Kabanata 32

54 13 0
                                    


Nakaupo lang ako sa tabi ni Jay habang nagmamaneho siya. Hindi talaga ako kumportable na kasama siya ngayon at kanina pa kating-kati ang dila ko na magtanong sa kanya pero walang salita ang gustong lumabas sa bibig ko. Ayoko rin naman kasi ng manghimasok sa kanila dahil wala naman akong kinalaman doon.

Ang labis lang na bumabagabag sa akin ay kung bakit 'to nagawa ni Jay sa bestfriend niya. Nalaman ko kasi na magkababata sila ni Aj kaya naman halos magkapatid na ang turingan nila. Kaya paanong nagawa niyang lokohin ang kaibigan niya? Ganun ba talaga ang nagagawa ng pag-ibig sa isang tao? Nakakaya niyang makasakit ng iba para lang sa sarili niyang kasiyahan?

"Napapansin ko na medyo close na kayo ni Aj ha?" napalingon ako kay Jay ng bigla siyang magsalita. Sa wakas ay nag-umpisa na rin siya. Kailangan kong magingat sa mga sasabihin ko para hindi siya maghinala.

"Ahh.. Oo. Pasaway din ang isang yun." nahihiya kong sagot sa kanya.

"Palagi ka niya bang iniinis? Haha. Ganun talaga yun si Aj. Bata palang kami, makulit na talaga yun."

Sa totoo lang ay may itsura si Jay. Mukha rin siyang mabuting tao kaya hindi ko talaga lubos maisip na magagawa niya yun. Bakit kay Trixie pa? Marami namang ibang babae diyan pero bakit sa girlfriend pa ng kaibigan niya?

"Mukhang kilalang kilala mo na siya ha?" may sumilay na ngiti sa kanyang labi ng tanungin ko siya.

"Parang kapatid ko na yun." nakangiti niyang sagot habang diretso lang ang tingin sa daan.

Gusto ko na talagang diretsahin siya pero paano ko sasabihin? Tama ba na pakialaman ko pa ang bagay ba yun? Bahala na nga!

"E si Trixie, kilalang-kilala mo na rin?" Napalingon siya sa akin ng banggitin ko ang pangalan ni Trixie. Bigla siyang ngumiti at parang nay kung ano sa awra niya ngayon.

"Oo naman. Kaibigan ko rin siya." parang nahirapan pa siyang bangitin ang salitang kaibigan. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na alam ko na, na hindi na niya kailangang magtago.

"Mukhang mahal na mahal niya si Aj, no?" biglang lumungkot ang awra ni Jay dahil sa sinabi ko. Hindi ko alam pero parang nakaramdam rin ako ng awa sa kanya. Gusto ko talagang malaman ang dahilan.

"Sa tingin mo mahal na mahal niya si Aj?" malungkot niyang sabi ngunit nagpanggap ako na hindi pansin yun.

"Oo. Ang sweet kasi nilang dalawa."

"Siguro nga ay mahal talaga niya si Aj."

Mahinang ang pagkakasabi niya nito pero narinig ko parin. Bakit Jay? Bakit mo ba kasi ginagawa 'to? Bakit ka nakikihati sa isang relasyon?

Naputol lang ang pag-uusap namin ng may biglang tumawag sa kanya. Nagmamadali niya itong sinagot at parang nagulat pa sa pagtawag nito.

"Hello, hon?" hon? sinong hon? Si Trixie ba yun? Pero bakit naman niya sasagutin ito gayong kasama niya ako at may posibilidad na mahuli ko sila. Ano yun, may iba pa siyang babae? Gosh! Ang gulo na ng isip ko!

"Pupuntahan kita ngayon. Saan ka banda? Ahh.. Ok. Wait for me there in fifteen." binaba na niya yung phone niya sabay lingon sa akin. Sino kaya yun?

"Sorry, Carolina. May emergency kasi kaya hindi na kita masasabay pa. Sorry talaga."

"Ok lang. Girlfriend mo?" tanong ko sa kanya at mukhang nag-aalangan pa siyang sagutin ako.

"O-oo."

Bumaba na ako kaagad dahil mukhang nagmamadali talaga siya. Girlfriend? Kung hindi ako nagkakamali ay si Trixie yun, ngunit paano kung ibang babae pala?

It was only just a dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon