CHAPTER 29 ⚠️🔞

67.2K 808 950
                                    

THE NEXT DAY MORNING.

Maaga palang ay gising na si milo hindi rin siya nakatulog nang maayos noong gabi nakatutok lang ang mga mata nito sa monitor ng cctv cam sa kuwarto niya at pinagmamasdan ang nobya sa pagtulog nito. Maraming gumugulo sa isipan nito ngayon at ang tanging makakapawi lamang nito ay ang nobya. Ang makausap niya ito nang maayos at makahingi siya ng tawad dito kahit na ilang beses niya na itong ginawa. Maya-maya lang ay mas lalo itong napatutok sa monitor nang gumalaw ang nobya mula sa kama nito at naupo. Agad kasi nitong nakita ang sunflower na bigay niya sa side table ng kama. May iniwan din siyang note rito na hawak na ngayon ni andra at binabasa. Kinakabahan si milo pagkat walang reaksyon ang nobya sa bulaklak at mensahe niya rito na madalas ay nagpapangiti sa tuwing umaga.

" Alam kong galit ka pa rin sa akin nandito lang ako maghihintay sayo kung kailan ka magiging handa na kausapin ako. I'm sorry.

I love you baby, I miss you so much.
Sky...

Maya-maya lang ay nakita ni milo na kinuha ni andra sa side table ang telepono nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Maya-maya lang ay nakita ni milo na kinuha ni andra sa side table ang telepono nito. Napansin niya na tila may tina-type na ito. Segundo lang at tumunog naman ang telepono niya at napatayo siya nang makitang sa nobya ito galing.

Sunshine :

" Follow me."

Agad din na tumayo ang inspector nang makita niyang nagsuot ang nobya ng bathrobe nito at lumabas ng kuwarto. Kaya' t dali-dali rin siyang lumabas ng kaniyang kuwarto upang sundan ito. Hindi na nga niya nagawang mag-reply pa dito sa kaniyang pagmamadali. Alam na rin naman niya kung saan patungo ang nobya ngayon pero muli namang nakadama ng kaba si milo sa hindi niya malaman na dahilan ngunit umaasa pa rin siya na magiging maayos ang lahat. Iniling-iling nito ang ulo upang tanggalin ang lahat ng mga negatibo na tumatakbo sa isipan niya ngayon at itinuon ito sa paglalakad niya.

---

At pagdating ni milo sa gallery house ay nandun na rin ang nobya niyang si alejandra na halatang hinihintay siya. Nakatayo lang ito at nakatalikod habang nakatingin sa isang malaking paintings niya na hindi pa, tapos. Hindi na nagdalawang isip pa ang inspector mabilis siyang lumapit dito at niyakap sa baywang ang nobya mula sa likod nito.

" A- Andra, I'm sorry? Umiiyak na sambit ni milo agad na humarap naman ang nobya sa kaniya at hinawakan ang pisngi niya sa mukha.

Nakikita naman ni andra sa mata ng kasintahan ang sinseridad nito na nagsisisi ito sa ginawa.

" Ano ba'ng problema, milo? Tumitig ito sa mga mata niya.

" Nagagalit ako, nagseselos ako sa tuwing hahawakan at tititigan ka niya! Oh, kahit na sino, andra!

" Akala ko ba nag-usap na tayo tungkol dito? At malinaw na sayo, milo?

" Oo, alam ko andra naiintindihan ko pero hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong magselos sa tuwing may mahahawak at lalapit sa'yong iba! Bumitaw si alejandra sa pagkahawak sa mukha ng kasintahan at lumayo rito sa narinig niya.

The Successor [ Book 1 ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon