Lumabas na kami ng sinehan pagtapos namin manuod. Hindi ko nga lang naintindihan yung pinanuod namin dahil nakatuon ang atensyon ko sa kamay ni Aj na nakapatong sa balikat ko hanggang sa paglabas namin."Y-yung kamay mo." nahihiya kong sabi sa kanya. Tinanggal naman niya agad yung kamay niya at parang nahihiya siya.
"Sorry, nakalimutan ko."
Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Hindi ko alam kung saan na kami pupunta. Uuwi na ba kami? Aaminin ko na ayaw ko pang umuwi at gusto kong sulitin ang araw na 'to. Tutal ay minsan lang naman mangyare na magkakasama kami diba? Walang halong malisya Ah?
"Saan na tayo?" tanong ko sa kanya.
"Timezone. Laro muna tayo." nakangiti niyang sabi sabay wagaywaY ng card niya dito. Mukhang tambay ang bakulaw na 'to dun ah?
Pumunta na kami sa sinasabi niya. Sa totoo lang ay natuwa ako ng hindi niya ako niyaya pauwi. Pero teka, wala akong balak na agawin siya sa girlfriend niya ah? I'm just his friend kaya kailangan ko siyang samahan. Tama naman diba?
"Basketball tayo." pag-aya niya sa akin.
"Ayoko! Lugi ako."
"Hindi ko naman gagalingan e. Pag natalo mo ako, ililibre kita ng ice cream." at sinuhulan pa talaga ako ng isang 'to ah?
"Ok fine. Pero pag natalo mo ako hindi kita ililibre ah? Haha."
Pumayag naman siya rito at pumunta na kami doon para umpisahan ng maglaro. Lumayo pa siya sa ring para daw hindi ako lugi. Ako pa niloko ng mokong na 'to! Player kaya siya kaya kahit malayo kayang-kaya niya yan.
Nagumpisa na kaming maglaro at ni isa ay wala pa akong naisho-shoot. Peste naman oh! Ang hirap pala nito at ang sakit sa braso. Mahirap talaga pag hindi ka sanay dahil mapapagod ka agad. Tumingin ako sa gawi niya at nakita ko na 30 na ang score niya.
"Hoy madaya ka!" sigaw ko sa kanya.
"Hindi ako madaya, hindi ka lang talaga marunong." natatawa niyang sabi sa akin. Ang kapal pala niya e! Ako ang hinamon kitang ang nipis nipis ng katawan ko. Anong laban ko sa isang bakulaw?
"Hindi ka parin nakakapuntos? Nakakahiya, Hahaha." pang-aasar niya sa akin.
"Tse! Madaya ka." Tinuon ko nalang ang pansin ko sa ring at inisip kung paano ako makakascore. Bwiset naman talaga oh!
Nagulat ako ng bigla siyang pumwesto sa likod ko at hinawakan ang mga kamay ko habang hawak ko ang bola.
"A-anong ginagawa mo?" Nauutal kong tanong sa kanya. Naghuhurumentado na ngayon ang aking puso dahil sa ginawa niya.
"Naawa kasi ako sayo e, hindi ka makashoot." tumatawa niyang sabi habang hawak parin ang kamay ko.
"Ihagis mo na." bulong niya sa akin kaya kinilabutan ako. Gosh! Ano ba tong ginagawa niya? Nananadya ba siya?
Saglit kong pinawi ang nararamdaman ko at inihagis na ang bola. Napatili ako nung pumasok ito sa ring. Umalis na rin siya sa likod ko at tinignan lang akong tuwang-tuwa.
"Ganun lang pala? Easy! Haha." aniya ko sa kanya kaya napatawa siya.
"Kung hindi pa kita tinulungan ay hindi ka makakapuntos." sabi niya habang nasa gilid ko. Hindi na rin niya tinuloy ang paglalaro at pinanuod nalang ako.
Bakit kaya hindi mo tulungan Aj ang sarili mo na mapansin ako? Para naman makapuntos din ako jan sa puso mo! Natatawa ako sa mga pinag-iisip ko ngayon. Nasisiraan na naman yata ako!
Naubos na ang time at 14-46 ang score namin. Bwiset na yan! Hindi niya pa pinagpatuloy ang paglalaro niyan ah?
"Let's go." binalingan ko siya ng magsalita siya. Uuwi na ba kami?

BINABASA MO ANG
It was only just a dream (COMPLETED)
Teen FictionNakakapagod mabuhay sa isang mundo na siyang nagkukulong sayo sa mga bagay na hindi mo naman gusto. Nakakasawa na gawin ang mga bagay na hindi mo naman gusto ngunit alam mong kailangan, dahil alam mong ito ang iniexpect ng mga taong mahal mo sa pali...