CHAPTER 4

15.4K 633 105
                                    

MANILA PHILIPPINES.

" Mr. Artamendi, nasa opisina niyo na po daw si director general at hinihintay na raw po kayo." Bulong dito ng assistant habang naglalakad sila papasok sa Enrique building kung saan ang opisina ng chairman at may-ari ng kompanya.

" Good, dave. " Tugon nito na wala masyadong expression sa mukha at habang naglalakad sila sa hallway Isa isa naman itong binabati ng mga empleyado na madaraan.

Kasama nito ngayon ang isang assistant at mga bodyguard at security nito sa likuran.

" Sir may meeting rin po kayo kay Mr, mendoza ngayon."

" Cancel it."

" Pero sir, ilang beses na po iyon na cancel at re-schedule eh." Nangingiming tugon nito sa boss.

" Okay, re- schedule mo ulit, dave. "

" Pero, sir - Nilingon at tiningnan naman ito ng masama ni Mr. Artamendi.

" Sige po sir, I'm sorry. " Huminga naman ito ng malalim bago tumugon sa assistant.

" Mas mahalaga ito dave, marami pang araw na puwede kong kausapin si Mr. Mendoza."

" Y- yes, sir. " Hindi naman sa binabalewala niya lang ang oras ng ibang tao, at mahalaga nga sa kaniya ito ngunit para sa kaniya ngayon ay wala nang mas hahalaga pa sa pag- uusapan nila ng general.

Mayaman na noon ang mga Artamendi, simula't sa una pa lamang at ito na rin ang kinalakhan ni Mr, Artamendi ngunit lalong yumaman ang mga ito sa ilalim ng kaniyang pamumuno simula nga nang mamatay ang ama at sa kaniya na iwanan ang lahat ng mga ari-arian nito, Malinis na klase ng negosyante si Mr, Artamendi, at ayaw nitong nagagamit ang kompanya niya sa mga illegal na gawain, yumaman sila nang husto sa tamang paraan, Istrikto rin na klase ng ama at boss ito, makikita ito sa pakiki- tungo niya sa mga tauhan at kahit na sa mismong anak nito kilala rin itong may isang salita.

Subalit dahil rin sa yaman nito ay hindi nga siya mas lalong ligtas sa mga masasamang tao, mga ilang beses na rin may nag- tangkang pumatay dito, kaya naman kahit kailan hindi ito nakitang walang kasamang mga security at bodyguard sa tabi at paligid nito, puwede na nga itong ihelera sa mga matataas na lider ng bansa sa sobrang higpit ng security sa kaniya at pamilya nito, at ang impluwensya nito ay puwede rin ma-ihelera sa mga pulitiko ng bansa, at dahil rin sa yaman nito ay maraming tao ang gusto' mapalapit dito pero hindi kagaya ng ibang mayayaman ay hindi nga ito basta basta masusulsulan.

" Mr. Enrique Artamendi, gusto niyo raw po ako makausap ng personal?? Tumayo pa nga ito at nakipagkamay pagpasok ng hinihintay nito.

" Yes, director general bautista, uhm.. maupo ka." Ito ang may pinakamataas na rango ngayon sa PNP.

" Salamat Mr. Artamendi. "

" Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa general, gusto ko sanang humingi ng favor sayo?

" Hmm ano naman yun Mr. Artamendi?

" Gusto ko sanang magdagdag ng security para sa anak ko at ang gusto ko sana ay galing sa hanay niyo na mapagkakatiwalaan at mayro'ng kakayahan talagang protektahan ang anak ko. "

" Yun lang ba Mr. Artamendi?

" Yes, general. "

" Alam niyo namang hindi ko kayang tanggihan ka Mr. Artamendi, nandito ako ngayon sa aking puwesto nang dahil din sa inyo. " Isa si Mr. Artamendi sa mga nagrekomenda rito sa pangulo.

" Hmm karapat-dapat ka naman sa puwesto mo ngayon general at sana ay ipagpatuloy mo lang ang mabuti mong na simulan mo sa pnp. "

" Salamat Mr. Artamendi at makakaasa kayo sa inyong hinihiling sa akin."

The Successor [ Book 1 ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon