Dali-daling tumungo si Elizabeth sa kuwarto ng anak, nang malaman nitong nakabalik na ito kasama ang ama. Kasama rin ni Elizabeth sa pagtungo ang matandang si rosario at kaibigan ng anak at assistant na si janika pagkat lahat naman sila ay nagaalala kay andra sa maaaring gawin ni Enrique dito. Naabutan nila si andra sa kama nito na patuloy pa rin sa pag-iyak dahil sa takot na baka anong gawin ng ama sa kasintahan. Halos madurog ang mga puso nila, lalo na si Elizabeth sa nakikita niya ngayon sa anak kaya't sa awa nito dito ay agad niya itong nilapitan.
" Andra, anak?" Agad na upo si Elizabeth sa tabi ni andra at hinagod ang buhok nito.
" Mama'?" Paglingon ni alejandra na umiiyak at yumakap sa ina. Lalo namang na durog ang puso ni Elizabeth dito.
" Tahan na anak." Patuloy na paghagod ni eliza sa buhok ni andra habang walang magawa sila rosario at janika kung 'di ang makinig lamang sa mag-ina ngayon.
" Mama', baka anong gawin ni papa' kay milo."
" Ito ang sinasabi ko sayo noon andra, hindi ka nakinig sa akin."
" H- Hindi ko kaya ang gusto niyong ipagawa sa akin mama'! Ang gusto niyo kalimutan at iwasan ko na ang isang taong nagparamdam sa akin na puwede akong maging masaya! Yung totoong masaya! Naiiling na lamang si Elizabeth sa mga naririnig niya mula sa anak pagkat hindi niya na alam ang itutugon dito.
" Janika, please pakikuha mo na muna ng tubig si andra?
" Sige po, ma'am." Agad na tumungo si janika sa opisina ni andra, para kumuha doon ng tubig sa fridge.
" M- Mama', kausapin mo si papa, baka makinig siya sayo." Nagmamakaawa na ito sa ina.
" Anak. " Bumaling na si Elizabeth ng tingin kay rosario dahil hindi niya na alam ang gagawin.
" Pakiusap andra, huminahon ka muna." Awang usap dito ni rosario ngunit umiling-iling lang ito sa kaniya.
" Ma'am ito na po ang tubig." Pag-abot ni janika nito kay Elizabeth na awang- awa na rin sa kaibigan kung may magagawa lamang siya para dito ay ginawa niya na.
" Salamat janika, heto uminom ka na muna ng tubig andra, sige na? Ayaw pa ng dalaga noong una ngunit na pilit ito ng ina.
" Mama', kailangan ako ni milo ngayon, hindi ko kakayanin kung mayro'ng mangyaring masama sa kaniya. " Nababalot parin ng takot si andra at maririnig ito sa boses niya at hindi ito na kalma nang pag- inom ng tubig.
" Andra? Alam ni Elizabeth na hindi na maaaring lumabas ang dalaga ng mansyon ngayon pagkat pinagbawalan na ito ng ama at ayaw niyang sila naman ng asawa ang mag-away nang dahil dito ngunit ina siya kaya't hati ang puso niya ngayon.
" Please, mama'?! Muling yumakap si andra sa ina at ramdam nito ang paghihirap niya.
Niyakap rin naman ng mahigpit ni Elizabeth ang dalagang anak para mapagaan ang loob nito at bumaling sandali ng tingin kay rosario at janika na hindi na rin malaman ang gagawin ngunit isa lamang ang nasa isipan ni Elizabeth ngayon, na kailangan niyang magdesisyon para sa anak.
" Andra, makinig ka sa akin, hmm?? Iniangat ni Elizabeth ang mukha ng anak at hinawakan ang magkabilang pisngi nito.
" Mama'." Umiiyak pa rin nitong sambit. Pinahid naman ng ina ang mga luha nito.
" A- Ayusin mo ang iyong sarili, halika.. tumayo ka.. " Sumunod si andra sa ina at Inalalayan siya nito na tumayo mula sa kama niya, pagkatapos ay inilapat ang palad nito sa kaniyang kamay at mahigpit siya nitong hinawakan.
Labis ang pagkahabag na nadarama ni Elizabeth para sa anak lalo na at nakikita niya ito na halos manghina na sa kakaiyak. Hindi kayang tiisin at pagmasdan na lamang ni Elizabeth ang anak na tila wala ito sa katinuan at malayo sa kumpos na andra.
BINABASA MO ANG
The Successor [ Book 1 ]
FanfictionMIKHAIAH AU Isang anak ng pinakamayamang pamilya sa bansa at kaisa-isang tagapagmana ng mga artamendi ngunit paano na lamang kung mahulog ang loob nito sa taong hindi niya dapat mahalin sapagkat matagal nang naitakda ang sarili nito para sa iba. Ipa...