CHAPTER 23

14.5K 643 390
                                    

FAST FORWARD.

Lumipas ang mga araw at ang nais na pag-iwas ni alejandra kay milo ay hindi nangyari sapagkat mas lalo pa nga sila nito ngayon naging malapit sa isa't-isa. Paano nga ba niya maiiwasan ang bodyguard kung araw araw, sila nitong nagkikita at paano nga ba niya maiiwasan ito, kung palagi rin, itong may ginagawa para lamang mapalapit sa kaniya. Bagamat wala nga itong sinasabi ay pinaparamdam naman nito lagi, yung presensiya sa kaniya. At kahit nalaman na nga ni janika na si milo ang nagbibigay sa kaibigan ng bulaklak araw-araw ay hindi nga tumigil ang inspector sa ginagawa nito at tila wala nga, makakapigil dito para ipakita ang pagtangi nito sa babaeng amo.

" Kumain lang kayo nang kumain milo, george ha, at marami pang pagkain dito."

" Opo, nanay rosario." Pagtugon ng dalawa sa matanda na abala sa paghain sa kanila sa mesa.

Katatapos lamang nila milo, at george, na mag - workout nang ayain sila ng matanda, na kumain sa kusina. Mayroong malaking gym, sa mansyon na nakalaan lamang para sa security ng mga Artamendi, kaya't hindi na nga nila kailangan na lumabas pa. Walang trabaho ngayong umaga ang mga ito dahil sa kaarawan ni andra, [ 26th ] at abala na ang lahat, para sa malaking party na gaganapin sa isang hotel, ng mga Artamendi mamayang gabi. Nagpaluto nga ang lalakeng Artamendi, sa chef ng pamilya, para sa lahat ng tauhan nila sa loob ng mansyon. Taon- taon, sa tuwing may kaarawan sa pamilya, ng Artamendi ay ginagawa nila ito bilang pasasalamat.

" Milo, kumusta ang pagkain?? Ito, ang tinanong ng matanda sapagkat unang pagkakataon pa lamang ni milo, na makatikim sa luto ng chef sa mansyon, kaya' t dito niya rin inaya yung dalawa na kumain sa kusina.

Sobrang maselan at mitikoloso, sa pagkain si Mr, Artamendi, kaya' t may sariling chef ang pamilya sa loob nang mansyon, na nagluluto ng mga masasarap na pagkain, araw - araw. Maliban kay rosario na alam na rin ang panlasa ng pamilya.

" Uhm sobrang sarap po, nanay rosario." Ngiting tugon ni milo, natuwa naman dito, ang matanda sa narinig.

" Mabuti naman kung ganoon.. siya kumain lang kayo, at may tatapusin lang ako." Hinagod pa ng matanda ang ulo ng dalawa.

" Sige hoh, nanay rosario... " Nagpatuloy lamang ang dalawa sa pagkain.

Agad naman tumalikod ang matanda, at itinuloy nito ang ginagawa kanina sa kusina kasama ang ilang katulong.

" Sigurado ako tol, hmm mas maraming kilalang artista at pulitiko, ang bisita sa birthday party, ni miss andra mamaya, kaya bumili ako ng bagong suit eh."

Dahil nga sa, mas matagal na si george, ngayon sa mga Artamendi, kaysa kay milo, ay alam na nga halos nito, ang routine ng pamilya. Na taon- taon nga, tuwing may kaarawan, ang isa sa mga Artamendi, ay nagsasagawa ng malaking party ang mga ito, sa kanilang pinaka- malaking hotel dito, sa metro manila. Pagkat hindi nagsasagawa nang kahit na anong party sa mansyon. Kahit na kaya nito na mag- akumuda, ng maraming bisita pagkat ang mansyon, ay eksklusibo lamang para sa pamilya malalapit na kaibigan at kamag-anak ng mga Artamendi. At walang sinong, puwedeng tumungo dito, nang walang pahintulot, galing sa mga namamahala o kahit sa pamilya, na mismo. Sapagkat numero unong isinasa- alang alang pa rin nla dito ang mahigpit na seguridad ng buong pamilyang Artamendi.

" S- suit? Sang- ayon naman si milo sa kaibigan sapagkat kilalang tao ang pamilya ni andra at celebrity pa ang turing sa kaniya sa pilipinas. Nagtaka lang ito sa huling sinabi nito.

" Oo milo, bagong suit at para naman hindi ako magmukhang mahirap mamaya ano, hmm ikaw.. anong isusuot mo mamaya? Kumunot ang noo ni milo pagkat wala siyang ideya sa ganito at ngayon pa lamang siya makakapunta sa isang magarbong party.

" Edi ang suit na ibinigay sa akin noong bago ako rito." Patuloy nito sa pagkain.

" Ano ba yan birthday ni miss andra. Eh hindi mo manlang pinaghandaan, tol?" Nakikinig lang sa dalawa si rosario at ibang katulong.

The Successor [ Book 1 ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon