Comment na guys ∩__∩
"San ka pupunta? Isasabay na kita." Pag aya niya sa akin.
Hindi na ako nag inarte pa. Umikot ako papunta sa kabila para sumakay na sa sasakyan niya. Gusto ko rin kasi siyang makausap tungkol sa sinabi niya kanina.
Pagpasok ko ay diretso lang ang tingin niya sa akin. Nakaka intimidate ang pagiging sobrang seryoso niya ngayon. Buti nalang ay tinanggal niya ang tingin sa akin ng mag umpisa na siyang magmaneho.
"Bakit hindi kana nagreply? Sanay ka ba talagang magpahintay ng tao?" Seryoso niyang utas sa akin.
Nagulat ako sa sinabi niya. Grabe naman! Pahintay kaagad? E kung ipukpok ko kaya sa kanya 'tong cellphone kong nalobat kanina!
"Nalobat ako bigla." Sabay lahad sa kanya ng cellphone kong nakapatay.
Ewan ko ba kung bakit ginawa ko yun. Kung tutuusin ay ano bang pakiaalam niya? Sinabi ko ba na magtext siya?
"Sino yung kasama mo kanina?" Seryosong tanong na naman niya.
Napalingon ako sa kanya at mas napagmasdan ko ang itsura niya. Seryoso siyang nagmamaneho pero yung mukha niya ay maamo parin. Nakadagdag pa rito yung suot niyang salamin. Nagmukha siyang matino jan, Ah? Haha.
Hindi ko mapigilan ang pagtawa ko kaya napabaling siya sa akin.
"Bat ka tumatawa? May nakakatawa ba?" Pagsusungit niya sa akin.
"Tignan mo kaya yang itsura mo ngayon sa salamin!" sabay tawa ko ulit. "Anong trip mo ngayon at ganyan ang ayos mo?"
Nagulat ako nag bigla niyang ipreno ang sasakyan. Napamura pa ako dahil muntik na akong mauntog. Bwiset na bakulaw 'to ah!
"Anong tinatawa-tawa mo? 'Di ba ganito gusto mo? Kung makatingin ka sa boy labo na yun kala mo ang gwapo niya! O ngayon pareho na kaming nakasalamin, tignan mo kung sinong mas gwapo sa amin!" DIri-diretso niyang untag sa akin. Nakita kong nag igting ang panga niya.
Lalo lang akong natawa sa sinabi niya. Mukha kasi siyang bata na inagawan ng candy at nagmamaktol.
"Sinusundan mo ba ako?"
Nakita ko na namula siya sa tanong ko at nagiwas ng tingin.
"H-hindi Ah.." pagtanggi niya. "Napadaan lang ako at nakita ko kayo." Sabay balik ng tingin niya sa akin.
"Teka nga! yung tanong ko hindi mo pa sinasagot. Sino yung lalaking yun?"
"Si Tristan boyfriend ko. Ok na ba?" Sabay tawa ko ulit ng nakitang sobrang seryoso ng mukha niya.
Hindi ko malaman kung natatae ba siya o ewan, Hahaha. Parang nagulat siya sa sinabi ko at ang talim ng tingin niya sa akin ngayon.
"Joke lang! 'to naman kung makatingin akala mo mangangain! Hindi ko boyfriend un." Nagmaneho na siya at pinagwalang bahala ang sinabi ko. Parang ang lalim ng iniisip niya ngayon.
"Gusto mo ba siya?" Pagputol niya sa katahimikan. Natanaw ko na ang bookstore.
"Dito nalang ako. May bibilhin pa ako sa bookstore. Inihinto niya ang sasakyan.
"Salamat sa pagsabay sa akin." Bago pa ako makababa ay hinawakan niya ang braso ko para pigilan ako.
Napalingon ako sa kanya. May kung anong ekpresyon sa mata niya. Parang nahihirapan siya.
"Gusto mo ba siya, Carrie?" Parang nagmamakaawa ang boses niya.
Napatanga lang ako sa harapan niya. Bakit ganito? Ayaw lumabas ng sagot sa bibig ko.

BINABASA MO ANG
It was only just a dream (COMPLETED)
Teen FictionNakakapagod mabuhay sa isang mundo na siyang nagkukulong sayo sa mga bagay na hindi mo naman gusto. Nakakasawa na gawin ang mga bagay na hindi mo naman gusto ngunit alam mong kailangan, dahil alam mong ito ang iniexpect ng mga taong mahal mo sa pali...