CHAPTER 31 [ PG ]

24.7K 487 134
                                    

FAST FORWARD.

Lumipas pa ang ilang mga linggo at nagpatuloy pa rin ang masaya at patagong relasyon ng magkasintahang milo at andra na tanging ang nakakaalam lamang ay si janika at rosario. At bagamat na madalas nagiging abala si andra sa mga trabaho niya, ay nakakapaglaan ito ng oras para sa kasintahan at ang bawat panahon na inilalaan ng dalawa sa isa't-isa ay sinasamantala nila ito. Kung puwede lamang sanang huminto at patigilin ng dalawa ang oras at sandali kapag magkasama sila ay ginawa na nila ito sapagkat nalalaman ng magkasintahan na maaaring hindi ito magtatagal at malalaman rin ng mama' at papa' ni andra ang kanilang itinatagong relasyon bagay na hindi nila hawak.

ENRIQUE BUILDING.

Sa hallway habang sila' y naglalakad patungo sa opisina ni andra ay kanina pa nagpipigil si milo sa kaniyang sarili na wag hawakan ang kamay ng nobya. Pagkat sa kotse, pa lamang kanina sa gitna nang biyahe nila ay panay na ang malagkit na mga tinginan at titigan ng magkasintahan. Hanggang sa makarating sila sa kompanya at pumasok sa building ay hindi pa rin tumigil ang mga ito. Sa paglalakad nila ay panakanakang nagdidikit ang likuran ng kamay nang dalawa sa tuwing magtatama ito. Nasa harapan lamang sila janika at dalawang security ni andra habang nahuhuli sila ni milo kaya' t maingat pa rin ang dalawa sa kanilang ikinikilos.

Hanggang sa tumigil sila sa tapat, ng elevator at naghintay na makasakay nito ay panaka- naka pa rin nga, ang pagdidikit ng mga kamay, nang magkasintahan sa isa't isa. Pigil na pigil pa rin naman si milo, sa kaniyang sarili, na hawakan ang nobya. Maya-maya nang makasakay sila ng elevator ay sa bandang likuran pumuwesto, ang magkasintahan. Si janika, at dalawang security naman ni andra'y nasa harap parin nila ni milo. Nakakailang buntong hininga na ang inspector ng malalim at tila'y pinagpapawisan ito na hindi niya maintindihan kung bakit. Napansin din ito ni andra kaya't napapahinga rin ito ng malalim at nanalanging wala sana na gawin ngayon ang kasintahan.

" F*ckk! Arrggh! I- I want to touch you right now, baby!" Bulong ni milo sa tabi ng nobya habang panakanaka pa rin na nagdidikit ang likurang kamay nila sa isa't-isa.

" Not here, Inspector lim. " Pagtugon ni andra na tila pinapakalma ang kasintahan sa nais nitong gawin ngunit ang kaniyang salita ay lalo lamang nagpadala ng malakas na boltahe sa katawan ni milo.

" Yes, mam." Huminga ng malalim ang inspector na pinagpapawisan kahit na malamig sa loob ng elevator. Sandali pa itong nagpunas ng pawis sa noo. Palihim naman na natatawa sa kaniya, ang nobya dahil sa inaasta niya ngayon.

" Good. " Animo ay paos na sambit ni andra at nakakagat labi pa ito na lalong nakadagdag ng baga sa apoy na nararamdaman ng inspector sa kaniyang katawan ngayon.

" Agrh, f*ckk! Baby stop teasing me please?" Pikit matang bulong ni milo. Pigil naman si andra na matawa.

Naiinis si milo kay andra ngayon sapagkat alam naman nito kung gaano na siya kasabik ditong mahawakan at tila ba niloloko at inaasar pa siya nito.

" I'm not teasing you!" Para bang mapang-akit na sambit pa ni andra.

" Andra, please?!" Nilingon na ito ni milo sa tabi niya.

" What?!" Medyo napalakas ang tugon ni andra kaya't napalingon na ang tatlong nasa harapan nila at napatigil sila ng kasintahan sa kanilang bulungan.

Patay malisyang nginitian na lamang ng dalawa sila janika at ang dalawang bodyguard ni andra. Nagkibit balikat naman ang tatlo lalo na si janika pagkat alam naman na nito. Ang tungkol sa magkasintahan at napailing na lang at muling itinuon ang atensyon sa ibang bagay.

" Miss andra, mamaya ka lang sa akin." Tila gigil na sabi ni milo sa nobya ngunit pilya na lamang itong ngumiti sa tabi niya. Naiiling na ulo at hingang napakalalim ito na pakiramdam ngayon ay kailangan niyang magbabad sa tubig para lamang mawala ang init sa katawan na nararamdaman.

The Successor [ Book 1 ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon