FAST FORWARD.
Ngayon ay patungo ang inspector sa opisina ng lalakeng Artamendi, halos kararating lamang nito sa mansyon nang sabihan ito ni ramon na pinapatawag siya ni Mr. Artamendi sa hindi niya malamang dahilan. Hindi tuloy maiwasan ng inspector na mag-isip ng kung ano. Pagdating sa tapat ng kuwarto ay huminga na muna ito ng malalim bago kumatok at pumasok. Agad na bumungad kay milo, ang lalakeng Artamendi na abala sa mga papeles na binabasa.
" Magandang umaga po pinapatawag niyo raw po ako, sir? Magalang na bati ng inspector.
" Yes, milo maupo ka." Itinigil ni Mr Artamendi ang ginagawa at itinuon ang atensyon dito.
" Salamat po. " Tumugon naman ito sa kaniya at na upo.
Sandaling tinitigan, ni Mr, Artamendi, ang batang inspector, na tila sinusuyod, ang buong pagkatao nito.
" Hmm... nabalitaan ko pala ang nangyari sa bar, Inspector lim." Napayuko dito si milo.
" Pa- pasensiya na ho, kayo sir, pangako hindi na ho, mauulit." Napa- ngiti ito sa inspector.
" Don't worry, hindi ako galit sa ginawa mo milo, hmmm alam ko na ginawa mo lang yun, p- para protektahan, ang anak ko... at ginagawa mo lang ang trabaho mo. " Napa- tingin dito si milo.
" Salamat po sir." Napawi ang kabang nadarama ni milo sa narinig.
" No, ako nga ang dapat na magpasalamat sayo inspector lim, kaya malaki ang... tiwala ko sayo ehh, dahil... dedicated ka sa trabaho mo, at alam kong ligtas ang anak ko... kapag ikaw ang nasa tabi niya. Ipagpatuloy mo lamang, ang ginagawa mo, tatagal ka dito at sinisiguro ko sayo, na may kapalit ang lahat ng yan galing sa akin."
" Salamat sir pero.. hindi naman na po kailangan sapat na po... ang mga benefits, na nakukuha ko sa pagtatrabaho ko sa inyo dito. " Ngumiti ito na may paghanga sa inspector.
" Hmm kaya gusto kita milo eh.. puro trabaho at hindi lang pera.. ang nasa isip mo, maganda yan, but I am true to my words. At.. tutuparin ko 'yon, basta wag mo lang sisirain, ang tiwala ko sayo?? Napa- tingin ng husto si milo, sa huling sinabi sa kaniya nito.
" Ye- yes, sir."
" Good, a- at huwag mo na palang isipin pa ang nangyari sa bar, pinayos ko na yun p- pero gusto kong malaman mo na, ayoko ng violence, l- lalo na kung.. walang magandang dahilan.... ayokong nasasangkot sa gulo ang mga tao ko, milo."
" Opo sir, naiintindihan ko po. "
" Sige na, makakabalik kana sa trabaho mo."
" Salamat po, sir... " Ngumiti at tumango lang ito kay milo.
Napahinga ng malalim na lamang ang inspector pagkalabas nito ng kuwarto at napawi ang lahat ng namuong takot sa dibdib, sapagkat sa kabila ng nangyari sa bar, ay hindi nagalit ang lalakeng Artamendi kundi, sinuportahan pa siya nito.
---
Naimbitahan ngayong araw, si andra, na maging speaker sa isang kilalang award giving body para parangalan ang mga natatangi at huwarang guro sa pilipinas kasama ang congressman, na si chico ito ang unang pagkakataon na lalabas ang dalawa sa publiko, pagkatapos ng engagement nila kaya't alam na ni andra na maraming media ang naka- abang na sa kanila at sigurado siyang pupugpugin sila ng mga tanong mamaya ngunit hinanda niya naman na ang sarili, dito. Bagamat ayaw talaga nito ang bagong set-up nila ngayon ay kailangan niya ngang sanayin na ang sarili na makasama ang congressman sa mga ganitong event lalo na, kapag na ikasal na sila. Pag- labas sa pintuan ng mansyon, ay kagad na bumungad kay andra ang tatlong security nito.
" Good afternoon, miss andra." Ngumiti dito ang dalaga, at napa- baling ng tingin kay milo, na 'di malaman kung saan naka- tingin ngayon pagkat sa suot na shades.
BINABASA MO ANG
The Successor [ Book 1 ]
FanfictionMIKHAIAH AU Isang anak ng pinakamayamang pamilya sa bansa at kaisa-isang tagapagmana ng mga artamendi ngunit paano na lamang kung mahulog ang loob nito sa taong hindi niya dapat mahalin sapagkat matagal nang naitakda ang sarili nito para sa iba. Ipa...