CHAPTER 14

13.5K 613 132
                                    

THE NEXT DAY.

Sobrang ganda ng gising ngayong umaga ni milo lalo na nga at matagal silang nakapag-usap ni andra kahapon at nakilala niya ito ng mabuti at napatunayan niya nga na tama ang sinasabi ng marami tungkol sa dalaga na mabait talaga ito, malayo sa kaniyang inaakala noong una niya itong makita at makilala at sa sobrang saya nga ngayon ni milo, ay napapakanta at sayaw pa siya habang naglalakad sa paligid ng mansyon pagkat wala pa naman kasing sinasabi sa kaniya kung may lakad o trabaho sila ngayong umaga naghihintay lamang siya ng pasabi galing sa assistant ni andra' si janika habang naglalakad si milo napatigil at atras naman ito, bigla nang makita si andra, sa may garden na nakaupo at nagbabasa ng libro.

Sa likod ng mga halaman at bulaklak ay palihim na pinagmamasdan lang ng inspector si andra, pagkatapos niya nga itong makausap kahapon ay parang biglang nag-iba ang tingin at gumaan ang loob niya sa babae, at ito nga ang hindi niya maintindihan at maipaliwanag ngayon sa sarili, ang buong mukha ngayon ni andra ay malayang napagmamasdan ni milo, sa kaniyang puwesto at pati nga yung cleft chin nito ay na pansin niya na rin, lingid naman sa kaalaman ni milo ay may kanina pang naka- tingin sa kaniya, at nagtataka kung, anong ginagawa niya ngayon, at bakit siya nagtatago sa likod, ng mga halaman at bulaklak kaya't tahimik itong lumapit para tanungin siya.

" Huy milo, anong ginagawa mo diyan? Pagtapik pa nito sa balikat ng kaibigan kaya't napa- harap at ayos ito sa pagkagulat sa kaniya.

" Hays, nakakagulat ka naman george!

" Ehh... ano ba kasing ginagawa mo dito milo at nagtatago kapa, sa mga halaman at bulaklak na yan ha?

" Wa- wala." Utal pang tugon nito.

" Wala?? Sinilip silip naman ni george kung saan nakatingin kanina ang kaibigan.

" Huy! teka si miss andra yun milo ahh, bakit mo naman siya ini- stalk?

" Hindi ko siya ini- stalk george ahh. " Mabilis na pagtanggi nito.

" Weh? Kung hindi mo siya ini- stalk milo, anong ginagawa mo ngayon?

" Bilang bodyguard ni miss andra, george gusto ko lang siguraduhin na safe siya. " Depensa nito.

" Police Inspector lim!! Tigil-tigilan mo nga, ako sa bodyguard keneme mo, hindi ako ganyan kay Mrs, Artamendi! Kaya umamin kana.. may.. crush ka talaga kay miss andra ano?!

" Eh ano k- kung.. crush ko siya may masama ba doon?

" Akala ko ba hindi mo siya type?

" Hindi nga! Mabilis muling tugon ni milo.

" Hayys milo, ang gulo mo ha, kakasabi mo lang na crush mo siya eh! Parang nakukulitan naman na si milo sa kaibigan.

" Oo na george crush ko na si miss andra, happy kana??! At tsaka.. wala namang masama na crush ko siya, kayo nga rin crush siya e, diba?" Natawa naman ito sa kaniya.

" Aysus aamin ka rin naman pala milo, pinatagal mo pa, s - sabagay halos lahat yata imposibleng hindi magkagusto sa kaniya eh." Muli naman na sinulyapan ni milo, si andra subalit nawala na ito sa upuan niya kanina.

" Yan nawala na tuloy ang ingay mo kasi, george eh." Kamot ulong tugon nito sa kaibigan, sumilip naman ito upang tingnan.

Dahil sa ingay na narinig ni andra galing sa likod ng mga halamanan at bulaklak ay nilapitan niya ito upang tingnan.

" Milo, george an- anoʼng ginagawa niyo diyan?" Lubhang na gulat ang dalawa nang bumungad sa kanila ang magandang mukha ni andra.

" Miss andra. " Pareho itong napatayo ng tuwid.

" Mi- miss an- andra, sinasamahan ko lang po si milo na sulyapan kayo eh." Nasiko naman ito ng kaibigan.

" Anoʼng pinagsasabi mo diyan george?!"

The Successor [ Book 1 ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon