Kabanata 45

83 14 0
                                    


Labis ang kabang nararamdaman ko mula pa ng pagkagising ko kanina. Ngayon kasi ang araw na aking operasyon at halo-halong emosyon ang bumabalot sa akin.

Noong nakaraan ay kaagad kaming pinatawag ng doktor matapos naming malaman na bayad na ang lahat ng gastusin at maooperahan na ako. After that day ay nagstay na ako sa ospital dahil marami pa silang mga test na ginawa sa akin bago ang mismong operasyon.


Maya-maya ay pumasok na ang doktor at ilang nurse sa aking room kasama si mama at saglit pa akong kinausap bago isagawa ang pag-aalis ng tumor sa utak ko.

Sa mga sandaling iyon ay ipinaliwanag nila sa akin na maselan ang gagawin nilang ito at may chance na magkaroon na kumplikasyon and tendency is, pwede akong macomatose ulit kung hindi kakayanin ng katawan ko ang gagawing operasyon. Or worst is, pwede akong mamatay.


Sobra akong kinakabahan na parang ayoko na ngang ituloy ito ng dalhin na nila ako sa operating room. Nanunuot ang takot sa aking katawan at bago pa ako magdalawang isip ay naramdaman ko na ang unti-unting pagpikit ng mga mata ko dahil sa itinurok nilang kung ano sa akin.

-

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at bumungad sa aking ang naglalakihang puno at magandang tanawin na aking nadadaanan habang nakasakay ako sa isang sasakyan.

Napalingon ako sa nagmamanehong si Ashley at labis ang lito sa aking isipan ng mga sandaling iyon. Paanong napunta ako rito? At bakit kasama ko si Ashley?

"Salamat naman at nagising kana!" aniya niya ng mapansing nakabaling ako sa gawi niya.

"Ash, anong ginagawa ko rito? Saan tayo pupunta?" takang tanong ko sa kanya at sandali niya akong sinulyapan at inirapan.

"Sira ka talaga! Nakalimutan mo na ba? Ngayon ang araw ng birthday ni Aj! Which means, ngayon din ang araw na sasagutin mo na siya! Lokang 'to." untag niya sa akin.

"Pinasundo ka sa akin ni Jena dahil hindi ka raw sumasagot sa mga tawag niya. Gosh Carrie! Ngayon mo pa naisipang magpuyat ha? Ngayon pa kung kailan aamin kana kay Aj! Medyo late na tuloy tayo. And look at your face, para kang zombie sa laki ng eyebags mo!"


Unti-unting nabuo ang mga luha sa gilid ng aking mata habang nakatulala kay Ashley. Pilit kong ipinasok ang lahat ng sinabi niya sa utak ko at may nabuong ideya sa aking isipan ng dahil doon.

Bumaling ako sa bintana ng maramdaman ko ang pagtulo ng mga takas na luhang pilit kong pinipigilan. Labis ang pagkalampag ng dibdib ko sa mga oras na ito. Ang ideyang bumalik ako sa aking panaginip at muli kong makikita ang Aj na nakilala ko noon ay labis na nagpaluha sa akin.


Noong nagising ako sa panaginip ko ay sobrang panghihinayang ang naramdaman ko. Panghihinayang dahil kung hindi sana ako nagising ay masaya na sana kami ngayon ni Aj. At ngayong nagkaroon ako ng pagkakataon ng bumalik ay hindi ko mawari kung gusto ko pa bang balikan ito.

Ang kaibahan lang nito sa nauna kong panaginip ay ang katotohanang, ngayon ay alam kong panaginip lang ito. Na ngayon ay bukas na ang isip ko at alam kong hindi totoo ang lahat ng 'to.


Bumaba na kami ni Ashley ng sasakyan ng marating namin ang resthouse nila Jena sa tagaytay. Bumungad sa amin ang maluwag na espasyo sa labas nito na pinalamutian ng ibat-ibang uri ng naggagandahan bumalaklak at mga petals sa ibaba patungo sa magarang table na para sa amin ni Aj.

Hindi ko maiwasang hindi mangiti ng bumalik sa aking ang mga ala-alang ng panaginip ko. Ito yung plano namin ni Jena at ang makita ito sa harapan ko ay labis na nagpataba sa puso ko.

It was only just a dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon