Pagpapatuloy...
Tumagal pa ng halos dalawang oras ang dinner nila andra at ng gwapong photographer, pagkat nagkuwentuhan pa kasi ang dalawa ng kung ano-ano kaya't hindi na nila na pansin ang oras. At matapos ang masayang dinner nila ay kagad na tumungo ang mga ito, sa isang kilalang bar sa makati. Katulad nang napag-usapan. Si milo naman simula ng umalis sila sa studio ay hindi na mawari ang mukha nito. Hindi niya talaga nagustuhan, ang basta pagsama nalang ni andra sa lalake idagdag pa ang paglapit nito nang husto kay andra na lalo naman hindi siya naging komportable kung puwede lamang ay kanina niya pa ito sinipa palayo sa babaeng amo ngunit alam nito na 'di niya ito puwedeng basta nalang gawin.
Sa loob ng bar pagdating nila ay marami na ring mga tao at halatang laman ang lalake palagi dito. Dahil lahat ng madaanan nila, ay kilala siya ng mga ito. Hindi naman na kailangan pang ipakilala si alejandra, sa mga kaibigan ng lalake, dahil ang mga ito na ang kusang bumabati dito. Sino nga ba naman ang hindi makakakilala kay alejandra, na miyembro ng pinakamayamang pamilya sa bansa, at kilala rin nga itong modelo, socialite at philanthropist. Bahagyang na gulat pa ang iba sapagkat hindi nila inaasahan na makikita ang babae, sa ganitong party. Bagamat puro mayayaman din ang pumupunta dito ay hindi ganitong party ang kaniyang pinupuntahan madalas.
Tahimik naman nakasunod lamang sila janika, at milo kay andra, gayon din ang dalawang security nito. Nakatuon naman ang buong atensyon ni milo sa among babae at sa paligid nito sapagkat maraming tao ngayon, at hindi nga nila makikita basta kung may mangyayari o parating na hindi nila inaasahan. Hanggat maaari sana ay ayaw ng inspector, na pumunta sila, sa ganitong lugar at karaming tao dahil hindi rin nila makokontrol ang buong paligid, ngunit wala naman siyang magagawa, kundi sumunod. Matapos na mabati ang ilang sa nadaanan nila andra ay kumuha ng magandang puwesto ang lalake, na tanging, sila lamang ang uukupa at mauupo.
" Wait lang andra ah, kukuha lang ako ng drinks natin." Paalam ng lalake pagdating sa mesa nila.
" Sige, ethan... " Agad naman itong tumalikod sa kanila.
" Miss andra, hindi tayo puwede magpagabi ngayon ha? Alam mo na delikado. " Mahinang sabi ng assistant sa tabi nitong narinig naman ni milo sa gilid.
" I know janika. Hindi na ako bata na kailangang sabihan pa, okay?" Pagkat alam naman ni andra ang limitasyon niya.
" Yes, miss andra."
Maya-maya lamang ay bumalik ang photographer bitbit ang isang bote ng tequila. Nang makita ito ni milo ay kumunot ang noo nito. Bahagya ring na bigla rito si andra at janika.
" Tequila? Balak ba nitong lasingin si andra?!
" Tequila, ethan?" Umiinom si andra ng alak ngunit hindi ito heavy drinker.
" Yah, hindi kaba umiinom ng tequila, andra?"
" Nainom naman ethan, but— Dahil mataas ang alcohol content ng tequila at wala naman siyang balak maglasing.
" Yun naman pala eh, tsaka minsan lang naman 'to andra, diba?"
" Hmmm, yahh... " Pinagbigyan na lamang ito, ni andra, pagkat na isip niyang minsan lang naman siya uminom.
" Yun, umpisa na tayo? Para makarami. " Parang biro nito at naupo sa kanang tabi ni andra.
" Okay. " Nagkatinginan at kapwa nailing nalang si janika at milo.
Lumipas pa ang isang oras at may mga kaibigan ang photographer na sumalo na sa mesa nila at sa lumipas na oras, nga ay hindi namalayan ni andra' naparami na ang kaniyang naiinom. Hindi naman nagugustuhan ni milo, ang bulungan na usapan ni andra, at ng photographer. Panay rin ang paghawak, ng lalake sa braso, at baywang ni andra, na para bang hindi nito pansin marahil ay epekto ng alak, sa katawan ngayon nito. Pilit na lamang kinakalma ni milo ang sarili sa mga nakikita pagkat ayaw niyang gumawa ng eksena sa loob ng bar. At isang oras pa ang lumipas at nagpatuloy ang inuman at kuwentuhan sa mesa nila andra, gayon din ang mga bulungan nila ng photographer. Nanatili namang tahimik, si janika sa tabi ng kaibigan, sapagkat binabantayan niya rin ito. Maya maya'y tumayo naman, ang dalawa na pinagtakhan ni milo at janika.
BINABASA MO ANG
The Successor [ Book 1 ]
FanfictionMIKHAIAH AU Isang anak ng pinakamayamang pamilya sa bansa at kaisa-isang tagapagmana ng mga artamendi ngunit paano na lamang kung mahulog ang loob nito sa taong hindi niya dapat mahalin sapagkat matagal nang naitakda ang sarili nito para sa iba. Ipa...