Kabanata 44

57 13 0
                                    


Dalawang linggo matapos nilang malaman na may sakit ako ay nagdecide silang huminto nalang muna ako sa pag-aaral.

Noong una ay tumutol ako dito dahil kaya ko pa naman. Ayokong sayahin ang pag-aaral ko gayong kauumpisa palang ng pasukan. Pero sa bawat araw na dumadaan ay nararamdaman ko na ang madalas na pagkapagod. Medyo nanlalabo na rin ang mata ko na isa rin daw sa epekto ng sakit ko.


"Misis, to be honest ay hindi na ganun kaganda ang kondisyon ng anak niyo. Stage two na po ang cancer niya and I suggest na manalagi nalang muna siya sa bahay niyo. She need plenty of rest at bawal siyang mapagod."


I want to be as normal as possible. Gusto kong gawin ang mga bagay na nagagawa rin ng iba, pero alam ko naman na hindi yun pwede. Kailangan kong magsakripisyo. Kailangan ko 'tong gawin para mapabilis ang pag galing ko.

"Ready kana ba anak?" tanong sa akin ni mama na kabababa lang ngayon galing sa kanyang kwarto.

Ngayon ang unang araw ng chemotherapy ko. Sa totoo lang ay kinakabahan ako dahil nakita ko na rin ito sa iba. Nasabi na rin sa akin nila mama na malalagas ang buhok ko pero wala naman akong magagawa dahil parte ito ng proseso.

Mas mainam nga raw sana kung maooperahan kaagad ako at matanggal ang tumor sa utak ko, pero kailangan namin magbitaw ng malaking halaga. Saan naman kami makakakuha kaagad ng ganung pera?

Inaasikaso palang ni Elyson yung papers para doon sa tulong na binanggit nila ng tita niya. At kahit pagsama samahin pa namin ang mga ipon namin ay kukulangin talaga.


Pumunta na kami ni mama sa ospital kung saan ako ichechemo.

"Ma, masakit po ba?" kinakabahan kong tanong kay mama.

"Kaya mo yan anak. Kailangan mo ito para gumaling ka."

Pagkarating sa opisina nung doctor ay saglit pa silang nag-usap ni mama. Ipinaliwanag nito ang kung ano-anong bagay na may kinalaman sa sakit ko at sa gagawin nila sa akin na hindi ko maintindihan bago ako tuluyang ichemo na.

-

Matapos ang session ay pakiramdam ko'y sobrang hina ng katawan ko. I can't even take a single step kaya gumamit pa sila ng wheel chair hanggang sa pagsakay namin sa sasakyan ni mama.

"Ok ka lang ba hija?" nag-aalalang tanong sa akin ni mama ngunit hindi ko na siya nagawang balingan pa.

Ipinikit ko nalang ang mga mata ko dahil sa panghihina hanggang sa makarating kami sa bahay.

Dinala na muna nila ako sa kwarto para nakapagpahinga at dahil sa pagod ay hindi ko na namalayang nakatulog na ako.


Nagising nalang ako ng makaramdam ako ng marahang paghaplos sa mukha ko at pagdilat ko'y bumungad sa akin ang malulungkot na mata ni Jena. Nasa likod niya ngayon sina Kuya Josh, Ashley at Ric.

Akma akong babangon at agaran naman niya akong inalalayan para nakaupo sa kama ko.

"Anong pakiramdam mo? Ayos kana ba?" tanong ni Jena habang hinahaplos ang kamay ko.

Napatingin ako sa kanila at lahat sila'y mukhang nag-aalala sa akin kaya binigyan ko sila ng ngiti para naman mapawi ang mangamba nila.

It was only just a dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon