TIME SKIP.
Pagdating ng gabi abala pa rin si andra sa mga trabaho nito may kinalaman sa foundation niya kahit pagod pa rin nga ito ay hinarap niya na kaagad ang trabaho nang makatulog siya ng maayos kanina, dahil ayaw nito na maiipon ang trabaho niya at baka makalimutan niya na ito sa sobrang dami, may mga proyekto pa kasi itong haharapin outside sa foundation, kaya hanggat meron siyang oras ay tinatapos niya na ang mga dapat tapusin, habang abala naman ito ay may kumatok sa pinto ng kuwarto, nagtaka naman siya sapagkat sinabihan niya si janika, na huwag na muna siyang abalahin habang may trabaho siyang tinatapos, nagtataka man ay tumungo pa rin ito kaagad sa pinto upang tingnan kung sino ba ang na katok.
" Magandang gabi po, miss andra. " Pagbati nito sa kaniya at sandali siyang natigilan dito at napataas ang kilay sa pagtataka.
" Yes, may kailangan kaba milo?" Tinitigan niya pa ito simula ulo hanggang paa nito. Naka-white polo shirt lamang ito at police pants sa ngayon at mahahalata sa katawan nito na banat sa training dahil sa magandang tindig at biceps.
" Miss andra, iche- check ko lang po ang buong kuwarto niyo." Deretso nang pumasok si milo sa loob ng kuwarto ni andra kahit hindi pa siya nito pinapapasok.
Nag-umpisang ilibot ni milo ang buong mata nito sa buong kuwarto, agad namang sinundan ito ni andra.
" What?" Takang tugon pa ni andra, muli naman itong hinarap ni milo.
" Bilang personal bodyguard niyo po miss andra, kailangan kong i-check ang mga lugar kung saan kayo namamalagi at saan kayo pupunta." Ngiting tugon ni milo, na tila nakakaloko dito, at muling umikot sa malaking kuwarto ng dalaga.
" What?! Hi- hindi na- naman dati ginagawa yan ni miguel at nandito ako sa loob ng bahay namin. Sa dami niyong security rito wala naman sigurong papasok na masamang tao sa kuwarto ko." Taas kilay na tugon ni andra, muli namang humarap sa kaniya si milo.
" Miss andra, si miguel po yun. Hindi po ako si miguel at mabuti nang nakakasiguro po tayo mahirap na." Ngiting tugon muli rito ni milo, tila hindi makapaniwala si andra sa naririnig niya ngayon kaya sandali itong natahimik.
" Antipatiko 'to ah!
Nang matapos matingnan ni milo yung buong paligid ng kuwarto ay tiningnan naman nito ang mga CCTV kung ito ba' y gumagana. Lalong hindi malaman ni andra ang mararamdaman niya dahil ngayon niya lamang nalaman at nakitang mayroong CCTV camera sa mismong loob ng kuwarto. Dahil noon ay tanging sa labas lang ng kuwarto niya ang may CCTV camera.
" What?! The whole time nakikita at pinapanuod mo kung ano'ng ginagawa ko dito?!
" No miss andra, ngayon pa lang po sana kaya chini- check ko po kung okay. Don't worry po ma privacy pa rin naman kayo, walang camera sa wardrobe at bathroom niyo po. " Ngiting usap pa rin ni milo dito na parang nang-iinis pa sa dalaga.
" I can't believe this!" Halos mapasapo ng ulo si andra dahil parang wala na siyang privacy ngayon.
" You have to, miss andra." Muling nagpatuloy si milo sa pag-check sa loob ng kuwarto.
" Bastos!
" Aaarrrgghh! I- I will tell this to papa'!" Nginitian lang ito ni milo, agad namang lumabas si andra ng kuwarto niya na sinundan din ng bodyguard.
Agad na hinanap ni andra kung nasaan ang ama ngayon, gabi na rin kaya't alam nitong nasa bahay na ang ama. Sa bilis ng lakad nito ngayon at tila may kaaway ito na pupuntahan. Palihim na lang naman nangingiti si milo sa nakikita niya ngayon.
" Where's papa', ramon?!" Bungad ni andra sa personal bodyguard ng ama nito sa labas ng library ng mansyon.
" Miss andra, nasa loob p— Napatayo si ramon dito ngunit walang sabing pumasok agad ang dalaga upang kausapin ang ama, naiwan naman si milo sa labas na nangingiti kasama si ramon.
BINABASA MO ANG
The Successor [ Book 1 ]
FanfictionMIKHAIAH AU Isang anak ng pinakamayamang pamilya sa bansa at kaisa-isang tagapagmana ng mga artamendi ngunit paano na lamang kung mahulog ang loob nito sa taong hindi niya dapat mahalin sapagkat matagal nang naitakda ang sarili nito para sa iba. Ipa...