CHAPTER 28

18.6K 583 170
                                    

1 MONTH LATER.

Tumagal ang relasyon ng magkasintahang milo at andra nang walang nakakaalam na kahit na sino man mahusay nila itong na itago kapwa sa kanilang mga kaibigan at pamilya. Nagpatuloy rin ang mga palihim na pagkikita nilang dalawa sa gabi ganoon din ang pagbibigay ng bulaklak ni milo kay andra, tuwing umaga. At sa mga dumaan na araw at linggo ay mas lalo pa nilang nakilala ang isa't isa, na siyang nagpatibay pa sa kanilang samahan, at nagpalalim pa ng higit sa pag-ibig na mayroon sila at na simulan ang dalawa na para bang wala ng makakapigil, dito kahit na sino man. Sa kabilang banda naman ay bagamat napapansin lahat ni janika ang mga pagbabago't pagiging masaya ng kaibigan na si andra ay nanatili itong tahimik at bingi sa lahat ng nakikita at naririnig sapagkat ayaw niya itong pangunahan. At nais niyang ang kaibigan mismo ang magsabi nito sa kaniya. Kung ano man ang itinatago nito sa mga kaibigan at pamilya.

At ngayong araw ay pangalawang pagkakataon na haharap sa mga tao si andra na kasama ang mapapangasawa nitong si chico. Hanggat maari sana ay ayaw nang makasama pa ni andra, ang congressman kaya't ilang beses na rin itong nagdahilan para lamang hindi ito makasama lalo na sa mga importanteng event pinupuntahan niya dahil na rin sa kasintahan sapagkat alam niyang masasaktan ito, ngunit wala siyang magagawa pagkat Ideya na ito ng ama na habang papalapit ang kasal nila ng kababata ay dapat madalas na silang makita, ng mga tao. Kung hindi lang sana importante ang event na ito para kay andra ay hindi na sana siya pupunta pa, upang maka-iwas lang sa kababata at sa mga tao ngunit napakaimportante nga nito, sapagkat na imbitahan siya upang tumanggap ng parangal mula sa isang kilalang award giving body para sa natatanging kontribusyon niya sa bansa bilang pilantropo.

Malinaw naman na nila, itong napag-usapan ni milo at andra na habang hindi pa sila umaamin sa mga tao at sa papa' ng nobya ay kailangan nilang magtiis at magkunwari muna. Sa labas ng mansyon habang matiyagang naghihintay sila milo, sa paglabas ng amo, at nobyang si andra ay kanina pa nakakailang hinga ng malalim ang inspector. Sapagkat mahabang oras na naman ang kaniyang titiisin na hindi mahahawakan ang nobya at kailangan niya na naman magpigil at kunwari sa sarili sapagkat ang makakasama nito ngayon ay ang congressman na alam ng lahat ay mapapangasawa nga nito. Bagamat mabigat ito sa loob ng inspector ay naiintindihan niya ang sitwasyon nila ni andra. Maya-maya lamang ay napaayos sila ng tayo nang makitang lumabas si andra sa malaking pintuan ng mansyon kasama ang congressman. Inabot pa nito ang kamay ng dalaga at hinawakan subalit mabilis na binawi ni andra ang kamay na lubhang pinagtakhan nito.

" Magandang araw po sa inyo miss andra!

" Magandang araw din sa inyo... " Ngiting tugon ni alejandra sa kanila at dumeretso ito ng lakad patungo sa kotse. Habang sandali, na napatitig ng husto sa kaniya si chico dahil sa pagtataka.

" Magandang umaga rin... sa inyo, congressman! Pagbati rin nila dito ngunit wala itong tugon sa kanila at sumunod sa babae.

Madalas, nitong mga dumaan na araw at linggo napapansin na nga ni chico na tila iniiwasan siya ng dalaga at parang ayaw nang magpahawakan sa kaniya ito kahit dulo ng daliri manlang nito na malayo sa andra na kilala niya noon, na wala lang dito kahit na hawakan niya ito sa kamay ng walang paalam. Kapwa namang nakita ni janika at milo ang ginawa ni andra kaya' t napatingin sa isa't isa, ngunit agad din na nagbawi ng tingin dito si milo at itinuon sa nobya, sinundan niya ito patungo sa kotse, upang pagbuksan ng pinto.

" Ako na.. Inspector lim! Sambit ng congressman na habang palapit sa kotse ang tingin ay nasa inspector. Ang lahat naman ay napa- lingon dito.

Nang dahil naman dito nakaramdam ng tensyon ang dalawang magkaibigang andra at janika sa pagitan ni milo at chico.

" Si- sige ho, congressman... " Umatras si milo at nagpaubaya. Sandaling napatingin pa sa kaniya ang nobya ngunit siya na ang umiwas dito.

" Andra? Pagbukas ni chico, ng pintuan para sa dalaga na ang atensyon ay nasa iba ngunit agad din itong nagbaling sa kaniya.

The Successor [ Book 1 ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon