Kabanata 4

159 20 2
                                    


"Ano ba kasi ang madalas na gustong matanggap ng isang babae?"

Nandito kami ngayon ni Gian sa mall at halos isang oras na kaming nag-iikot-ikot. Marami na kaming nakita, ngunit masyadong pihikan itong kapatid ko.

"Kahit ano naman ay ok lang, basta alam namin na galing sa puso 'yong ibibigay sa amin."

Masyado talaga niyang siniseryoso ang bagay na ito. Pinag-iisipan niya talagang mabuti kung magugustuhan ito ng pagbibigyan niya.

Nakatutuwang isipin na kaya rin pala ng kapatid ko na magseryoso. Kadalasan kasi ay idinadaan lang niya sa laro ang lahat kagaya nalang sa pag-aaral niya.

"Kumain nga muna tayo, ate. Mamaya nalang ulit tayo maghanap." Diretso lang ang tingin niya sa daan at biglang kumunot ang noo niya.

Bigla na naman siyang umakbay sa akin. Pangatlong beses niya nang ginawa yun at hindi ko maintindihan kung bakit.

Napatingin ako sa gawi na tinitignan niya at nakita ko ang dalawang lalaki na nag-uusap habang nakatingin sa amin. Yung isa ay itinuturo pa ako. Mukha naman silang matino.

"Yan, Ba't ba akbay ka nang akbay?" Binalik ko ang tingin ko sa kanya kaya't napalingon siya sa akin.

"Nakakabanas kasi 'yong mga lalaki doon oh." Sabay nguso niya sa gawi ng dalawang lalaki.

"Kanina pa tingin ng tingin sa 'yo. Tinuturo ka pa e, type ka yata. Sasapakin ko 'yan pag hindi 'yan tumigil." Seryoso niyang sabi.

Napatawa ako sa itsura niya at hinampas ko siya sa braso. Kung sa bagay, hindi kami mukhang mag ate dahil mas matangkad pa ito sa akin. Siguro akala ng mga nakakasalubong namin ay boyfriend ko itong kasama ko.

"Ang sweet naman ng kapatid ko. Overprotective, huh? Ganyan ka rin ba sa nililigawan mo?" Pang-aasar ko sa kanya sabay pisil sa pisngi niya.

Namula na naman siya. Ang cute talaga nito pag namumula, Haha.

"Kumain na nga tayo, ate. Kung ano-anong naiisip mo." Sabay hatak niya sa akin paasok sa isang fast food chain.

Pagkatapos kumain ay nagpatuloy na kami sa paglilibot. Hindi parin siya makahanap ng ipanreregalo. Ayaw naman niya sa mga sinasuggest ko. Hindi raw bagay 'yon sa pagbibigyan niya. Ayaw din naman niyang sabihin sa akin kung sino, dahil baka puntahan ko raw ito sa school nila. Loko-loko talaga.

"Yan, hindi naman kailangan na ang ibibigay mo sa kanya ay mamahaling damit, sapatos o kung ano pa man." Pauna kong sabi sa kanya.

"Madalas kasi ay mas natutuwa kami sa maliliit na bagay. Bakit hindi mo nalang kaya siya haranahin? Bigyan mo teddy bear at letter. Mas magugustuhan niya 'yon kasi nakita niyang nag-effort ka para mapasaya siya." Nakita ko na parang napaisip siya.

"Bakit, Ate? may gumawa na ba niyan sayo?" Balik niyang tanong sa akin.

Anong sasabihin ko? Wala pa? Sa totoo lang e wala pa naman talaga. Ang madalas lang e yung mag-iiwan ng letter sa table ko bago ako pumasok.

"Wala. Pero yun kasi ang nakikita ko sa mga friends ko at natutuwa talaga sila." Napatango-tango naman siya at biglang napangiti.

"Sige ate, 'yon nalang ang gagawin ko."

Biglang tumunog ang cellphone ko, mukhang may tumatawag.

"Sasagutin ko lang saglit." Sabay pakita ko sa kapatid ko nang cellphone ko, tumango lamang siya.

"hello, bhesie?" Bungad ko kay Jena.

"Hello! Nasa'n ka na ba? kanina pa ako nagtetext sayo. May meeting tayo ngayon, may pinapagawa si Ms. Salazar pumunta kana at bilisan mo." Diri-diretso niyang sagot sa akin.

It was only just a dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon