Kabanata 3

191 21 8
                                    

AN: Feel free to comment guys :) salamat ❤



Nandito parin kami sa tapat ng bookstore ni Jena. Hanggang ngayon ay kinukulit ko parin siya na ikuwento sa akin ang mga nangyare, kung paano ako nakilala nung Aj na 'yon. Kung saan kami unang nagkita.

Ayaw parin talaga niyang maniwala na hindi ko kilala yung bakulaw na yun.

"Pwede ba tigilan mo ako, Carolina?" Inis na sagot niya sa akin nang kulitin ko na naman siya.

"Seryoso ako, Bhesie. Hindi ko talaga siya kilal--"

Bigla niyang pinutol ang sasabihin ko.

"God! Nagkatampuhan na naman ba kayo? Naku naman bhesie kausapin mo na kasi. Hindi 'yong tinatakbuhan mo 'yong tao at magkukunwari kang hindi mo siya kilala!"

E anong gagawin ko? Hindi ko naman talaga siya kilala. May mga nanliligaw sa akin noon pero ni isa sa kanila ay wala akong inentertain dahil na rin sa pagiging strikta ni mama. Ayaw niyang kung ano-anong bagay ang inaatupag ko kaya halos igugol ko nalang ang bawat araw na nagdaan sa pag-aaral.

Kaya paanong pinayagan ko siya na ligawan ako? Hindi naman sa nagmamaganda ako o ano, Ah? Oo nga't gwapo nga siya pero hindi lang talaga lovelife ang priority ko sa ngayon, kaya hindi ko talaga nakumbinsi ang sarili ko sa mga pinagsasabi ni Jena.

"Ngayon ko lang talaga siya nakita, I swear. Bakit ko naman itatanggi na hindi ko siya kilala? Kilala mo ako Jenaida. Nagsasabi talaga ako ng totoo, hindi ko talaga siya kilala."

Seryoso kong binalingan si Jena dahil sa totoo lang ay naririndi na ako. Nakita ko naman na mukhang naniniwala na siya sa akin. Kilala na niya ako. Tinatawag ko lang siya sa tunay niyang pangalan 'pag naiinis na ako.

"Ok fine." Pagsuko niya tsaka ako tinignan.

Kaagad akong tumingin sa kanya para hintayin ang kanyang sasabihin. Gusto ko talagang malaman dahil ang gulo-gulo talaga ng mga nangyayare ngayon.

"We met him sa acquintance party. Isa siya do'n sa mga tumugtog, remember? Tili ka pa nga nang tili no'ng mga oras na 'yon kaya nacapture mo 'yong attention niya."

Wait, acquintance party? Tumili? Bakit hindi ko maalala na nangyare 'yon?

Sa pagkakaalam ko ay hindi ako nakajoin no'n dahil may outing sila mama at hindi niya ako pinayagan.

"Hindi naman ako nag-join no'n. 'Di ba nga hindi ako pinayagan ni mama?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Anong hindi pinayagan? E mas excited pa nga si tita no'n kaysa sa 'yo. Siya pa nga ang namili nang isusuot mo sa party 'di ba?" Naguguluhan din niyang tugon sa akin.

Mas lalo lang sumakit ang ulo ko. Imbes na malinawan ay parang mas lalo pang nagulo ang lahat.

Alam kong may mali dahil hindi 'yon gagawin ni mama. Ang pagpayag niya sa akin na magparty ay isang napakaimposibleng bagay. Mas gusto niya na nag-aaral lang ako sa bahay.
Hindi ko na maintindihan kung ano ang paniniwalaan ko. Mas makatotohanan pa nga 'yong panaginip ko kanina kaysa sa mga kaganapan ngayon.

Nagpaalam na ako kay Jena na uuwi na ako dahil sumasakit ang ulo ko. Nagprisinta pa siya na ihahatid nalang ako ngunit sinabi ko na ayos lang at kaya ko pa naman.

Mabilis akong nakauwi ng bahay dahil hindi naman kalayuan ito mula sa bookstore.

Pagpasok ko ng bahay ay bumangad aa akin si mama na nanunuod ng tv. Napalingon siya sa akin nang marinig niya ang pagbukas ng pinto.

It was only just a dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon