CHAPTER 45

10K 367 142
                                    

Pagpapatuloy...

Matapos-tapos na makauwi galing sa hospital sa pagdalaw sa ama ay agad na pinatawag ni andra ang kaibigan at abugado nitong si maiara kay janika. Naabutan pa siya ng dalawa sa pool area ng mansyon na tila malalim na naman ang kaniyang iniisip.

" Ayun siya attorney, maiwan ko na muna kayo." Turo nito kay andra sa hindi kaluyuan.

" Sige, salamat janika." Ngiting tugon ng batang abugado na tinugunan rin ng ngiti ni janika bago tumalikod at umalis.

" Andra? Tawag nito sa kaibigan na nakatalikod.

" Maia? Mabuti nandito kana, ku- kumusta ang kaso ni milo, napag-aralan mo na ba? Tanong agad nito sa pagharap sa kaibigan na hindi pa nakakaupo.

" O- Oo, na review ko na ang kaso niya, andra." Paglapit ni maia at bumeso sa kaibigan.

" Ano, may ilalabas mo ba siya roon ha, maia?"

" Andra—

" Maia, Ano mailalabas mo ba si milo?! Medyo mataas na tuno ni andra. Napahinga naman ng malalim ang kaibigang abugado rito.

" And- Andra, fru- frustrated murder ang kaso ni milo at generally non- bailable talaga 'yon dito sa pilipinas, dahil sa bigat nun, pe- pero puwede tayong maghain ng petition sa husgado at magkakaroon ng hearing para tingnan kung iga- grant ba ng husgado sa' tin ang bail, depende sa ebidensyang mailalabas natin."

" Ga- Gaano naman katagal ang hearing? Kunot noo na tanong ni andra.

" Hindi ko sayo masasabi sa ngayon yun, andra. Ang need natin ngayon, a- ay maghanap pa ng dagdag na ebidensya na makakatulong sa kaso."

" So ano yun? Matatagalan pa bago makalabas si milo sa kulungan at hindi pa sigurado k- kung makakalabas nga siya, maia?

" I- I'm sorry andra, sa ngayon 'yan palang ang magagawa ko, natin." Napailing si alejandra sa narinig.

" Pe- pero ma-maia, sinasaktan nila roon si milo at h- hindi ako rito mapapanatag na alam kong hindi siya okay! Makikita sa mukha ni andra ang pagkadismaya nito.

" Andra, alam ko na.. gustong- gusto mo nang makalabas si milo roon, pero.. kailangan nating sumunod sa proseso at batas." Napaupo na lamang ang kaibigan pagkat wala naman itong magagawa kundi ang maghintay.

" I'm s- so sorry maiara, kung napi-pressure kita at nadadamay kapa rito, hindi ko na kasi alam kung anong gagawin ko eh." Hawak nito sa noo. Nilapitan naman ito ng kaibigan.

" Naiintindihan kita andra, a- at bilang abugado mo trabaho ko na tulungan ka, pe- pero.. bilang kaibigan mo rin, gusto kong tatagan at tibayan mo pa ang loob mo, ka- kasi mahaba pa 'to at ayoko naman na mapabayaan mo ang sarili mo sa huli. " Tinanguan na lang ito ng kaibigan sapagkat nalalaman nitong nag-aalala lamang siya para rito.

Ang mahabang pasensiya ni andra ay para bang umiiksi, pagkat sa sitwasyon nila ng kasintahan at kalagayan ng inspector sa kulungan, na wala siyang magawa, kahit na ang pera niya upang protektahan ito, katulad nang pagprotekta nito sa kaniya noon. Dahil na rin sa napakalakas na impluwensiya ng pamilya at ina.

---

" Amo?

" Kumusta na mikki, yung pulis? Umamin na ba? Bungad nito sa pagtawag sa kanang kamay.

" Hindi amo, masyadong matigas, lahat na nga ginawa na ng mga tauhan ko pero, ayaw talaga umamin eh." Naiiling nitong tugon.

" Hmm sige, lubayan niyo na muna si milo, baka makahalata ang mga tao kapag nakita siya."

The Successor [ Book 1 ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon