CHAPTER 12

13.2K 575 175
                                    

1 WEEK LATER.

Dahil sa matinding traumang naranasan ni andra sa nangyaring ambush shooting ay napatigil ito sa kaniyang trabaho at hanggang ngayon nga ay hindi pa rin ito nakaka- recover madalas din itong managinip sa gabi ng mga nangyari at sinisisi rin nito ang kaniyang sarili sa pagkamatay ng personal na alalay na si emily, hindi rin ito masyadong nakakakain ng maayos kahit ang paglabas sa kuwarto nito ay bibihira lang din, palagi nitong gusto mapag- isa, parang nagluluksa ito sa pagkamatay ng mga taong pinagkatiwalaan niya at kahit napakalaking pera ang na ibigay nila sa pamilya ng mga taong iyon ay para nga sa dalaga ay hindi matutumbasan noon ang buhay na nawala sa kanila nang dahil sa kaniya.

Pagkatapos ang insidenteng nangyari, ay naging instant celebrity ang inspector ituring itong tila' y bayani ng mga tao, lalo na nga' t dahil sa kaniya buhay pa rin hanggang ngayon, ang itinuturing prinsesa ng marami, at marami nga na gustong makakuha ng interview dito ngunit lahat ng iyon ay tinanggihan niya, hindi naman kasi siya sanay sa camera at hindi nito gusto, yung atensyon na binibigay sa kaniya ng mga tao ngayon, subalit katulad ni andra ay parang na trauma rin si milo sa nangyari, at nanaginip din ito sa gabi minsan, bumalik din ang bungungot ng mga nakaraan sa kaniya, noong nasa military pa siya, isang linggo na rin itong natigil sa trabaho at hinayaan muna siyang mag-pahinga at pagaling.

" Magandang umaga milo." Pagsalubong nito sa bungad ng mansyon at tinapik pa nito sa balikat ang batang inspector.

" Magandang umaga rin kuya ramon uhm late na ba ako? Ngiting tugon niya dito.

" Ay hindi sakto lang naman ang dating mo milo, tara?" Ngiting tugon rin nito sa kaniya at agad na lumakad, sumunod naman siya dito.

Hindi pa nga sana babalik ngayong araw si milo sa mansyon ng mga artamendi pero pinatawag siya ng lalakeng artamendi at gusto daw siya na makausap nito naisip ni milo na baka nabasa na ang resignation letter niya dito kaya tumungo agad ito ng mansyon.

" Umm alam mo milo lahat kami rito hangang-hanga sa ginawa mo eh, iba ka ang galing mo." Inakbayan pa siya nito na tila proud na proud sa kaniya.

Parang ama na rin ni milo si ramon pagkat hindi nalalayo ang edad ng ama at ninong niya rito na proud na proud din sa ginawa niya pagkatapos nga noong insidente ay agad siyang pununtahan ng ninong niya sa bahay nila pagkat karangalan ang ginawa niya para sa hanay nila.

" Uhm lahat naman tayo dito gagawin ang ginawa ko kuya ramon eh."

" Oo, pe - pero ngayon lang kasi nangyari yung ganyan sa mga artamendi eh, at kay miss andra pa, noon kasi puro pananakot lang. " Naiiling na tugon ni ramon.

Bigla naman na tahimik dito si milo at napa- isip ito, kung kumusta na ang dalaga, dahil kung siya nga ay tila na trauma paano pa kaya ito.

" O' Pasok kana milo nasa loob na si Mr, Enrique Artamendi. " Dito lamang naka- balik sa ulirat si milo, nang marating nila ang pinto, ng opisina ni Enrique at tumigil dito.

" Sige salamat kuya ramon.. " Tumango pa ito sa kaniya bago siya pumasok ng kuwarto.

Pagpasok ni milo sa kuwarto ay naabutan nyang nagbabasa ang lalakeng Artamendi.

" Good morning Mr, Artamendi um pinapatawag niyo raw po ako?

" Good morning milo, yes ma- upo ka. " Tumayo pa ito at nakipagkamay sa kaniya.

" Thank you sir. " Tugon nito at na upo.

" Hmm nabasa ko na pala, ang resignation letter mo hmm gusto kong... malaman mo na hindi ko tinatanggap ang pagbibitiw mo. " Deretsahan na usap nito kay milo.

" Hoh?

" Kailangan kita sa tabi ng anak ko milo... lalo na at nakita kong kaya mo siyang protektahan. "

The Successor [ Book 1 ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon