THE NEXT DAY.
Madilim palang ay bumiyahe, na ang grupo nila andra, patungo ng Quezon, dahil matagal tagal ang ibubuno nila sa biyahe, sapagkat ang lugar na pupuntahan nila, ay medyo isolated at bihira lang mapuntahan kahit ng mga nasa gobyerno puwede naman sanang magplane na lamang si andra, kasama ang mga bodyguard at assistant nito ngunit nagdesisyon siyang gaya ng ibang mga staff na kasama nila patungo sa quezon na bumiyahe nalang ng by land, sapagkat marami rin silang mga dalang regalo at pagkain, para sa mga tagaroon, at importante nga na makasama ang dalaga ngayong araw sapagkat inugurasyon ito, sa pagpapatayo nang patubigan at daycare center para sa mga taga roon na siya rin, mismo ang naglagak ng pera at mga sponsor para sa pagpapatayo sa nasabing proyekto, na kasama yung charity institutions, na sinusuportahan niya mula noong nasa kolehiyo pa lamang siya.
Pareho naman na hindi maganda ang gising nila andra at milo ngayong araw pagkat kapwa hindi rin nakatulog agad ang dalawa noong gabi at dahil sa inasta ni milo sa among babae kahapon hanggang sa makauwi sila ay naging malamig at masungit nga yung pakikitungo nito sa kaniya simula sa mansyon hanggang sa bumiyahe na sila, na siya naman na pinagtatakhan ni milo, ng sobra at sa biyahe nga nila, ay napapaisip pa rin ito, kung ano bang ginawa niya at ang sungit ng among babae sa kaniya ngayon, hindi naman niya ito matanong sapagkat kahit nga tiningnan siya nito ay hindi ginagawa, kaya' t nagkasya na lamang ito, na titigan ng palihim, ang babae habang natutulog ito, sa gitna nang biyahe, nila at gaya ng dati, ang lahat ng ito, ay napapansin ni janika. Si andra naman ay naiinis na rin sa sarili pagkat hindi nga dapat maging ganito ang pakikitungo niya sa bodyguard, ngunit hindi niya nga mapigilan mainis dito.
" Uhm miss andra, maputik at madulas po ang daan kailangan niyo po na mag- suot ng bota." Naunang bumaba ng kotse sila janika at milo.
Pagkalipas nang mahaba-habang oras na biyahe ay nakarating rin sila sa lugar.
" Okay sige, akin na janika." Tugon ni andra na iwas ang tingin sa bodyguard.
" Ako na ho, ang magmagsusuot sa inyo, miss andra. " Habang bitbit ni janika ang botang para dito.
" Janika, ako na. Kaya ko na yan. " Taas kilay na tugon ni andra.
" Pero miss andra-
" Janika, ako na sabi eh." Ayaw lang ni andra na lahat ng bagay ay ginagawa na ni janika para sa kaniya.
" S- sige po." Naiiling na iniabot nalang ni janika ang bota dito.
" Thank you... " Kaagad na hinubad ni andra ang suot na white snickers nito.
Palihim na lamang rin naiiling si milo, sa inaasta ng babae, pagkat masungit pa rin ito hanggang ngayon sa kaniya.
" Let's go." Sambit ni andra, nang matapos ito sa pagpalit ng bota at akmang lalabas ng kotse.
" Miss andra... " Pag-abot ng kamay ng inspector dito upang alalayan sana ang babae sa pagbaba ngunit hindi naman siya nito pinansin.
" Janika??? Tawag ni andra, sa assistant, lumapit naman ito at inabot ang kamay sa kaniya.
" Hay! Ang sungit pa rin." Napatingin dito si janika at palihim na lamang natawa sapagkat sa mukha niya ngayon sa pagtanggi sa kaniya ni andra.
Pagbaba at labas ng kotse ay sinalubong naman si andra ng charity director na kasama ang ibang staff nito, dahil na una ang mga ito na dumating sa lugar.
" Miss andra, kumusta ho, ang biyahe? Inabot pa nito ang kamay sa dalaga.
" Mabuti naman, jenny." Agad na tinanggap ni andra ang kamay nito.
" Pasensiya na hoh, kayo at maputik ngayon dito at umulan daw kasi kagabi. "
" Okay lang jenny." Inilibot naman ni andra ang mga mata sa lugar at napaisip ito na bagamat nasa modernong panahon na' y subalit ang mga taga rito ay tila na iwanan, na kinalungkot niya, pansin naman ito ng bodyguard.
BINABASA MO ANG
The Successor [ Book 1 ]
FanfictionMIKHAIAH AU Isang anak ng pinakamayamang pamilya sa bansa at kaisa-isang tagapagmana ng mga artamendi ngunit paano na lamang kung mahulog ang loob nito sa taong hindi niya dapat mahalin sapagkat matagal nang naitakda ang sarili nito para sa iba. Ipa...