Pagpapatuloy....
Pagbalik ni andra sa loob ng hotel ay muli itong humarap sa mga tao na mayroong ngiti sa labi at kinalimutan ang mga nangyari sa pagitan nila ng bodyguard kanina lamang. Naging civil din ang pakikitungo ni andra sa bodyguard na para bang hindi siya naghayag nang nadarama niya dito. At hanggang sa matapos ang buong party nito ay nanatili ito na composed sa sarili at wala ngang narinig ang mga magulang nito sa kaniya hanggang sa magpahatid na ito ni chico pauwi sa mansyon.
" Andra? Paakyat na ang dalaga sa kuwarto nito kasama ang assistant nang matigilan siya sa pagtawag ng ama.
Inabangan talaga nila ang anak sa pagdating sa mansyon sapagkat na una sila ng asawa, umuwi matapos ang party.
" Yes, papa'?" Sinenyasan ni andra, ang kaibigan na mauna na itong magpahinga. Kagad namang sumunod dito si janika at umalis.
" Can we talk?
" I'm tired papa' eh, I want to rest." Magalang na tugon nito at akma na sanang tatalikod.
" Wala ka manlang bang sasabihin, andra?
" What do you want me to say, papa'?" Rinig sa boses ni alejandra, ang hindi malamang dismaya o sama ng loob nito.
" Uhmm.. anything, just say anything, alejandra." Hinawakan si enrique, sa braso ni elizabeth dahil tila tumataas ang boses nito.
Napahinga ng malalim si andra, bago ito muling magsalita.
" Anong gusto niyong sabihin ko papa'.. na sinira niyo ang mismong araw ko?! Bulalas ni andra.
" Andra? Saway dito ni elizabeth, pagkat sa tuno ng salita sa ama.
" What, mama'??! And you know all about this?! Pakiramdam ko kanina pinagkaisahan niyo kong lahat! Naiiyak na tugon nito.
" Anak, hindi ganun yun, makinig ka.. " Lalapitan pa sana ito ng ina ngunit umatras ito.
" No, mama'!
" Alam mong darating ang araw na 'to alejandra napagusapan na natin ito matagal na, hindi ba?! Maotoridad na tugon ni enrique.
Bata pa lamang si andra nga'y ipinagkasundo na ito ng mga magulang nila ni chico sa isa' t isa at pag- tapak niya sa edad, na dalawampu't anim ay ipapakasal siya dito, kaya' t hindi na dapat, ito nagugulat ngayon.
" Yes papa', alam ko, na mangyayari 'to... p- pero bakit ngayon pa?!! Ang daming araw na puwede niyong gawin' to!! An- and worst! Wala manlang kayong sinabi sa akin?! Pakiramdam ni alejandra kanina ay para siyang manika, na sunod sunuran sa mga ito.
" Ngayon ang tamang panahon para ipaalam sa mga tao ang kasal niyo ni chico, andra!! Sigaw ni enrique.
" Ma- mas... mahalaga pa ba sa inyo.. ang ibang tao kaysa sa akin na anak niyo, papa'??! Matalas na pananalita nito na hindi na gustuhan ng ama.
" Andra, anak?? Saway muli ni elizabeth, sa anak at napa- higpit ito ng hawak, sa braso ng asawa. Tinitigan lang ito ng anak.
Nagugulat ang magulang nito ngayon, sapagkat kilala nila ang anak na malumanay at magalang ito magsalita.
" N- nagiging bastos kana, alejandra!! Napayuko nga dito yung anak, at napa-tahimik sa sigaw ng ama.
" I, am the head of this family! Ginagawa ko ang lahat nang 'to para sayo!! A- at hanggat ako ang ama mo, ako ang masusunod dito.. naiintindihan mo, alejandra?!
" Yes papa' ano pa nga bang magagawa ko diba ehh, kayo na ang.. pumili para sa akin! And don't worry, wala kayong utos, na hindi ko susundin..." Lumuluha itong agad tumalikod, sa magulang at umakyat patungo ng kuwarto nito.
BINABASA MO ANG
The Successor [ Book 1 ]
FanfictionMIKHAIAH AU Isang anak ng pinakamayamang pamilya sa bansa at kaisa-isang tagapagmana ng mga artamendi ngunit paano na lamang kung mahulog ang loob nito sa taong hindi niya dapat mahalin sapagkat matagal nang naitakda ang sarili nito para sa iba. Ipa...