Kabanata 50

97 12 5
                                    


AN: Please support my other story guys :) "beLIE" po ang title.. Anyways, huling dalawang kabanata nalang po 'tong kwento ni Carolina kaya tutok lang hanggang wakas! ❤️

~


Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko sa sinabi ni Aj. Alam ko naman na ganito ang magiging sagot niya pero masakit palang marinig 'to galing mismo sa bibig niya.

Ang tanga-tanga ko lang talaga! Bakit pa kasi ako nagtanong? Hindi ko alam kung maiiyak ba ako. Kung magagalit, maiinis o matutuwa dahil kahit paano'y alam kong masaya na siya.

I hate myself! I really did. Dahil sa pagmamatigas ko noon ay naging ganito ang lahat. He tried his best para ipakitang sincere siya sa paghingi ng tawad pero hindi ko nakita yun. Masyadong sarado ang isip ko para sa mga paliwanag niya.

Pero ngayon, ngayon na maayos na siya't nakahanap ng ng ibang magpapasaya sa kanya ay sobrang inis ang nararamdaman ko!

Nanatili lang akong tulala habang nasa tabi niya't tanging malalim na paghinga ko lang ang maririnig dahil sa katahimikang bumabalot sa aming dalawa.

"Ahh.. C-congrats." pagsasalita ko ngunit hindi ko nagawang balingan siya.

Nanatili lang siyang tahimik sa tabi ko at pakiwari ko'y nakatingin lang siya sa akin. Narinig ko ang biglang paghalinghing niya kaya napatingin ako sa kanya.

Nang magtama ang paningin namin ay
hindi na niya napigil ang sarili at bigla siyang napabulalas ng tawa.

"B-bakit ka tumatawa?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

Tuloy lang siya sa pagtawa habang nakahawak sa tiyan niya at tumuturo-turo pa sa akin. Anong problema ng isang 'to?

"Yung.. yung mukha mo kasi nakakatawa."

Natatawa ba siya dahil mukha akong kawawa? Masyado bang halata na apektado ako kaya't ganun nalang ang reaksiyon niya? Sa inis ko'y bigla akong tumayo para iwanan na siya mag-isa dito. Wala na rin naman akong mapapala kahit pa kausapin siya.

Pero hindi pa ako nakakahakbang ay bigla na niyang hinaltak yung braso ko palapit sa kanya.

"Nagbibiro lang ako."

"Yung batang kasama ko kanina? He's zander. Pamangkin ko siya."

Naguluhan ako sa sinabi niya kaya napatingin ako sa kanya. Pamangkin daw niya? E bakit daddy ang tawag nung bata sa kanya? At yung babaeng kasama niya kanina, sino yun?

"P-pero.. bakit tinawag ka niyang daddy?"

"Dahil yun ang alam niya. Namatay yung daddy niya dahil sa car accident hindi pa man siya naipapanganak. Kaya yun, habang lumalaki siya ay ako ang palaging kasama niya so he thought that I am his father." seryoso niyang sabi.

Napatingala si Aj sa kalangitan at mukhang malalim ang iniisip niya. So kung hindi niya nga anak yung bata..

"E sino yung babae kanina?"

Napabaling siya sa akin dahil sa tanong ko. Grabe ang pagtitig niya ngayon sa akin at pakiramdam ko ay malulunod ako, pero agad naman niyang binawi ito bago sumagot.

It was only just a dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon