CHAPTER 46

10.1K 391 116
                                    

FAST FORWARD
2 WEEK LATER.

Ngayong araw na babasahin ang desisyon ng husgado kung iga-grant ba nito ang piyansang apela sa kaso ni milo. Pinuntahan muna ni maiara ang kaibigang kliyente sa kulungan upang kumustahin ito sandali bago tumungo sa korte ngayon. Kasama nito si sabrina na nagpresintang sumama para magbigay suporta rin sa inspector. Noong isang araw lamang ito nakabalik ng bansa mula sa espanya dahil sa mga trabaho nito roon bilang isang modelo kaya nang matapos ang trabaho at malaman niya ang nangyari sa ama ni andra at kasintahan nito ay agad siyang umuwi ng pilipinas. Agad na tumayo sa kinauupuan nila ang dalawa nang makita si milo na papalapit sa kanila ngunit agad rin nilang napansin ang mukha nito.

" Good morning, Attorney. Hi, sabrina kumusta ka?" Bungad ni milo sa kanila pagkalapit nito na bagamat hindi maganda ang nangyayari sa kaniya sa mga nagdaang araw ay pilit pa ring ngumingiti. Nagkatinginan naman dito sandali ang magkaibigan.

" Ma- Mabuti naman ako, mi- milo." Pagtugon ni sabrina na hindi magawa na kumustahin ito pabalik dahil sa nakikita niya. Ngumiti ito sa kanila bago naupo na sinundan naman nila.

" A- Anoʼng nangyari sa mukha mo milo?" Usisa ni maia dahil sa mga bagong pasa ng inspector sa mukha.

" Pilit pa rin nila akong pinapaamin attorney eh, pero hindi ako aamin kahit anong mangyari. " Pigil ni milo na maglabas ng emosyon ngunit makikita sa mga mata nito ang paghihirap. Muli naman nagkatinginan ang dalawa sa harap niya dahil sa awa sa kaniya.

Ang buong akala ni milo ay tapos na ang mga pagpapahirap sa kaniya sa loob ng kulungan ngunit nagpatuloy pa ito at dalawang araw rin siyang na bartulina dahil sa pagkakasangkot sa gulo sa loob.

" Huw- Huwag kang mag-alala milo, kapag na grant ngayon ang petition natin makakauwi kana." Ngumiti lamang ng mapait at tumango ang inspector sa kaniyang narinig sapagkat ayaw niyang umasa agad ngayon sa walang kasiguraduhan.

" Uhmm kumain kana ba milo? May mga dala kaming pagkain dito. " Pag-angat ni sabrina ng mga dala nila sa lamesa. Napansin din kasi nito ang pagpayat ni milo sa ilang linggo palang na pananatili nito sa kulungan.

" Salamat sabrina, nag-abala pa talaga kayo." Nahihiyang tugon ni milo at napakamot batok subalit biglang tumahimik sandali pagkat kanina pa ito mayroong nais alamin.

Sa pagkakita niya palang sa dalawa kanina ay agad na pumasok sa isipan niya ang nobya at hindi naman talaga ito nawala sa kaniyang isipan kahit kailan na bagamat nagkaroon siya ng tampo o sama ng loob ay hindi niya kayang magalit dito ng matagal. Bilang na bilang ni milo ang mga araw at linggo na hindi niya nakikita ang nobya at para bang mababaliw na siya sa sobrang pagkasabik na makita muli ito.

" S- Si a- andra, ku- kumusta na siya? K- kailan kaya siya ulit dito dadalaw? Kailan niya ako ulit dadalawin? Nanginginig na mga pananalita ni milo. Natigilan at muling nagkatinginan sa pangatlong beses ang magkaibigan na maiara at sabrina sa tanong niya sapagkat hindi nila malaman kung paano ito sasagutin.

" Okay naman si andra, milo. Uhm m- marami lang siyang inaasikaso kasi ka- kaya hindi pa siya nakakahanap ng paraan pa- para madalaw ka ulit." Napatingin si sabrina kay maiara sa pagsisinungaling nito pagkat kahit sila ay hindi pinapayagang makalapit at makita ang kaibigan.

Nalaman lamang ito ng dalawa mula kay janika at george na kahit nga sila ay hindi na maaaring lumapit at makita ang kaibigan. Napag-usapan din nila na huwag na itong ipaalam pa kay milo.

" Hmm ganun ba? Pakisabi na lang na sobrang miss na miss ko na siya, tsaka I'm sorry sa mga nasabi ko, nasaktan ko siya. " Dito na nakita ang mga emosyong pilit na pinigilan ni milo kanina at tumulo na ang mga luha.

" Sige milo, makakarating kay andra." Hawak ni maia sa kamay ng inspector para pagaanin ang loob nito. Hati ang puso ng abugada kanina pa kung sasabihin niya ba rito ang sitwasyon ng nobya ngayon ngunit naalala niya ang usapan nila ng mga kaibigan at ayaw niya nang mag- alala pa ito at makadagdag sa mga isipin nito.

The Successor [ Book 1 ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon