Kabanata 26

83 14 1
                                    


Masayang kasama si Elyson. Siya kasi yung taong hindi ka tatamarin pag kasama mo siya dahil parati siyang may baong kwento. Hindi niya hinahayaan na wala kayong pinaguusapang dalawa pag magkasama kayo. Kung minsan pa nga ay kahit walang kwentang bagay ay pinaguusapan namin at parating niya akong napapatawa sa mga hirit niya. Siya rin yung taong masyadong mapagmahal sa pamilya. Nalaman ko na iisang anak lang pala siya, kaya naman sobrang close siya sa parents niya.

Dumiretso na muna kami sa condo niya dahil gusto daw niyang maligo muna at makapagpalit ng damit. Nakajersey kasi siya ngayon dahil naglaro sila kanina. Sinabi ko sa kanya na ok lang naman dahil mabango parin naman siya pero nagpupumilit talaga siya dahil nakakahiya daw sa akin.

Bumaba na kami ng sasakyan niya pagdating namin sa condo niya. Richkid pala ang isang 'to, palibhasa ay nagiisang anak lang. Sinabi ko sa kanya na sa kotse nalang ako maghihintay kaso, baka mainip daw ako kaya isinama nalang niya ako sa unit niya.

"Pasok ka." nakangiti niyang sabi pagkabukas ng pinto. Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang malinis niyang unit.

"May katulong kang kasama dito?" pagtatanong ko sa kanya. Sa laki kasi nito ay hindi ako sigurado kung siya ang naglilinis nito gayong lumaking mayaman siya.

"Ako lang mag-isa dito." naglakad siya patungo sa kwarto niya at ako naman ay dumiretso sa sala niya. Ang ganda ng ambiance ng condo niya, halos puti ang lahat ng furnitures nito at ang lahat ay nakaayos.

"So ikaw ang mag-isang naglilinis dito?" tanong ko sa kanya ng lumabas siya ng kanya kuwarto. May dala na siya ngayong tumalya na nakasukbit sa balikat niya.

"Oo naman. Bakit? Mukha ba akong tamad?" dumiretso siya sa kusina at may kinuha siya sa ref. Pagbalik niya ay may dala na siyang isang basong juice. Inabot niya ito sa akin at umupo siya sa katapat kong upuan.

"Hindi naman. Wala lang talaga sa itsura mo na gagawin ang ganung bagay lalo na't laking mayaman ka."

"Hindi naman porke mayaman ay hindi na marunong sa mga gawaing bahay. Ayaw kong pahirapan ang mapapangasawa ko kaya inaral ko 'to." at tumawa siya.

Natutuwa talaga ako sa kanya pag tumatawa siya. Nawawala kasi yung mata niya dahil sa pagiging chinito niya. Tumayo na siya at nagpaalam na maliligo na. Binuksan ko nalang yung tv niya para manuod muna habang naghihintay sa kanya.

Mga ilang minuto pa ang nakalipas at natapos na rin siya. Paglabas niya ng cr ay nakatapis nalang siya ng tuwalya at walang suot na pang itaas kaya naman bumungad sa mga mata ko ang maganda niyang katawan. Napaiwas ako ng tingin nung tumama ang mga mata ko sa mga mata niya. Nakita ko na ngumisi siya at akmang lalapit sa gawi ko. Shit! Anong gagawin niya? Hindi ba niya nakikitang nabobother ako sa itsura niya ngayon?

"Go." nakangisi niyang sabi sa akin at tumayo ito sa harap ko kaya hindi ako makatingin ng maayos sa kanya. Anong ibig niyang sabihin?

"A-anong go?" nauutal kong tanong sa kanya at hindi parin ako makatingin sa kanya. Gusto ko sanang sabihin na magbihis na siya kaso ay nahihiya ako.

"Tinititigan mo kasi yung katawan ko habang naglalaway ka pa, kaya lumapit na ako. Ayan, tignan mo na sa malapitan, Haha." Tumawa na naman siya habang ako naman ay napayuko at tumingin lang sa sahig dahil sa hiya.

Nagulat ako ng biglang bumagsak yung tuwalya niya sa sahig. Oh my! Bakit niya tinanggal yun? Nakahubo na ba siya sa harap ko ngayon?

"Ano ba? Bakit mo tinanggal yan! Isuot mo na please!" Sigaw ko sa kanya habang siya naman ay tawa lang ng tawa.

"Look at me, Carrie." Malambing niyang sabi sa akin. Leche ka Elyson! Papatayin talaga kita.

Nagulantang ako ng bigla niyang inangat yung ulo ko kaya bumungad sa akin yung katawan niya. Shit! May suot naman pala siyang short. Akala ko pa naman ay nakahubad siya.

It was only just a dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon