Pagpapatuloy...
Matapos na makapagbihis ang magkasintahan ay bumaba agad ang mga ito, lalo na at medyo late na rin sila para sa agahan, alas nueve na rin kasi ng umaga. Sa bungad pa lamang ng hagdan ay isa-isa na ang dalawa na binabati ng mga katulong at tauhan sa mansyon. Magkahawak pa ang kamay ng magkasintahan sa pagbaba ng hagdan, dahilan para palihim silang pag-usapan ng mga ito. Hindi naman maiwasan na makaramdam ng hiya ang inspector dahil sa mabait at among pagtrato sa kaniya ng mga tao, pagkat katulad rin siya ng mga ito na tauhan lamang din ng mga Artamendi. Sa hapag kainan agad tumungo ang magkasintahan at nakita nilang marami ng mga pagkain na nakahain sa mahabang mesa.
" Magandang umaga po miss andra." Magalang na bati ng tatlong kasambahay sa dalaga.
" Maganda umaga rin sa inyo, uhm nanay linda, ito lang po ba ang niluto niyo? Malambing na tugon nito na agad na bumaling sa matanda pagkat na pansin niyang walang lutong pinoy sa mesa. Nagtaka naman sa kaniya ang kasintahan dahil marami na ngang pagkain nakahain.
" Oo iha, hindi ba ito naman ang mga pabarito mo?? Bakit may iba kapa bang gustong kainin? Puro mga french food kasi ang iniluto at inihain nila, pagkat ito naman ang paborito ng dalaga.
" Opo nanay linda, kaya lang kasi para po sana kay milo, yung lutong pinoy po sana? Baling ng tingin ni andra sa kasintahan na hawak pa rin ang kamay niya ngayon. Napabaling rin naman dito ang matanda.
" Ayy! pasensiya na hindi ko alam iha, ohh.. sige magluluto nalang ulit ako para kay milo. " Akma na sana itong tatalikod patungo sa kusina.
" Hindi na hoh. " Sabat ni milo, na nagpatigil sa matanda. Napa- tingin at ngiti naman sa kaniya ang nobya sandali.
" Okay lang po nanay linda, ako nalang po ang magluluto para kay milo."
" Sigurado kaba.. iha?? Paninigurado pa dito ng matanda.
" Opo nanay linda." Hinagod- hagod pa ni andra ang balikat nito.
" Baby.. huwag na po, okay na ako sa mga yan, mapapagod ka lang eh." Nagkatinginan naman ang lahat ng tao sa paligid sa narinig nila kay milo.
" No, it's okay love, tsaka madali lang naman po ang magluto." Haplos ni andra pa sa pisngi ni milo at bumitaw sa kamay nila nito at lumakad patungo sa kusina. Kamot ulong sinundan naman ito ng kasintahan at ilang katulong at ni nanay linda.
Sa loob ng malaking kusina ay nagpahanda agad si andra sa mga kasambahay ng sangkap para sa lulutuin niyang adobong manok at sinigang na salmon. Pagkatapos ay Itinali ng pusod ang buhok at tumungo sa lababo upang umpisa na ang lulutuin nito. Iiling- iling pa rin naman sa isang tabi si milo kaya't hindi na ito nakatiis at lumapit sa nobya sa likuran nito.
" Baby, pagod at masakit ang katawan mo diba? Ako na magluluto." Mahinang sabi ni milo dito pagkat ayaw niyang marinig ng mga tao sa paligid ang paguusap nila ng nobya.
" Yahh, but kaya ko naman magluto love eh." Mahinang tugon rin ni andra dito. Magkalapit ang mukha ng dalawa kaya hindi maiwasan na mapatingin sa kanila ang mga kasambahay at ang matanda.
" Kahit na baby, baka isipin nila ehh, ginagawa kitang katulong, ako na dito." Binabaan pa ni milo ang boses nito.
" No, bakit naman nila iisipin yun love? Mataray na tugon ni andra at medyo lumakas ang boses nito. Magkalapit parin ang mukha ng dalawa at halos maglapat na ang mga labi sa sobrang lapit. Palihim namang kinikilig na ang mga tao sa paligid nila sapagkat makikita ang hindi maikakailang koneksyon ng dalawa.
" Maureen Alejandra ang tigas ng ulo mo ah, hindi ka nakikinig sa akin, ako na nga sabi dito." Nakapamaywang na ang inspector kaya napataas ang kilay ni andra dito.
BINABASA MO ANG
The Successor [ Book 1 ]
FanfictionMIKHAIAH AU Isang anak ng pinakamayamang pamilya sa bansa at kaisa-isang tagapagmana ng mga artamendi ngunit paano na lamang kung mahulog ang loob nito sa taong hindi niya dapat mahalin sapagkat matagal nang naitakda ang sarili nito para sa iba. Ipa...