Kabanata 22

81 19 2
                                        


Lunes ngayon at unang araw ng klase kaya maaga akong nagising. Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso na sa kusina para kumain. Nadatnan ko dun si mama na nagluluto ng almusal habang si Gian naman ay umiinom ng gatas.

"Goodmorning." masigla kong bati sa kanila kaya napatingin sa akin si Gian.

"Gising kana pala. Sige na't maupo kana jan, malapit na itong maluto." aniya ni mama kaya umupo na ako sa hapag.

"Ganda yata ng gising mo?" napabaling ako kay Gian na nakatingin sa akin ngayon.

"Ganun talaga pag maganda ka, maganda rin ang gising."

"Ha-ha-ha. Magaling ka palang magjoke, Ate?" pag-aasar niya sa akin. Nakita ko na humalakhak siya at patuloy sa pangaasar sa akin.

"Manahimik ka nga!" sabay hampas ko sa kanya. Hindi parin siya tumitigil sa pagtawa. Oo nga pala, nagkatotoo kaya yung sa kanila nung Alyssa?

"Kamusta na nga pala kayo ni Alyssa?" tanong ko sa kanya kaya napatigil siya sa pagtawa at bumaling sa akin na parang nalilito.

"Sinong Alyssa?" bakas sa kanya ang pagtataka.

"Yung girlfriend mo?"

"Ate, Shane ang pangalan ng girlfriend ko. Sinong Alyssa? San mo napulot yun?"

So hindi pala sila nagkatuluyan nung Alyssa? Sabagay mukha hindi pa nga niya nakikilala yung babaeng yun. Sayang lang at bagay pa naman sana sila.

"Nevermind." sagot ko sa kanya at kumuha na ng pagkain na inilapag ni mama sa lamesa. Umupo na rin siya at sinabayan na kami ni Gian.

"Hanggang anong oras ka ngayon, Anak?" tanong sa akin ni mama.

"Hanggang ala una po ma." aniya ko at hindi na rin naman niya dinugtungan pa yun. Bumaling ako kay Gian na nasa harap ko.

"Pang-hapon ka diba? Bakit ang aga mo ngayon?"

"May try-out kami ngayong umaga." so nagbabasket ball rin pala ang tukmol na 'to? Mukhang marami ako namiss sa isang taong pagkakacomatose ko ah?

Nalaman ko na hindi na pala si mama nagtatrabaho dun sa ospital na dating pinagtatrabahuhan niya. Lumipat na siya dun sa ospital na pinagdalhan sa akin at nalaman ko rin na nurse din pala dun si Trixie.

Pagtapos kong kumain ay umakyat na ako sa kwarto para maghanda sa pagpasok. Nakita ko na umilaw yung cellphone ko at nakita ko na nagtext na naman si Aj.

Aj:
Kitakits :p

Pang-umaga rin pala siya ngayon at ka-school mate ko siya. Yun nga lang, hindi gaya sa panaginip ko, graduating na ngayon si Aj.

Simula nung naging magkaibigan kami ay palagi na kaming naguusap. Hindi na rin naman ako naiilang sa kanya pero syempre, may nararamdaman parin ako sa kanya at unti now ay nasa stage pa ako ng pagmomove-on.

Pumasok na ako sa banyo para maligo at hindi ko na nireplyan si Aj tutal ay magkikita rin naman kami mamaya.

30 minutes ay natapos na ako sa lahat at nagpaalam na ako kila mama na aalis na ako. As usual, sinabayan na naman ako ni Aj hanggang sakayan ng Jeep. Simula nung nagising ako ay lagi na siyang ganito. Baka daw kasi umiral na naman ang katangahan ko at masagasaan na naman ako kay lagi niya akong hinahatid. Ang sweet ng kapatid ko 'no? Ang sarap sipain.

"Sige na sumakay kana. Huwag kang maghanap ng lalaki ah?" sabi niya sa akin kaya binatukan ko na naman siya bago ako sumakay sa jeep.

Medyo malapit lang naman ang school namin kaya mabilis lang akong nakarating sa school.

It was only just a dream (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon