THE NEXT DAY.
" Tol?" Pagtawag ni george sa kaibigan na nasa labas ngayon ng mansyon at nakatayo sa tapat ng kotse. Nilingon naman agad siya nito.
" Oh, george?" Lumapit pa ito sa kaniya habang nakapamulsa.
" Balita ko napagalitan ka raw ni miss andra kagabi, ano ba'ng nangyari?"
" Hmm napagalitan/nag-away kami." Natawa si george sa kaniya.
" Tibay mo talaga milo si miss andra pa ang inaway mo." Napahinga namang malalim si milo.
" Ginagawa ko lang naman ang trabaho ko george." Naiiling tugon nito.
" Naiintindihan kita milo, mahirap din talaga ang trabaho natin eh, bukod sa kailangan nating siguraduhin na ligtas sila, kailangan din natin silang pakisamahan." Inakbayan pa ni george ang kaibigan.
" Lahat naman kaya kong gawin para sa trabaho pero hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko kagabi. Lalo na yung minaliit niya pa ako." Si george naman ngayon ang napahingang malalim.
" Baka naman hindi talaga yun ang ibig sabihin ni miss andra, milo? Kilala ng mga tao rito na mabait si miss andra, baka nagkataon lang na mainit ang ulo. "
" Ewan ko, tol. " Naiiling na tugon muli ni milo.
" Paalala ko lang sayo milo, wala na tayo sa military ha? Iba na ngayon may boss tayo rito at boss mo pa rin si miss andra, kaya hinay-hinay lang, okay?" Tumango nalang si milo sa kaibigan dahil tama rin naman ito.
Nakita naman nilang lumabas ang isa sa mga bodyguard ng dalaga mula sa loob ng mansyon. Dahil hindi na si milo ang nag-abang kay andra sa labas ng kuwarto nito kasama ni janika.
" Oh, paano nandiyan na yata si miss andra, milo. Doon na muna ako."
" Sige tol. " Tinapik pa siya nito sa balikat bago umalis.
Maya-maya ay lumabas na rin ang dalagang andra galing sa manyon kasama si janika. Agad itong napabaling anh tingin kay milo. Naalala nito ang pagtatalo nila noong gabi. Iwas naman ang tingin sa kaniya ni milo kahit na naka-shades ito at hindi kita ang mata. Matagal kasi bago nakatulog si milo noong gabi kakaisip niya sa maiksing pagtatalo nila ni andra kaya't medyo puyat ito.
" Good morning po, miss andra." Pagbati ni milo at pinagbuksan ng pinto ang babae ngunit deretso lamang itong pumasok ng kotse at hindi manlang nilingon ang bodyguard.
Binalewala na lamang ni milo ang hindi pagpansin sa kaniya ng babae habang ramdam ni janika ang tensyon sa pagitan ng dalawa kaya't naiiling na lamang ito.
" Good morning, milo."
" Good morning, janika." Tinapik pa si milo nito sa balikat bago pumasok ng kotse.
Patungo sila ngayon sa makati dahil mayroong schedule ngayon si andra ng photoshot sa isang International brand at habang nasa gitna sila ng biyahe kahit pinipilit na lamang itinutuan ni milo ang sarili sa trabaho ay napapatingin pa rin ito kay andra na ngayon ay nakapikit ang mga mata pagkat na puyat din ito noong gabi sa inis sa ginawa ng bodyguard. Pansin ni janika ang mga palihim na tingin ni milo sa kaibigan mula sa upuan niya.
" Dapat ba akong mag-sorry? Teka bakit ako magso-sorry wala naman akong ginawang masama ah?!"
Hati ang isipan ni milo kung dapat ba itong humingi ng paumanhin dahil sa loob nito ay ginagawa niya lamang ang kung anong trabaho at tama.
———
Pagdating sa lugar si milo pa rin ang nagbukas ng kotse para kay andra subalit katulad kanina ay hindi manlang ito nilingon ng babae na para bang hindi siya nito nakikita. Naiiling na lamang sa kanilang dalawa si janika na nakamasid sa kanila mula kanina pa sa mansyon. Pagpasok nila sa loob ng kuwarto kung saan gagawin ang photoshoot tulad ng ginagawa ni milo ay iniikot nito lagi ang mata sa buong lugar at tinitingnan kung may kakaibang bagay o ganap sa paligid na senyales na maaring mayroong mangyaring masama. Kasama ito sa mga training niya noong nasa military pa siya pero para sa iba ito ay kakaiba at parang hindi naman na dapat gawin ngunit sa kaniya iba na ang handa at nag-iingat.
BINABASA MO ANG
The Successor [ Book 1 ]
FanfictionMIKHAIAH AU Isang anak ng pinakamayamang pamilya sa bansa at kaisa-isang tagapagmana ng mga artamendi ngunit paano na lamang kung mahulog ang loob nito sa taong hindi niya dapat mahalin sapagkat matagal nang naitakda ang sarili nito para sa iba. Ipa...