Kabanata 34

55 13 1
                                    


"Ayos ka lang ba?" bungad sa akin ni Jena pagmulat ko.

Iginala ko ang paningin ko sa buong kwarto kung nasan ako ngayon. Ang huli kong naaalala ay sobrang sakit ng ulo ko kanina.

"Nasa clinic tayo ngayon, bhesie. Nawalan ka kasi ng malay kanina." aniya ni Jena.

"Maayos na ako, Jena. Gusto ko ng umuwi." Walang gana kong sabi sa kanya.

Gusto ko munang mapag-isa ngayon. Gusto kong magkulong sa kwarto at umiyak ng uniyak para lang mailabas ko ang lahat ng sakit dito sa puso ko.

Sobrang nasaktan talaga ako sa mga sinabi ni Aj sa akin kanina. Ganun pala ang tingin niya sa akin? Isang napakababang babae na sobrang desperada para lang mahalin niya? Hindi naman yun ang intensyon ko una pa lang. Ayoko lang naman siyang masaktan pero bakit ganun? Bakit ako pa ngayon ang nasasaktan dahil sa kagustuhan kong protektahan siya? At ang mas masakit pa ay siya mismo ang dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon.

Sandali pang kinausap ni Jena yung nurse na nandito sa clinic ng school namin bago kami tuluyang lumabas. Bakas kay Jena ang labis na pag-aalala sa akin dahil maya't-maya kung tanungin niya ako kung ayos lang ba talaga ako. Alam ko naman na hindi yung pananakit ng ulo ko ang tinutukoy niya, kundi yung nangyare kanina sa gym.

"Gusto kong mapag-isa ngayon Jena. Gusto kong umuwi muna ng bahay, please."

Hindi na rin naman siya nang usisa pa at pinagbuksan na ako ng pintuan ng kotse niya.

Tahimik lang kaming dalawa sa biyahe. Sinusulyapan lang niya ako paminsan minsan pero hindi naman siya nagsasalita hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay.

"Salamat bhesie. Ingat ka pauwi." aniya ko sa kanya at binuksan ko na ang pintuan ng sasakyan niya.

"Iiyak mo na ang lahat ngayon Carrie dahil alam ko na yun naman talaga ang gagawin mo ngayon. Just make sure na this is the last time na iiyak ka ng dahil sa lalaking yun." pagsasalita niya bago ako tuluyang bumaba.

Agad na rin siyang umalis pagkababa ko. Alam kong naiintindihan ako ngayon ni Jena at sobra kong naaappreciate yun. Kahit papaano ay alam ko na may tao parin na nandyan para sa akin na handa akong damayan.

Pagpasok ng bahay ay naabutan kong nanunuod sina Gian at Alyssa sa sala. Mukhang ayos naman na sila at kahit papaano ay medyo bumubuti na ang pakikitungo nila sa isa't-isa.

"Ok ka lang ba ate? Namumutla ka ah?" nag-aalalang tanong sa akin ni Gian.

"Pagod lang 'to, Yan. Sige aakyat muna ako maiwan ko muna kayo jan." Agad na akong pumanik pataas para hindi na siya mag-usisa pa.

Pagpasok ko ng kwarto ay kusa ng bumagsak ang luha mula sa mga mata ko. Ang sakit lang talaga, sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Paulit ulit sa utak ko ang nangyare kanina, lahat ng mga masasakit na salita na sinabi sa akin ni Aj ay sobrang bumaon sa akin.

Hindi ko alam kung sobrang mahal lang niya talaga yung babaeng yun na isang sabi lang nito sa kanya ay pinaniwalaan niya kaagad o sadyang mababa lang talaga ang tingin niya sa akin. Siguro nga ay mababa talaga ang tingin niya sa akin mula sa umpisa palang. Dahil siguro alam niyang gusto ko siya ay tingin niya'y desperadang desperada na ako.

Ang unfair lang! Ako, handa akong ipaglaban siya't protektahan para lang hindi siya masaktan samantalang siya, ganun lang kadaling saktan ako? Shit lang! Shit na pagmamahal 'to! Bakit kasi siya pa ang minahal ko? Parang unti-unti ko na ring pinapatay sa sakit ang sarili ko dahil sa kanya.

Naramdaman ko na naman ang biglang pananakit ng ulo ko kaya napahiga ako sa kama ko. Madalas sumakit ang ulo ko at mas malala ito pag umaga. Siguro ay napapagod na rin ang isip ko kaya sumasakit na ito.

It was only just a dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon