Hindi mo nga talaga masasabi kung kanino, kailan at paano ka mahuhulog. Hindi mo naman kasi pwedeng kontrolin ito. Kahit anong pagpilit o pagiwas pa ang gawin mo, wala ka ng magagawa once na nainlove kana.Parang lindol lang yan e, hindi mo alam kung kailan ito darating. At once na nandiyan na, hindi mo na pwedeng pigilan pa. Wala e! Nayanig kana kasi. Malalaman mo nalang na nasalanta kana pala. At ang tangi mo nalang pwedeng gawin ay tanggapin ito.
Parang pagkahulog ko kay Aj. Sino nga namang magaakala na mahuhulog ako sa bakulaw na yun? E halos isuka ko na nga siya sa inis ko sa kanya! Masyado kasi siyang makulit at ang creepy pa niya dahil habol siya ng habol. Pero ganun nga siguro talaga no? Sa kakahabol niya sa akin, napagod na sa pagiwas ang puso ko kaya naabutan niya ito at nakuha.
Pero sa totoo lang ay hindi ko pinagsisisihan na nagkagusto ako sa kanya. Mabait naman kasi si Aj. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon, panlabas na kaanyuan ang pagbabasehan sa pagmamahal. Given na gwapo nga siya, pero siguro ang pinaka nakapukaw ng atensyon ko ay ang pagkatao niya.
Si Aj kasi yung tao na totoo sa lahat ng bagay. Hindi ka niya kailangang i-impress. Sasabihin niya talaga sayo ang mga bagay na ayaw niyang ginagawa mo. Siya rin yung tao na may paninindigan sa isang bagay na gusto niya. Hindi talaga siya susuko kahit nahihirapan na siya makuha lang ito.
Nandito ako ngayon sa bahay nila Jena at patapos na rin kami sa pagpaplano namin. Pinaplantsa nalang namin yung ibang details para sa surprise ko kay Aj. Bukas na kasi ang birthday niya at bukas ko balak magtapat sa kanya at sagutin na rin siya.
"Ayos na ang lahat. Pumunta ka nalang dun ng maaga para maicheck mo." pagsasalita ni Jena.
Napagdesisyunan kasi namin na sa rest house nila Jena sa tagaytay ganapin yung surprise ko.
Ganito kasi yung plano namin. Hindi ko babatiin si Aj bukas at hindi ko rin siya sisiputin sa usapan namin. Oo, may usapan kasi kami na ididate niya ako sa birthday niya. Syempre ang mangyayare ay hahanapin niya ako pero hindi niya ako makikita. Kaya pupunta siya ngayon kay Jena para magtanong kung nasaan ako. Sasabihin naman ni Jena na may kadate ako sa tagaytay kaya agad na susugod dun si Aj. Syempre sasamahan siya ni Jena dahil rest house nila yun. At PAK! Pag dating nila, doon ko na gagawin ang part ko. Yieee! Excited na ako para bukas! Yan ah? Sinabi ko na kung ano ang plano namin. Ang galing ko mag-isip diba? Haha.
Nagpaalam na rin ako kay Jena pagtapos namin magusap. Pupuntahan ko kasi ngayon yung tao na naging dahilan kung bakit takot ako na pumasok sa isang relasyon.
Sa totoo lang ay ayaw ko talaga na pumasok sa isang relasyon. Ayaw ko kasi na maattach sa isang tao dahil takot ako na maiwan pagdating ng oras. Minsan na kasi akong naattach sa isang lalaki. Pero iniwan niya rin ako. Sobra akong nasaktan nun kaya sinumpa ko sa sarili ko na hindi ko na gugustuhin pa na maramdaman muli ang sakit na iyon. Pero siguro nga ay kailangan ko ng tanggapin ang katotohanang kakakabit ng pagmamahal ang sakit. Kaya kung gusto mong sumaya, dapat ay ihanda mo ang sarili mo sa sakit na pwede mong maranasan.
Napatingala lang ako sa malaking gate na nasa harapan ko ngayon. Hindi ko maiwasan na hindi mapaluha. Hanggang ngayon kasi ay sariwa pa rin sa akin ang sakit ng mga ala-alang iyon. Pero kailangan ko ng harapin ito at tanggapin ito. May mga tao lang talaga sa buhay natin na kailangang umalis hindi dahil sa ginusto nila ito kundi dahil ito ang nakatakdang mangyare. I need to accept that. I have to, for me to grow.
Dumiretso na ako papasok sa loob ng sementeryo at pumunta sa libingan ni papa. Patuloy lang sa pag buhos ang luha ko habang inaalala ang nangyare kay papa 5 years ago.
Sa totoo lang ay maganda naman ang buhay namin noong nabubuhay pa si papa. May mga negosyo kasi siya kaya naipundar nila ni mama ang bahay na tinitirhan namin ngayon.

BINABASA MO ANG
It was only just a dream (COMPLETED)
Fiksi RemajaNakakapagod mabuhay sa isang mundo na siyang nagkukulong sayo sa mga bagay na hindi mo naman gusto. Nakakasawa na gawin ang mga bagay na hindi mo naman gusto ngunit alam mong kailangan, dahil alam mong ito ang iniexpect ng mga taong mahal mo sa pali...