THE NEXT DAY.
( News Anchor )
Magandang umaga, pilipinas para nga sa ating showbizz balita. Maureen, Alejandra Artamendi, balik bansa na nga matapos ng dalawang taong pamamalagi sa Paris France at para sa balitang showbiz mario dumaul nagpapatrol.
News reporter : Kahapon lamang nga'y dumating na rito sa bansa si andra ang nag-iisang anak at tagapagmana ng mga artamendi at bago ito umalis sa airport ay nakisalamuha muna siya sa mga tagahanga niya at masaya niya rin tayong pinaunlakan ng isang panayam.
News reporter, question : Miss andra, dalawang taon ka ring nawala sa pilipinas ang tanong ng lahat mayroong na bang nagpapatibok ngayon ng puso mo?" Sandali itong napangiti sa tanong sa kaniya.
" Malalaman niyo rin po kung meron na, uhm sa ngayon gusto ko lang ay makasama ang family ko at mga taong matagal ng nagmamahal sa akin." Tanging ito lamang ang na itugon ng dalaga sa tanong sa kaniya.
News reporter : Matagal din ang inilagi ni andra dito sa airport kanina at lahat ng mga tanong sa kaniya ay nasagot niya nang mahaba at malinaw, tanging ang tanong lamang na kung mayroong tao na bang nagpapatibok sa puso niya ang maiksi at mapapaisip ka pa rin kung meron na nga ba.
MILO
Ito na naman ang balita sa tv, tungkol kay andra at sa muli niyang pagbabalik ng pilipinas, hayss!! At pati ba naman ang buhay pag- ibig nang tao pinakikialaman pa nila?? Kalalabas ko lamang ng kuwarto ko at hinahanda ko na nga ang mga gamit ko na daldalhin, sapagkat ngayong araw na ang umpisa ko sa trabaho, bilang bodyguard nung andra, at ngayon araw ko rin siya makikita ng personal, at dahil nga sa magiging personal bodyguard niya ako, ay mamalagi na din ako sa mansyon, at uuwi na lamang paminsan dito sa bahay, hanggang ngayon nga ' di ko pa rin alam ang mararamdaman ko eh, kahit na mas mataas naman ang sasahurin ko bilang bodyguard, hindi ko pa rin ipagpapalit ang pagiging pulis dito, hay kung hindi lang talaga utos ni ninong.
" Oh milo, anak mamaya mo na tapusin yan at mag- kape kana muna dito, saluhan mo kami ni bunso." Aya sa akin ni tatay sa mesa.
" Opo tay." Agad naman akong lumapit sa mesa at na- upo sa tabi ni sophia, na nakatingala na naman sa panunuod ng tv hayss kapag talaga si andra ang nasa tv, tutok na tutok talaga siya.
" Ito ang kape mo anak, kakain kaba ng kanin?
" Hindi na tay... kape at pandesal na lang muna ako." Medyo nagmamadali na rin kasi ako eh.
" Oh sige. "
" Kuyang? Biglang baling at usap nito sa akin.
" Hmm? Napalingon naman ako dito.
" Diba ngayong araw mo makikita si miss, andra?
" Oo bakit, bunso? Takang tanong ko pa.
" Baka puwede naman akong sumama sayo ngayon kuyang?
" Bunso hindi puwede, trabaho ang gagawin ko roon at hindi yun fan meet."
" Sige na kuyang gusto ko talagang makita ng personal si miss andra eh. " Umangkla pa ito sa braso ko.
" Bunso, hindi nga puwede.. at tsaka.. may pasok kapa nga diba hmm?
" Edi a-absent muna ako ngayon kuyang."
BINABASA MO ANG
The Successor [ Book 1 ]
FanfictionMIKHAIAH AU Isang anak ng pinakamayamang pamilya sa bansa at kaisa-isang tagapagmana ng mga artamendi ngunit paano na lamang kung mahulog ang loob nito sa taong hindi niya dapat mahalin sapagkat matagal nang naitakda ang sarili nito para sa iba. Ipa...