MILO" Oh, Ibinilin kana pala sa amin ng ninong mo alagaan ka raw namin dito."
" Salamat hepe si ninong talaga. " Naiiling na tugon ko.
Ginagalang talaga si ninong dahil sa mataas na rango niya sa kapulisan, police prigadier general kasi siya at malayo ang narating niya kumpara kay tatay na classmate niya noong high school dahil graduate rin ng PMA si ninong katulad ko habang si tatay ay hindi nakatapos ng college kaya naging simpleng sundalo na lamang siya pero kahit ganoon ipinagmamalaki ko pa rin si tatay dahil siya ang unang dahilan kung bakit nagsumikap akong makapagtapos ng PMA at magsundalo.
" Ito na pala ang tsapa at baril mo ingatan mo yan ah? huwag kang mag-alala mababait ang mga tao rito." Inilapag ito sa mesa sa harap ko.
" Salamat po, chief!" Isa isa ko ito na tinitigan at kinuha.
" Masasanay ka rin inspector, alam kong maliit lang yan eh, kumpara sa mga hawak mong baril sa military." Ngiti lang ang tinugon ko rito, totoo naman kasi ang sinabi nito. - " Kung may mga kailangan kapa ha? Magsabi ka lang huwag kang mahihiya ah?" Dagdag pa nito.
" Opo chief. " Nahihiya ko pang tugon dito dahil sobrang bukas palad akong tinanggap nito sa stasyon niya.
" Welcome ulit dito sa station ko inspector lim." Inabot nito ang kamay sa akin na tinanggap ko naman pagkatapos ay sumaludo rito.
" Maraming salamat po, permission to leave sir?
" Sige lieutenant." Sumaludo rin ito sa akin at agad akong tumalikod dito pagkatapos.
Halos isang buwan akong tumigil sa trabaho at tumulong nalang muna sa talyer namin simula nang umalis ako sa military. Hanggat maari kasi ayaw na ni tatay na magtrabaho pa ako bilang pulis dahil pinakiusapan nga ako nitong umalis sa serbisyo noon bilang sundalo dahil delikado ang trabahong pinili ko pero pinilit ko talaga si tatay na payagan ako kahit pagpupulis na lang at sa huli ay wala nang nagawa si tatay dahil ito talaga ang gusto ko ang makapagserbisyo sa mga tao.
Masaya ako na bukas ay makakapag-umpisa na ako ng trabaho ulit, kahit na medyo naninibago ako ngayon dahil sa malayo ito sa nakasanayan ko sa military pagkat nasanay ako sa ingay ng putok ng mga baril, kaliwa't kanan sa mindanao noong matindi pa ang gulo roon at malalaki at mahahabang baril din ang hawak namin doon, kumpara dito sa hawak kong baril ngayon pero okay na rin ito kahit paano hindi na mag-aalala si tatay sa akin hindi katulad noon na palaging mayroon siyang takot na mangyari sa aking masama.
Ngayong araw din ang napag-usapan namin na magkita ng mga dati kong kasamahan at naging kaibigan na sa military. Matagal-tagal na rin kaming hindi nagkita-kita dahil pareho nang abala sa kaniya-kaniya naming trabaho at ngayon na lamang kami nagkaroon ng oras muli para mag-bonding. Nandoon na nga raw sila kanina pa at naghihintay na sa akin, pero alam naman nilang medyo mali-late talaga ako ng dating dahil kailangan ko pang mag-report sa opisina ngayon.
---
TIME SKIP.
Pagbaba ko pa lamang ng sasakyan ko sa may parking lot nakita ko na agad ang dalawang mokong sa loob ng coffee shop at nakita rin naman agad ako ng mga ito. Kumuway pa nga ako rito bago pumasok.
" Tol." Sinalubong agad ako ni chase sa pintuan pa lang ng coffee shop at inakbayan ako.
" Kumusta tol? Grabe mga asensado na kayo ah, pa kape kape na lang kayo mga tol, dito pa." Humigpit naman ang akbay nito sa balikat ko.
" Syempre tol, walang ganito sa mindanao puro kahoy at gubat lang dun ang makikita natin eh." Natawa lang ako dito pero tama naman siya.
" Milo, kumusta na tol?!" Parang tuwang-tuwa rin itong nakita ako muli. Tumayo ito at umakbay pa sa akin. Iyon naman ang bitaw ni chase sa balikat ko at naupo.
" Georgie!" Nawala ang ngiti nito sa labi at napakamot ng ulo.
" Georgie! Hanggang ngayon ba naman milo? George nga diba?!"
" Oo na George! Kumusta? Naiiling na tugon ko rito at pareho na lang kaming natawa.
" Okay lang naman tol, hmm anong gusto mo pa lang kainin? Ako na oorder. Sagot na namin 'to ni chase, ang tagal nating hindi nagkita eh. " Pagbaling pa nito sa isa at tumango naman sa kaniya bilang tugon.
Masaya kaming nag-uusap at kuwentuhan nang may nag-flash na balita sa tv screen ng coffee shop. At oo tungkol na naman ito sa babaeng anak ng mga artamendi. Maghapon ko nang naririnig ang pangalan niya kahit doon sa police station kanina pinag-uusapan din siya, ganoon ba talaga kahalaga at importanteng tao siya at lahat ng mga tao eh, napapatigil sa ginagawa nila para makichismis lang sa buhay niya?
" George, diba sa mga artamendi kana ngayon nagtatrabaho? Hmm nakita mo na ba 'yang si andra? Totoo bang maganda? Biglang tanong ni chase na nakatingin ngayon sa tv screen.
" Hmm Isang taon na ako sa mga artamendi, pero kahit kailan hindi ko pa nakikita 'yang si miss andra eh. Isang taon na rin kasing hindi 'yan umuuwi ng pilipinas at saka sa mama' niya naman ako naka-assigned, pero based sa mga malalaking portrait niya sa mansyon nila at sabi ng mga matatagal ng katulong at guard doon. Oo sobrang ganda raw tsaka mabait."
Tama naman sila maganda siya, ngayon ko lang ito natitigan ng matagal at may maamong mukha nga ito at mga matang parang nakangiti palagi. Ang ganda rin ng labi niya ang pouty na bumagay sa dalawang maliliit na dimples nito sa baba ng labi. Milo ano ba'ng pinagsasabi mo? Hmm hindi ako naniniwala na wala siyang tinatagong kaartehan at kamalditahan sa katawan. Sa sobrang ganda niya at yaman nila eh, imposibleng wala. Ano perfect siya?
" Pero grabe ano, ang swerte lang ng magiging asawa niyan. Ang ganda na sobrang yaman pa." Nakikinig lang ako sa usapan ng dalawa.
" Sinabi mo pa chase! Sobrang abala na nga rin ang mga tao sa mansyon ng artamendi kasi malapit na 'yang bumalik ng bansa eh."
" Eh kumusta naman pala ang trabaho mo sa mga artamendi, George? Para medyo maiba ang usapan at hindi naman kasi ako interesado sa usapan nila kanina.
" Okay na okay tol, kumpara naman sa military tayo na patayan literal tapos kakarampot lang ang sinasahod." Totoo ang sinabi nito palaging nasa hukay ang isang paa namin noong nasa mindanao kami.
" Kaya ako, wala nang balak bumalik sa military. Okay na akong maging psg, oo delikado pero hindi naman masyado. Malaki pa ang sahod." Sabat ni chase, kabaliktaran ko talaga sila dahil kung may pagkakataon gusto ko pa rin bumalik sa military.
Magkakasama kaming tatlo sa isang mission sa kagubatan ng mindanao noon na muntikan nang kumuha ng aming buhay. Ang akala nga namin hindi na kami makakalabas pang buhay sa lugar na yun. Marami rin kaming mga kasamahang nawala sa gitna ng labanan at tatlo kami sa mga mapapalad na nakaligtas. Malaki ang naitulong ng training sa amin kung bakit buhay pa kami ngayon. Tumatak sa aming lahat ang araw na yun at marami sa amin ang tila nagka-trauma. Matapos noon nagdesisyon silang dalawa na umalis habang ako ay mas pinili kong manatili. Nang umalis sa military ang dalawa nag-apply si George sa mga artamendi bilang bodyguard, si chase naman ay nag-apply bilang PSG at sa office ng Vice president siya na punta. Ang alam ko sa anak ito na assigned. Naiintindihan ko naman sila kung bakit ayaw na nilang bumalik sa military dahil bukod nga sa hindi gaanong delikado ang trabaho nila ngayon mas malaki rin ang sinasahod nila kaya nakabili na rin sila ng mga bagong kotse habang ako ito naka-owner type jeep pa rin na sasakyan pero masaya naman ako para sa kanila. Nagpatuloy lamang kami sa kuwentuhan at tawanan, sinamantala namin ang mga oras na hindi kami nagkasama at nagkita-kita pero sigurado naman akong mas mapapadalas na ito ngayon dahil balik trabaho na rin ako.
---
Originally hindi po talaga ito mikhaiah au pero may nag- request sa akin na mikhaiah nalang daw kaya nag- adjust ako ng konti sa storyline, and please paki- read po ulit ng mga notes at disclaimer para hindi po kayo nalilito. :)
BINABASA MO ANG
The Successor [ Book 1 ]
FanfictionMIKHAIAH AU Isang anak ng pinakamayamang pamilya sa bansa at kaisa-isang tagapagmana ng mga artamendi ngunit paano na lamang kung mahulog ang loob nito sa taong hindi niya dapat mahalin sapagkat matagal nang naitakda ang sarili nito para sa iba. Ipa...