CHAPTER 2

19.2K 702 12
                                    

PARIS FRANCE.

" Andra, kahapon pa tumatawag ang papa' mo. Hindi ko na alam ang isasagot sa kaniya." Bungad ng assistant nito habang pababa pa lang siya ng hagdan.

" Janika christine, ang aga naman nito wala pa akong breakfast can't you see? Mahinahon at malambing na tugon ng dalaga, halos kagigising lang nito at nakasuot pa ng pantulog.

Makikita agad sa kilos at pananalita pa lamang nito na mayroon itong mataas na antas sa buhay at pinag-aralan. At kahit nakapangtulog pa ito ngayon ay kita pa rin ang pagiging elegante nito sa mga pinong lakad na tila de numero.

" I'm sorry, miss andra pero—

" Janika, I told you stop calling me miss andra, kapag tayo lang ang magkasamang dalawa diba? Malambing na tugon muli nito.

" Hay andra, okay I'm sorry pero yung papa' mo kahapon pa siya tumatawag eh, kailan mo ba siya kakausapin?

" Relax janika, kakausapin ko si papa', hindi lang ngayon okay hmm? Nailing nalang ang assistant nito.

" Miss andra, nakahanda na po ang breakfast niyo. " Sabat ng katulong sa gitna nang usapan ng dalawa.

" Sige leah, thank you. " Agad na tumalikod ang katulong sa kanila.

" Kumain muna tayo janika, please? Tumungo ang dalaga sa dining table sinundan naman ito ng assistant.

Pagkaupo ni andra ay sandali naman itong napatitig sa assistant na nakatayo pa rin sa tabi niya.

" Oh Janika, maupo kana sabayan mo na akong kumain ah, leah patimpla naman ako ng coffee please? Pagbaling pa nito sa katulong dahil juice lang ang nasa mesa na puwede niyang inumin maliban sa tubig.

" Opo, misa andra." Tugon ng katulong ngunit nanatiling namang nakatayo lang ang assistant sa tabi niya.

" Thank you!— Ohh Janika? Ano pang hinihintay mo? Pagbaling naman ngayon nito sa assistant.

" Andra, alam mo namang hindi ako puwedeng sumabay sayo sa pagkain eh. "

" Hindi kita katulong dito janika, assistant at kaibigan kita. Kaya please lang maupo kana, sabayan mo na ako. "

" Andra—

" Please, janika?! Malambing na pakiusap nito muli.

" Hays sige, andra." Wala na nga itong nagawa kundi pag-bigyan ang amo, kahit na matagal ng mag- kakilala ang dalawa ay nahihiya pa rin siya kay andra.

" Thank you. " Nginitian na lamang ito ni janika.

Habang tahimik na kumakain yung dalawa may nag- flash naman na balita mula sa tv screen at halos mapa- sapo na lamang ng ulo si andra at napasandal sa kaniyang upuan, dahil kahit nasa ibang bansa na siya ay sinusundan pa rin siya ng buhay sa pilipinas.

Filipino TV.
Breaking news.

Ang kaisa-isang anak at tagapagmana ng mga Artamendi, ipinakilala na sa madla. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na mayroong isang anak na babae, ang mag- asawa na Artamendi, sapagkat kilala na rin ito sa mga kaliwa't kanang charity works at madalas na paglabas sa mga kilalang magazine at commercials sa loob man o labas ng bansa, subalit ngayon na lamang ito bukas na inihayag ng pamilya sa mga tao. Naka- set na rin ang muli nga nitong pagbabalik bansa mula Paris France.

" Yan, ang kanina ko pang gustong sabihin sayo andra, pinapauwi kana ng papa' mo."

" Bakit ba janika, kailangan kong umuwi kaagad ng pilipinas, okay naman ako dito... " Naiiling na tugon nito.

The Successor [ Book 1 ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon