tanong ni andra dito.

Lumapit naman, ang isang katulong para bigyan ng towel si alejandra, habang naka- titig lang sa dalawa si janika at palihim na natatawa ngayon sa asta ni milo.

" N- no m- mam, uhm no miss andra.. " Nauutal nitong tugon habang nagpupunas ang dalaga sa harap niya ng basang katawa nito.

" Oh e, bakit ganyan ka makatingin, ha? Umiwas naman ng tingin si milo sa babae.

The Successor [ Book 1 ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon