CHAPTER 3

17.3K 654 12
                                    

PARIS FRANCE.

" Andra, tumawag ulit ang secretary ng papa' mo kanina gusto-

" Janika. please not now. Alam ko kakausapin at haharapin ko si papa', pagka- tapos nito, ibigay mo muna sa akin 'to, hayaan mo muna ako na makapag- isip. " Malumanay na tugon ni andra habang ang mga mata nga nito' y naka- tingin sa labas ng kotse.

Patungo ang mga ito, sa isang malaking event kung saan makakalikom ng pera si andra para sa foundation niya.

" I'm sorry andra, alam kong masyado ka ng pressured sa mga nangyayari sa paligid mo ngayon at nakakadagdag pa ako doon."

" It's okay, alam kong ginagawa mo lang naman ang trabaho mo janika." Hinawakan pa ni andra ang kamay ng assistant at nginitian ito.

" Nandito lang ako andra ha? Kapag kailangan mo ako, okayy? Ngiti lamang ang tinugon dito ng dalaga at muling nilingon, ang mga mata sa labas ng sasakyan at huminga ng malalim.

Hindi maiwasan na mag-alala ni janika para sa kaibigan sapagkat simula nang marinig nito ang balita kahapon ay hindi pa ito nakakain ng maayos.

--

AUCTION PARTY.

Pagdating nila sa lugar ay huminga na muna ng malalim si andra bago ito bumaba ng kotse, sanay ang dalaga sa mga ganitong malalaki at magagarbong event pero na uubos pa rin ang lakas niya kapag humaharap sa maraming tao. Inayos rin nito ang sarili at ngumiti, maya maya ay pinagbuksan na ito ng pinto ng bodyguard.

" Miss andra? Inabot pa nito ang kanang kamay sa dalaga upang alalayan ito sa pagbaba.

" Salamat miguel. " Ngiting tugon ni andra sa bodyguard pagkatapos ay hinubad muna nito ang suot na coat at inabot sa alalay na si emily at bago ito pumasok ay muli itong huminga ng malalim.

Kapag naalis si andra at kung saan ito pumunta ay laging mayrong nakabuntot na bodyguard sa kaniya at bukod sa assistant nito na si janika ay may isa pa itong alalay na tagabitbit ng kung anong mga gamit niya.

Sa bungad palang ng pinto ay isa isa na kaagad na binabati si andra ng mga kilalang tao galing sa iba't ibang bansa, marami ngang kilalang tao ngayon dito dahil isa itong malaking auction ng mga paintings at artifacts na puro mayayaman lamang ang may kakayahan na mag-bid, kapag mayroong mga ganitong imbitasyon kay andra ay hindi nito tinatanggihan, pagkat sa ganitong paraan ay nakakalikom siya ng malaking halaga para sa kaniyang foundation, ginagamit nito ang kaniyang charm sa pakikipag- usap sa mga tao upang mag-donate hindi lamang sa foundation niya kundi pati rin sa mga charity institutions na sinusuportahan niya.

Malaki ang nagagawa ng magandang mukha at kilalang pangalan ni Alejandra sa mga ganitong event, sapagkat walang taong makakatanggi sa kaniya, di lamang sa angkin' ganda nito kundi sa kakaibang karisma sa pakikipag-usap sa tao, bawat pagbuka ng bibig at kilos nito ay makikita ang talino ng dalaga, na kaniya' nakuha sa ama, dahil bata pa lamang ay sinanay na siya ng ama na humarap sa mga malalaking tao at mayrong prominenteng pangalan sa iba't ibang larangan ng industrya at kahit sa politika na pinakaayaw niya dahil para sa kaniya ay madumi ang politika at walang taong puwedeng pagkatiwalaan doon ngunit wala siyang pagpipilian kundi humarap sa mga ganitong tao.

Lumipas ang ilang mga oras at naging maayos naman ang kinalabasan nito at nakakuha dito si andra, ng mga donations para sa foundation at mga charity institutions na sinusuportahan niya.

" Miss andra, kailangan na po natin umalis, gabi na rin eh, para makapagpahinga kana. " Bulong ni janika sa dalaga na may kausap pa ngayon, agad naman siya nilingon nito at nag-excuse sa kausap.

" Anong oras na ba?

" 9:30 miss andra. "

" Ah sige janika, gabi na pala, uhm Miguel paki handa na ako ng kotse at aalis na tayo." Hindi niya na namalayan ang oras sa dami ng taong kinakausap at gustong kumausap sa kaniya.

The Successor [ Book 1 ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon