Wakas

193 10 5
                                    


AN: Ito na guys! Huling kabanata na ng kwento ni Carolina. Ayaw ko pa sanang i-update 'to, para kasing ayoko pang matapos pero ganun naman talaga ang buhay. May mga bagay talagang nakatakdang matapos gustuhin man natin 'to o hindi.. Charot! Ahaha :D MARAMING SALAMAT po sa inyo readers <3 Happy lang walang ending ;)














Nakangiti kong pinagmamasdan sina Jamille at Rico na nakatayo ngayon sa harapan ng klase habang nagbibigay ng kani-kanilang opinyon.

"Hindi naman masamang maniwala sa panaginip. Besides, it motivates us. We learned to believe in something which we think is impossible before!" ani Jamille na kumpyansang nakatingin sa mga kaklase.

"Exactly! We tend to believe in something which don't really exist. We used to fantasize things and believe that it may happen but it's too impossible. We have to learn how to accept and face the reality." sagot naman sa kanya ni Rico at nakita kong tumango tango ang kanyang mga kaklase.

Bago pa kung saan umabot ang usapang ito ay pinaupo ko sa silang dalawa.

"Ok salamat Jamille and Rico. Palakpakan naman natin sila class." at nagpalakpakan naman ang lahat habang kinakantyawan pa ang dalawa.

It's been a year mula ng grumaduate ako at ngayon ay isa na akong highschool teacher sa isang pribadong paaralan dito sa maynila.

I handle Grade 8 students at english ang aking tinuturong subject. Noong una ay nanibago pa ako at medyo nangapa dahil unang beses ko sa pagtuturo pero habang tumatagal ay ok naman na. So far, so good.

I decided not to take board exam first. Wala kasi akong time sa pagrereview dahil may inaasikaso kami this past few months. And so I decided na magturo nalang muna pansamantala sa private school.

Tatlong buwan na rin naman mula ng magsimula ako kaya't malapit na rin ako sa aking mga estudyante. Kung noon ay nagdadalawang isip ako sa pagkuha ng education, ngayon ay narealize ko na masaya naman pala ang pagiging isang guro.

Napangiti ako nang mapabaling ako kay Jamille. Nakasimangot kasi siya ngayon habang katabi si Rico na tahimik lang na nakabaling sa harapan.

Magaan talaga ang loob ko kay Jamille kahit noong unang pasok ko pa lang dito. Nakikita ko kasi sa kanya ang sarili ko. Napag-alaman ko rin na strict sa pag-aaral ang kanyang parents kaya naman pakiramdam ko ay pareho kami.

"E ikaw ma'am? Naniniwala ka ba sa mga panaginip?" tanong sa akin ng estudyante kong si Bea.

Napabaling sila sa akin at mukhang interesado silang malaman ang sagot ko. Ganun din ang naging reaksiyon ni Jamille. Kung kanina ay nakasimangot at tulala lang siya sa isang tabi, ngayon ay nakaharap na siya sa gawi ko.

Napangiti ako sa kanila bago magsalita.

"To be honest ay oo." pagkasabi ko nito ay nakita kong sumilay ang ngiti sa labi ni Jamille.

"See? Pati si ma'am ay naniniwala rin sa panaginip!" masaya niyang ani.

Tungkol kasi sa kwento ng isang babae na naaksidente at nabuhay sa kanyang panaginip ang topic namin. Lahat sila ay nakatutok sa akin habang ikinkuwento ko ito kanina, then all of a sudden ay nacurious sila about sa panaginip. And so I ask their opinion about this kahit hindi pa tapos yung kinukuwento ko.

"But it doesn't mean na lahat ng panaginip ay dapat nating paniwalaan. Kagaya nalang ng mga nightmares. Minsan kasi ay epekto rin 'to ng kung anong iniisip natin."

"Theres nothing wrong naman kung maniniwala tayo as long as alam nating may maidudulot namang maganda ito sa atin." napatango naman sila sa sinabi ko.

It was only just a dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon