"Carolina! Carolina buksan mo itong pinto!"Umagang-umaga ay sigaw kaagad ni mama ang naririnig ko. Malakas ang pagkalampag niya sa pintuan ng aking kwarto. Galit na naman ba siya? Ano na naman ba ang ginawa ko?
"Buksan mo ito!" sigaw nya habang patuloy parin sa pagkalampag ng pintuan.
"Saglit lang po, ma." sabi ko habang nagliliglit ng aking higaan.
Patakbo akong pumunta sa pintuan nang marinig ko na naman ang malakas na pagkalampag nito.
"Ito na po."
Pagkabukas ko ng pinto ay sumalubong sa mukha ko ang papel na itinapon niya sa akin.
"Ano po ito ma?" tanong ko sa kanya habang tinitignan 'yong papel na inihagis niya. Teka? test paper ko ito ah? Bakit nasa kanya ito?
"Ano yan? Ano yan! Tignan mo!" sigaw niya sa akin.
Tinignan ko ulit ang hawak kong papel. Ano kayang problema dito?
Inilibot ko ang aking mata sa buong papel para hanapin kung ano ang ikinagagalit niya rito. Kung tutuusin nga ay dapat matuwa pa siya dahil mataas ang nakuha kong score dito.
"Test paper ko po ito--
"Alam ko!" Pagputol niya sa akin.
"48 over 50? Carolina? 48 lang ang nakuha mo sa exam mo na 'to?"
Gulat niyang sabi sa akin na parang hindi talaga siya makapaniwala sa score na nakuha ko."Ito lang ang nakuha mo? Aba! Eh kahit nakapikit ay kaya itong i-perfect! papaanong nagkamali ka pa?" Galit na galit niyang sabi sa akin.
Grabe, ito lang pala ang ikinagagalit niya? Ang dalawang puntos na hindi ko naitama sa exam? Kung tutuusin ay sanay naman na ako sa mga ganitong litanya ni mama. Masyado kasi siyang perfectionist.
"Nalate po kasi ako kahapon ma, kaya nahuli ako sa exam. Hindi ko na po nasagutan yung huling dalawang items dahil kulang na sa oras." sagot ko sa kanya habang pababa ako ng hagdan.
Dumiretso na ako sa kusina para mag agahan. Maaga pala ang pasok ko ngayon. Wala naman na kaming gagawin ngayon dahil tapos na lahat ng mga exams namin.
Pwede namang umaabsent nalang ako ngayon at matulog nalang maghapon sa kwarto ko, pero alam kong bunganga lang ni mama ang maririnig ko maghapon.
Sabado ngayon at wala siyang pasok kaya kung aabsent ako ay kaming dalawa ang maiiwan dito. Mas ok na sa school nalang ako. Kahit papaano ay matatahimik ako.
Ang mama ko ay isang nurse sa isang pampublikong ospital dito sa amin. Sa totoo lang ay ayaw talaga niyang maging nurse ngunit ito ang gusto ng kanyang mga magulang.
Ang gusto talaga niya ay maging isang teacher kaya naman nung nagcollege ako ay hiniling niya na education nalang ang kuhanin ko upang maisakatuparan niya ang kanyang pangarap hindi man para sa kanya pero kahit sa akin man lang.
Hindi naman sa ayaw kong magteacher. Pero sa nakikita ko kasi sa kanila ay parang ang hirap-hirap. Bahay at School nalang ang buhay nila. Tila wala na silang oras para sa sarili nila kaya medyo nag-alinlangan ako noong una.
Pero dahil mahal ko ang mama ko, sinunod ko ang gusto niya.
"Sa susunod kasi ay huwag puro pagcecellphone ang inaatupag mo para hindi ka napupuyat. Buti ba sana kung para sa pag-aaral yan."
Sabi niya habang paupo narin para mag-almusal.Mukhang kalmado naman na siya ngayon kahit medyo bakas pa sa mukha niya ang pamumula dahil sa pagsigaw niya kanina.
"Opo, ma."Tangi ko nalang nasabi para matigil na siya.
"Oo nga po pala. Nasan na po si Gian? alas sais na ha?" tanong ko kay mama habang kumukuha ng sinangag.
"Maaga silang umalis. Fieldtrip nila ngayon." malamig niyang sagot.
Oo nga pala, fieldtrip ngayon ng mga highschool. Si Gian ang nakababata kong kapatid. Dalawa lang kami kaya medyo close kami.
Grade 7 na siya ngayon at hindi kagaya sa 'kin, maluwag sa kanya si mama lalo na sa pagdating sa pag-aaral.
Lagi niyang sinasabi na bata pa naman daw si Gian kaya wala pa masyadong interes 'to sa pag aaral. Ako raw ang dapat na magsikap dahil ako ang panganay. Ako nalang kasi ang makakatulong niya sa pagpapalaki kay Gian. Kaya kailangan kong mag-aral nang mabuti para magkaroon ako nang magandang trabaho 'pag nakagraduate na ako at matulungan ko na siya sa pagpapaaral kay Gian.
Naiintindihan ko naman iyon ngunit minsan ay nakakasakal na.
"Maliligo na po ako ma. Maaga po ang pasok ko ngayon."
Binalingan ko si mama habang patayo ako upang ilagay sa lababo ang pinagkainan ko.
"Sige. iwan mo na lang diyan yung pinagkainan mo at isasabay ko nalang sa paghugas." Aniya habang tumatayo para iligpit ang pinagkainan sa mesa.
Umakyat na ako sa kwarto ko para maligo at magbilis. Nag civilian nalang ako dahil wala naman nang gagawin ngayon at paniguradong wala namang prof na papasok.
Pagkatapos magbihis ay bumaba na ko't nagpaalam na kay mama bago tuluyang umalis.
Habang naglalakad papuntang sakayan ng jeep ay hindi mawala sa isip ko ang itsura kanina ni mama. Galit na galit talaga siya kanina dahil lang sa dalawang puntos na mali ko sa exam.
Alam ko naman kung bakit gano'n kahigpit si mama sa akin. Simula kasi nang namayapa si papa ay siya na ang kumayod para sa amin. Hindi naman kami kagaya ng ibang pamilya riyan na nagsusuka ng pera. Kaya bawat piso na inilalabas ng kanyang pitaka ay mahalaga.
Pero diba parang sobra naman na yata 'yon? dahil lang doon ay nagalit at sinigawan niya na ako? Hindi naman ako perpekto. Nagkakamali rin naman ako.
Hindi pa ba sapat na sinunod ko yung gusto niya na magteacher ako kahit hindi ko naman talaga gusto iyon?
Sana naman ay maintidihan niya na nahihirapan din naman ako, Pero pinipilit ko parin para lang matuwa siya.
Dahil sa pag-iisip ko sa mga nangyari kanina ay hindi ko na namalayan na patawid na pala ako ng kalsada.
Nakarinig ako nang malakas na busina sa gilid ko ngunit bago pa ako makalingon ay naramdaman ko na na may matigas na bagay na tumama sa akin.
Parang biglang bumagal ang lahat.
Wala akong marinig. Wala akong maramdaman. Namamanhid ang buong katawan ko at unti-unting nawawala ang liwanag sa paligid ko hanggang sa nawalan na ako ng malay.

BINABASA MO ANG
It was only just a dream (COMPLETED)
Teen FictionNakakapagod mabuhay sa isang mundo na siyang nagkukulong sayo sa mga bagay na hindi mo naman gusto. Nakakasawa na gawin ang mga bagay na hindi mo naman gusto ngunit alam mong kailangan, dahil alam mong ito ang iniexpect ng mga taong mahal mo sa pali...