5 MONTHS LATER.
" Sobrang bagay talaga niyang si congressman chico gonzales at miss andra, ano?" Sandaling napatigil sa paglalakad si milo sa kaniyang narinig sa dalawang pulis na kanilang nadaanan. Patungo ito sa waiting area ng mga dalaw sa kulungan habang hawak-hawak ito sa braso ng dalawang bantay niyang pulis.
" Oo nga brad eh, at sobrang napakasuwerte rin ni congressman kay miss andra. Hindi lang siya mayaman, sobrang yaman at sobrang ganda rin! Tugon ng kabaro nito na hawak ang telepono na animo'y gigil sa dalagang nasa screen.
" Sinabi mo pa brad! Hmm.. kaya kung ako kay congressman eh, hindi ko na pakakawalan yang si miss andra, para na siyang naka- jackpot sa lotto niyan eh." Nagngitngit ang mga bagang at panga ni milo sa palitan ng mga usapan ng dalawang pulis.
" Hindi lang parang brad. Naka-jackpot talaga! Nakipag- apir pa ang pulis sa kabaro nito na tila ba gigil pa rin kay andra, na nasa screen ng telepono niya na lalong hindi nagustuhan ni milo. Gusto nitong sigurin ang dalawang pulis ngunit pilit na pinigilan ang sarili.
" Hoy! Ano lakad! Pagtulak kay milo ng bantay nito kaya dito na lamang siya nakausad at walang nagawa kung hindi ang magpatuloy sa paglalakad.
Sa ilang buwan na nakakulong ang inspector ay marami na nga ang nangyari. Madalas niyang marinig ang mga bulungan may kinalaman sa nobya at sa congressman na lumalabas ang dalawa at nakikita ng publiko na malambing sa isa't-isa bagamat hindi ito ikinukuwento ng mga kaibigan at pamilya sa kaniya. Subalit hindi niya ito pinaniniwalaan hanggat hindi nakikita mismo ng kaniyang mga mata.
" T- Tol?" Hindi namalayan ni milo na nasa harap na siya ng mga kaibigan at pamilya dahil sa lalim ng kaniyang iniisip. Pansamantalang kinalagan muna siya sa posas.
" George?" Tugon ni milo nang makabalik siya sa kaniyang ulirat. Agad namang lumapit ang ama't kapatid sa kaniya para yumakap.
" Anak?" Malungkot na sambit ni nestor habang tinatapik-tapik ang likuran ng anak na pigil sa kaniyang emosyon ngayon.
" Tay." Ngiting mapait ni milo na tinapik-tapik din sa balikat ang ama.
" Kuyang?" Mahigpit na pagyakap ni sophia na ngilid ang mga luha sa mata ʼpagkat ayaw na niyang makadagdag pa sa dinadala ng panganay na kapatid.
" Huwag kang magpapasaway kay tatay ha? At mag-aral kang mabuti?" Habilin ni milo.
" O- Oo, ku- kuyang. " Pagpahid pa ni sophia sa mga luhang hindi sinasadyang pumatak sa mga pisngi niya.
" Tol, kami na ang bahala ni chase kay tatay nestor at sophia huwag kang mag-alala." Yakap na rin ni george sa kaibigan at tinapik-tapik ito sa balikat.
" Salamat, tol. " Pigil pa rin si milo sa kaniyang emosyon.
" Handa kana ba, milo?"
" Oo attorney, s- salamat sa lahat ng tulong mo sa akin at sa pamilya ko. " Napatango lamang ang abugada sa tugon sa kaniya ni milo pagkat pakiramdam nito ay nabigo niya ito na wala pa rin siyang nagawa para dito.
Ngayong araw ililipat sa mas malaking kulungan si milo ngunit sa malayong lugar. Matapos masentensyahan at matalo sa kasong frustrated murder nito kaya't hindi na siya palaging madadalaw ng pamilya. Labing-apat na taong pagkakakulong ang ipinataw kay milo. Sa ilang buwan na pagsusumikap nilang ipanalo ang kaso lalo na ni maiara ay hindi ito pinanigan ng husgado. Mababaw raw ang depensang inihain nila. Una kaya't nasa crime scene ang inspector ay nakarinig siya ng putok ng baril. Pangalawa kaya siya nagpositibo sa paraffin test ay nag- warning shot ito. Mabigat at masakit man sa kalooban ni milo ay tinanggap na lamang niya ang ipinataw sa kaniya at hindi na nag-apela pa kahit ito ang gusto ng pamilya at kaibigan niya, gayon din ang abugadang si maiara.
BINABASA MO ANG
The Successor [ Book 1 ]
FanfictionMIKHAIAH AU Isang anak ng pinakamayamang pamilya sa bansa at kaisa-isang tagapagmana ng mga artamendi ngunit paano na lamang kung mahulog ang loob nito sa taong hindi niya dapat mahalin sapagkat matagal nang naitakda ang sarili nito para sa iba. Ipa...