CHAPTER 32

16.3K 467 132
                                    

2 DAYS LATER.

" Good morning, miss andra!" Bungad na pagbati ni janika sa kaibigan na ngayo' y nasa harap ng vanity mirror. Nilingon naman siya nito sandali.

" Good morning, janika." Tila walang ganang tugon ni andra na pinagtakhan ng kaibigan.

" Oh, bakit ganyan ang mukha mo? Ang aga pa ah, pero nakabusangot kana diyan?" Muli itong nilingon ng tingin ni andra sandali.

" Wala. " Hindi naman makapagkuwento dito si andra tungkol sa kanila ng kasintahan.

" Anong wala eh, bakit ganyan ang mukha mo?

" Wala nga janika, hays!" Tumayo ito, at tumungo sa closet niya. Sinundan naman siya nito na tila alam na ang dahilan ng pagkawala sa mood ng kaibigan.

" Wala daw hmm si milo, ano?" Napalingon si andra dito at napabuntong hininga.

" Hmm bakit nag-away kayo?

" Hindi." Lalong napasimangot dito si andra.

" Eh, ano po mahal na prinsesa?" Muling napabuntong hinga si andra na upo sandali.

" Kasi kung hindi pa ako nag-message sa kaniya kanina hindi niya pa ako i- message! Nakakainis siya!" Natawa dito ang kaibigan.

" Ayun lang ang iminamaktol niyo ngayon, miss andra?" Tila asar pa ni janika. Inirapan naman ito ng kaibigan.

" Hindi, wala rin siyang binigay na hayss! Dibale nalang nga! Lumabas ito't muling naupo, sa may vanity mirror. Natatawa naman na sinundan muli ito ni janika.

" Hmm walang pa bulalak, si pogi sayo, ngayon? Napatingin si andra sa kaibigan.

" Oo, tsaka.. akala ko pa naman kasi wala akong trabaho ngayon, may oras kami na mag-kasama kaya lang.. parang wala naman siyang kabalak- balak na makita ako, at magpakita sa akin, hays! Mahabang litanya ni andra, na kina- iling at ngiti ng assistant.

Dahil Ito, ang unang beses, na gumising si andra na walang bumungad sa kaniya na sunflower, at kahit mensahe, o tawag, galing sa kasintahan ay wala ito. Kung hindi pa siya, na unang mag- text dito, ay hindi niya ito, mararamdaman ngayong umaga.

" Eh, baka naman kasi, marami lang ginagawa si pogi ngayon miss andra, at nakalimutan niya?

" Ewan ko, janika hays! Habang inaayos ni andra ang sariling buhok nito ngunit ' di maayos- ayos dahil sa inis niya sa kasintahan.

" Ako na nga, 'yan! Huwag ka nang mainis, diyan I'm sure, may.. dahilan naman si milo, kung bakit eh." Kinuha ni janika, ang suklay kay alejandra at sinuklay ang buhok nito.

Sandaling napa- titig si andra, kay janika, pagkat tila ipinagtanggol ng kaibigan ang kasintahan sa kaniya, alam naman ni andra, na hindi sangayon ang kaibigan sa relasyon nila ni milo, at pagtago nito kaya' t lihim siya, na natuwa sa narinig niya dito.

" Oh, bakit ganyan ka makatingin sa akin hmm?

" Wala, natuwa lang ako." Naka- ngusong tugon ni andra.

" Hmm, kaibigan mo ako andra, a- at mahal kita kaya kung saan ka masaya e, doon ako.. " Napa- ngiti dito si andra't hinawakan ang kamay ng isa.

" Thank you, janika.. " Ngumiti lang ito sa kaniya at itinuloy sa pag- aayos ng buhok niya.

" Hay pero bahala siya, hindi ko siya kakausapin! Parang bata na sumimangot si alejandra, kaya' t natatawang naiiling nalang dito, ang kaibigan, at itinuloy ang ginagawa.

Bagamat na 'di nga sang-ayon si janika, sa ibang desisyon ng kaibigan, ngunit masaya naman siya na makita ito ngayon, na masaya, at masigla. At wala siyang ibang tanging hiling at ninanais para dito kundi ang lumigaya, na malinaw, na nakikita niya ngayon dito, na malayo sa andra, noon na tanging trabaho, at ibang tao, ang laging inuuna kaysa ang sarili.

The Successor [ Book 1 ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon