CHAPTER 6

14.6K 651 93
                                    

Pagpapatuloy...

Pagkalapag ng eroplano sa pilipinas bagamat naka-private plane sila andra pauwi ng pilipinas nagdesisyon itong dumaan pa rin ng airport at katulad nga ng dati ay sinalubong ito ng fans at media, alam na ito ni andra na sasalubungin siya ng mga tagahanga niya kaya nagdesisyon siyang sa airport na dumaan upang makapagpasalamat sa mga ito at katulad nga rin ng dati ay dinumog na naman siya ng mga makukulit na reporter, pinaunlakan niya naman ang mga ito ng interview, kaya nga tumagal pa sila sa ng halos dalawang oras sa airport upang sagutin lang ang mga paulit-ulit nang tanong sa kaniya ng mga ito, lalo na ang tanong kung kailan ba siya magpapakilala sa madla ng nobyo o taong napupusuan na mahalin, na hanggang ngayon nga ay tanging tanong na lamang na hindi niya pa rin masagot-sagot.

Pagkatapos nang mahabang interview kay andra ng media at pakikisalamuha naman nito sa mga tagahanga niya, nagdesisyon na yung assistant nitong si janika na umalis, sapagkat para bang 'di na natatapos at nauubos ang taong gustong makaharap o makausap ang dalaga, halatang na miss rin nga ito ni andra, dahil pagdating sa mga ganitong bagay, basta para sa mga taong nagmamahal sa kaniya ay game na game rin ito at para bang hindi nauubusan ng lakas, matapos nila sa airport dumeretso na sila sa mansyon at sa bungad palang nga nito sa labas ay na pansin na kaagad ni alejandra ang bagong pintura nito, bumalik si andra ng bansa kasama ang assistant ang personal bodyguard nito at ang alalay na si emily, pagkababa nito ng sasakyan ay isa-isa naman itong binati ng mga tauhan nila, pagngiti naman ang tugon niya dito at sa pintuan mismo ng masyon ay sinalubong naman ang dalaga ng yaya at mayordoma nilang si rosario.

" Maligayang pagbabalik po sa inyo rito, miss andra." Pagbati ng dalawang katulong na katabi ni rosario.

At nasa likuran lamang naman ni andra si janika at yung personal bodyguard, nitong si miguel at alalay na si emily.

" Maraming salamat.. " Ngiting tugon ng dalaga at kusa nang kumilos ang mga ito upang kuhain ang mga bagahe nito sa kotse.

" Andra, iha.. " Inuwang kaagad ng matanda ang mga kamay upang mayakap ang dalaga.

" Yaya rosario, na.. miss ko po kayo... " Malapit si andra sa matanda sapagkat ito ang nag-alaga at nagpalaki sa kaniya simula pagkabata.

" Na miss rin kita iha, kumusta ang biyahe ha?

" Mabuti naman po yaya rosario... nakakapagod lang po."

" Hmm hindi naman halatang na pagod ka anak at ang ganda mo pa rin."

" Binubola niyo pa ako nanay rosario eh, ay may pasalubong pala ako sa inyo, nasa isang maleta ko, kayo nang bahalang kumuha mamaya."

" Ah sige iha, salamat nag- abala kapa. "

" Wala pong anuman nanay rosario, basta.. para sa paborito kong yaya."  Lambing pa ni andra sa matanda at muli siyang yumakap dito.

" Hindi kapa rin talaga.. nagbabago andra, ikaw pa rin ang malambing na bata na pinalaki ko.. " Nginitian lamang ito ni andra at nilingon lingon ang mata sa paligid.

" Kumusta po kayo nanay rosario??? Pagyakap din dito ni janika, malapit rin ito sa matanda.

" Mabuti naman ako anak... " Pagtugon nito kay janika at kapwa nilang na pansin si andra na tila may hinahanap.

" Uhm sila mama' at papa' pala yaya?

" Ah may importante lang na inatenan, na event pero uuwi rin yun kagad, dahil alam nila ngayon ang dating mo."

" Hmm gano'n po ba, sige magpapahinga na lang po muna ako yaya, na pagod talaga ako sa biyahe. "

Nalungkot naman si andra, na ' di man lang siya nasalubong ng magulang sa muling pagbabalik niya ng pilipinas, at hindi nga nito maiwasan na magtampo, dahil bata pa lamang siya ay palagi nang walang oras ang magulang sa kaniya dahil sa negosyo.

The Successor [ Book 1 ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon