CHAPTER 36 [ PG ]

19.8K 496 88
                                    

Pagpapatuloy...

Kinabukasan ay maagang nagising si milo kaya't maaga rin itong nag-ayos ng sarili bagamat matagal itong nakatulog noong gabi dahil sa pag-iisip kung ano ang dapat niyang gawin ay mahimbing naman ang itinulog pa rin nito at nakabawi ito ng lakas sa mga nangyari sa kanila kahapon.

" Baby, gising na po." Bulong ni milo sa tenga ng nobya sa tabi nito.

" Hmm? Unti- unting iminulat ni andra ang mga mata kahit na inaantok pa ito.

" Gising na po baby." Marahan pang hinagod ni milo ang buhok ng nobya.

" Anong oras na? Papikit-pikit pa ang mga mata ni andra dahil sa antok.

" Mag-5am na po." Marahan parin na hinahagod hagod ni milo ang buhok ni andra.

" Hmm okay, good morning." Ngiting pagbati ni andra na labas ang mga dimple nito sa pisngi at ibabang labi at malambing na yumakap kay milo.

" Good morning, I love you." Agad na Inangat ni milo ang ulo at humalik sa labi ni andra.

" I love you more." Tugon ni andra na kinangiti ni milo at muling humalik sa labi niya.

" Mas mahal po kita, miss maureen alejandra artamendi." Bahagyang pinisil pa ni milo ang ilong ng nobya.

" Talaga ba inspector lim? Taas kilay na tugon ni andra.

" Opo! Sobra pa sa sobra!"

" Mga pulis talaga bolero! Bumitaw si andra sa yakap kay milo at tumayo ito para tumungo ng banyo.

" Anong bola doon? Mahal naman talaga kita! Kunot noo na tugon ni milo. Nilingon naman ito ni andra, na ngayon ay nasa pintuan na, ng banyo.

" Ohw really? Kagat labing tugon ni andra na tila inaasar ang kasintahan.

Dahil dito ay napatitig ang inspector ng matindi sa nobya lalo na at napakaseksi nito sa suot na puting long-sleeved na labas ang makinis na hita at mga binti nito. Dumagdag pa sa alindog nito ang medyo magulong buhok.

" Ah ganun? Hmm mamaya nalang kaya tayong umalis? Patutunayan ko muna sayo na mahal kita?" Makahulugan ang mga titig ni milo na agad nakuha ni andra ang ibig sabihin.

" Inspector lim, ayoko!" Agad na hinubad ni milo ang suot na white t-shirt at mabilis na lumapit sa nobya. Binuksan naman ni andra ang pintuan ng banyo upang pumasok sa loob at saraduhan ang kasintahan ngunit huli na ito.

" Anong ayaw miss andra? Panagutan mo ako! Mabilis na hawakan ng inspector ang pintuan ng banyo at nakapasok sa loob nito.

" Milo?!" Niyakap ito ng kasintahan sa baywang at hinarap siya nito.

" Wala nandito na ako!"

" Love, teka lang!" Awat ni andra at itinukod sa balikat ng kasintahan ang mga kamay niya.

" Andra, please?" Nagmamakaawa na mga tingin ni milo na gumala na rin pababa sa malarosas na labi ni andra.

[ PG ]

Ang mga mata ng inspector ay namumungay, na madarama ang labis pagkasabik sa nobya. Napatitig na rin dito si andra at napakagat ng labi at sa ginawa nito ay nakadama ng kakaibang init sa katawan ang kasintahan.

" Okay sandali lang tayo." Agad na sinunggaban itong halik ni milo sa labi at wala nang nagawa si andra kundi ang tumugon.

Isinandal ni milo sa pader ang nobya at hindi naman ito umalma sa kaniya. Kusang pinaubaya ni andra ang mga labi niya sa kasintahan at nakipagpalitan ng madidiin na halik dito.

The Successor [ Book 1 ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon