Kabanata 27

63 13 2
                                    

Play Jealous by Nina while reading this chapter. :)







Nandito kami ngayon sa Timezone dahil nag-aya itong Trixie na maglaro daw muna kami. Sa totoo lang ay gusto ko nang umalis dito dahil ayaw ko talaga silang makasamang dalawa, kaso lang ay nakikita kong mukhang masaya si Elyson at gusto niya rito kaya hindi na rin ako umarte pa.

"I want the red one, babe!" Excited na tugon ni Trixie kay Aj na nasa harap na ngayon ng machine kung saan maghuhulog ka ng token at susubukan mong makakuha ng teddy bear. Itinuro niya yung isang malaking teddy bear na kulay pula. As if naman na makukuha nya yun 'no!

"Ok I'll try." turan ni Aj at naghulog na siya ng token.

Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa habang sinusubukan na kunin yung teddy bear. Nakabusangot na ang mukha ni Trixie dahil nakalimang attempt na at hindi parin sila nakakakuha. Ako naman ay pasimpleng tumatawa dito sa tuwing sumasablay sila.

"Mukhang masaya ka jan ah?" nagulat ako ng magsalita si Ely sa likuran ko. Nakita ba niya ang pagtawa ko? Shit! Baka makahalata siya.

"Ahh.. Natutuwa lang ako sa ginagawa nila." pagsisinungaling ko sa kanya.

"You want me to try it?" may pumasok sa isip ko na kung anong ideya kaya naman excited akong bumaling sa kanya.

"Sige! Gusto ko yung red na yun oh." sabay turo ko sa red na teddy bear na gusto rin ni Trixie. Tignan lang natin kung hindi siya mangisay sa inggit pag nakita niyang nakuha ko yun. Haha!

Pumwesto na si Elyson sa isa pang machine at nagumpisa na siyang magtry na kuhain yun. Napapalinga pa ako kila Aj at hanggang ngayon ay hindi parin nila nakukuha yung bear kaya hindi na maipinta yung mukha nung babaita!

"Hindi pala 'to madali." Pagsasalita ni Elyson sabay hulog sa pangatlong token.

"Kaya mo yan!" Chineer ko siya habang nakatingin ako dun sa machine. Sana ay makuha niya yung bear at maunahan namin yung dalawang yun!

Napatili ako ng makuha ito ni Elyson. Gosh! Sa sobrang tuwa ko ay nagtatalon ako at niyakap ko siya. Hindi ko pinansin ang mga tao na napatingin sa akin, ang mahalaga ay nakuha niya yung teddy bear!

"Sabi ko sayo kaya mo e!" inabot na niya sa akin yung teddy bear at malawak ang mga ngiti niya sa akin.

Napabaling ako ng tingin kay Trixie na ngayon ay nakatingin sa teddy bear na yakap ko ngayon. Halata sa kanya ang pagkainggit habang nakatingin dito. Ngayon patas na tayo!

Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit nakikipag kumpetensya ako sa kanya. Hindi ko rin alam kung bakit naiinis ako sa kanya kahit wala naman siya ginagawa. Siguro ay dahil ito sa pagtatanong niya kanina ng kung ano-ano na ikinairita ko.

Tumigil na rin si Aj sa pagtry doon at lumapit na silang dalawa sa amin. Nakatuon lang ang pansin ko sa nakasimangot na si Trixie. Para siyang batang hindi nabilan ng laruan at nagmamaktol. Such a brat!

"Akin na lang yan!" Bumaling siya sa akin at itinuro niya yung teddy bear. Ano daw? Hinihingi niya ito sa akin ng ganun-ganun lang? Ano kami, close? E kung hingin ko rin sa kanya si Aj!?

"No way!" napataas yata ang boses ko kaya pati sila Elyson ay napabaling sa amin. Nakita ko naman na parang nagulat si Trixie sa reaksiyon ko at biglang siya tumawa.

"I'm just joking!" natatawa niyang sabi sa akin. Leche ka! Joking mo mukha mo, kala mo nakakatuwa kang bruha ka!?

"Hindi lahat ng bagay ay pwede mong makuha ng basta-basta lang." nginisian ko siya at lumakad na ako papalapit kay Elyson.

It was only just a dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon