EPILOGUE

21.2K 387 256
                                    

1 MONTH AFTER.

" Miss andra? Pagkatok ni janika sa kuwarto ng kaibigan. Agad naman siya nitong pinagbuksan ng pinto at may ngiti ito sa labi nang bumungad sa kaniya. - Nasa baba na si congressman, hinihintay ka." May ngiti rin sa labing saad niya pa rito sa huli sapagkat maaliwalas ang mukha ng kaibigan ngayon.

" Okay, let's go? Tumango rito si janika at nauna si andra na lumakad sa kaniya. Sumunod naman siya agad dito.

Sa bungad ng hagdan pa lang pababa ay nakita na agad ni andra ang congressman sa lobby ng mansyon. Sandali niya pa itong tinitigan bago magpatuloy, pagkat napansin niya rin agad ang hawak nitong bulaklak na nagpangiti sa kaniya. Sa loob ng isang taon ay hindi tumigil si chico na ligawan siya. Hindi ito pumalya sa pagbibigay ng bulaklak at pagsama sa kaniya sa pagdalaw sa ama sa hospital, gayon din sa foundation o iba pa niyang trabaho sa labas ng kompanya nila.

" Go- Good morning. " Nauutal na bati ni chico, pagkababa ni andra at nakangiti na sa kaniya. Hindi pa rin maalis-alis ang labis na paghanga ng congressman sa dalaga at makikita ito, hindi lamang sa mga kilos nito kundi pati na rin sa mga mata.

" Good morning, chico." Bahagyang lumapit ang binata kay andra at bumeso sa kaniya.

" Uhm flowers for you? May ngiti sa labing saad ni chico at inuwang ang dalang bulaklak kay andra.

" Thank you congressman francisco gonzalez, malapit na akong magtayo ng flower shop dahil sayo." lalong napangiti ang binata sa biro ni andra, gayon din ang matalik niyang kaibigan.

" Ganun ba? Sige, kung ganun.. ako na po ang magsu-supply sa shop mo? Tugong biro rin ni chico kaya't natawa rito si andra.

" Okay, pag-iisipan ko, congressman gonzalez. " Tumango-tango na lamang si chico bilang tugon sa dalaga na may ngiti pa rin sa labi.

" Hmm paano, t- tara na? Aya ni chico at inabot ang kamay kay andra na nakangiting tinanggap ito sa huli.

Sa mga nasaksihan ni janika ay hindi rin nito maiwasang lihim na mapangiti, pagkat sa wakas, kahit paano ay ngumigiti na ang kaibigan, na hindi pilit at makikitang tunay ito kaya't hinihiling niya na sana ay magtuloy-tuloy na ito. Ngayong umaga ay patungo ang mga ito sa hospital para dalawin ang lalakeng artamendi. Routine na nilang gawin ito, tuwing sabado o linggo. Mas espesyal lamang ngayon pagkat ilang araw na lamang ay sasapit na ang pasko. Habang nasa biyahe ay nakatingin lamang si andra sa labas ng bintana na hindi maalis ang ngiti sa labi pagkat maaliwalas at maganda ang panahon na tila nakikisabay sa magaan niyang pakiramdam, na sa matagal na panahon ay ngayon niya lang muling naramdaman. Ang congressman si chico at kaibigang si janika ay tahimik namang pinagmamasdan siya, pagkat masaya sila sa kanilang nakikita ngayon. Noong paggising pa lamang ni andra kanina ay magaan na ang pakiramdam nito, lalo pang gumaan itong nang masilayan ang mga namumukadkad na sunflower mula sa biranda ng kaniyang kuwarto, na sa hindi malamang dahilan ay matagal din niyang hindi nakitang mamukadkad ng ganoong kaganda simula nang mawala ang kasintahang si milo.

" Andra, nandito na tayo." Agad napalingon ang dalaga kay chico na ngayon ay nakauwang na ang kamay sa kaniya sa labas ng kotse upang alalayan siyang bumaba. Hindi niya namalayang nasa parking lot na pala sila ng hospital.

" Thank you, chico.. " Pagtanggap ni andra sa kamay ng binata. Magandang ngiti naman ang itinugon nito sa kaniya at humigpit pa ang pagkakahawak sa kamay niya ngunit sapat lamang upang hindi siya masaktan.

Hanggang sa pagpasok nila sa hospital ay hindi binitawan ng congressman ang kamay ni andra na magkalapat sa isa't-isa. Sanay naman na ang dalaga sa mga ganitong gawi ni chico kaya't hinahayaan na lamang, lalo pa at alam ng mga tao na nobyo niya ito. Gaya nang dati ay may mga bodyguard pa rin sa labas ng kuwarto ni enrique para masigurong ligtas ito habang hindi pa rin nagigising mula sa pagka- comatose nito. Pagpasok nila sa kuwarto ni enrique ay si ramon ang bumungad sa kanila na nakaupo sa may sofa. Dahil bukod sa mga bodyguard sa labas ay may bantay rin sa loob nito na madalas ay si ramon nga, pagkat ito naman ang personal bodyguard ng lalake kahit noon pa man.

The Successor [ Book 1 ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon