Pagpapatuloy...
" Andra?" Pagsunod ng assistant dito sa loob ng kuwarto nito.
" Ma- Mali ba ang ginawa ko janika?! Pagharap na lumuluha ni andra, sa kaibigan at dama rito ang sama ng loob.
" Hin- Hindi andra.. walang mali sa ginawa mo, girlfriend ka niya at gusto mo siyang mapasaya.. pero naiintindihan ko rin naman si milo, tama siya maraming masasabi ang mga tao tungkol sa inyo, k- kung tatanggap siya ng regalo galing sayo.. " Panandalian na tahimik ang kaibigan sa narinig at na upo sa kama.
Maya-maya ay may kumatok sa pinto at iniluwa nito ang dalawang kaibigan na maia at sabrina.
" Bakit palagi niya nalang iniisip kung ano ang sasabihin ng mga tao sa kaniya? Rinig pa rin sa boses nito ang tampo pagkat hindi manlang inalala ng kasintahan ang mararamdaman niya.
" Sayo andra.. balewala lang ang iisipin ng mga tao, kasi ikaw ang nagbigay eh, pero iba kasi sa aming mahihirap, yun nalang kasi ang natitirang meron kami, prinsipyo. " Dama ang empatiya ni janika para sa inspector.
" Uhm tama si janika, andra wala namang may mali o tama sa inyo ni milo kanina eh, sadyang hindi lang talaga kayo nagkaintindihan. " Sabat ni maiara at na upo sa tabi ni andra. Dito'y muli naman siyang na tahimik pagkat may punto ang mga kaibigan.
" Kasi naman andra, magreregalo ka lang motor agad? Sana manlang bike nalang muna para hindi nabibigla si milo. " Saad na biro ni sabrina at tumabi na rin kay andra sa kabilang gawi nito. Natawa naman dito sila janika at maiara.
" So never nalang ako magbibigay sa kaniya ng gift?
" Hindi, puwede naman.. nasa pag- uusap niyo yan andra ni milo at depende sa ireregalo mo." Ngiting tugon ni maiara at inayos ang buhok ng kaibigan.
" Mabuti pa mag-usap kayo ni milo, kapag okay kana at handa hmm? At sigurado naman na hindi ka niya matitiis at hindi mo rin siya matitiis eh." Malambing ngunit naiiling na saad ni janika at binigyan ng facial tissue ang kaibigan. Tinanguan naman siya nito bilang tugon pagkat napagtantong tama siya.
" Oo kasi pareho kayong baliw sa isa't-isa kaya mag-usap kayo hindi maganda ang nag-aaway ang magjowa sa birthday ano, nakakasira ng araw yan andra, hay naku." Kikay na saad ni sabrina na naka-cross ang mga kamay sa braso at muli lamang natawa ang mga kaibigan dito at gayon na rin si andra.
Ito ang unang romantiko, na relasyon ni andra sa sinuman kaya't naiintindihan siya ng mga kaibigan na hindi ito sanay at nag- aadjust pa rin hanggang ngayon lalo na at wala pang isang taon ang relasyon nila ng kasintahan.
---
Pagkatapos na makausap ni alejandra, ang mga kaibigan ay na isipan nitong maglakad-lakad nalang muna sa paligid ng hacienda upang magpahangin bago nito harapin ang kasintahan. Sa paglalakad ay napadpad ito sa horse field ng hacienda kaya't na isipan na rin nitong pumasok sa loob ng kuwadra at bumungad sa kaniya ang kababata at tagapag-alaga nila ritong si marlo na abala sa pagpapaligo kay marcus na paborito niyang kabayo.
" Gabi na marlo.. nagtatrabaho kapa?? Nagulat ito sa bigla niyang pagsasalita kaya't napalingon ito.
" M- Miss andra, anong ginagawa niyo po rito? Sandali pang sumipat ito sa relo upang tingnan ang oras at alas otso na ng gabi.
" Uhmm nagpapahangin lang ako, tsaka.. gusto kong silipin ulit si marcus eh, kumusta na siya? Ngiting pagtugon ni andra, at lumapit sa tabi ni marlo. Hindi naman kasi siya magtatagal sa hacienda pagkat marami na itong na iwan na trabaho sa maynila at kailangan niyang bumalik agad kaya't sinasamantala niya na ngayon.
" Mabuti naman po, macho pa rin." Saad na biro nito na bahagyang kinangiti ni andra at lumapit pa kay marcus, para hawakan ito. Napatitig naman dito si marlo na parang na hipnotismo, sa taglay na ganda ng dalaga.
BINABASA MO ANG
The Successor [ Book 1 ]
FanfictionMIKHAIAH AU Isang anak ng pinakamayamang pamilya sa bansa at kaisa-isang tagapagmana ng mga artamendi ngunit paano na lamang kung mahulog ang loob nito sa taong hindi niya dapat mahalin sapagkat matagal nang naitakda ang sarili nito para sa iba. Ipa...