AN: Hi guys! Birthday ko po ngayon ^^ Batiin niyo naman ako! Ahahahaha
-
Nagpatuloy lang ang hindi pagpansin sa akin ni Elyson sa mga nagdaang araw. Alam ko na iniiwasan niya ako dahil sa tuwing napapadaan ako sa room nila ay hindi ko siya naaabutan doon.
Sa totoo lang ay naguguilty ako sa nangyayare ngayon kay Elyson dahil alam ko naman kung bakit siya nagkakaganito, at yun ay dahil sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay kailangan ko talaga siyang suyuin at kausapin pero paano ko nga ba magagawa yun kung patuloy parin siyang nagkakaganyan?
"Hayaan mo nalang muna siya. Eventually kakausapin ka rin nun." walang ganang sabi ni Jena habang abala sa paglalaro gamit ang ipad niya.
"Pero Jena nakita mo ba kanina? Ni hindi man lang nga niya ako nilingon." bagabag kong sabi sa kanya.
Kanina kasi habang naglalakad kami papasok sa first class namin ay nakasalubong namin si Elyson. Tinawag ko pa siya at alam kong sa distansya naming dalawa ay malabong hindi niya ako narinig, pero ni hindi man lang niya ako nilingon at nagpatuloy lang sa paglalakad.
"Tumigil kana nga jan. Just give him space. Tara na nga't baka malate pa tayo!" tumayo na siya matapos ligpitin yung mga gamit niya't nag-umpisa nang maglakad paalis kaya sumunod na rin ako sa kanya.
Pagpasok namin sa classroom ay naabutan namin ang mga kaklase naming babae na nagkakagulo habang nagkukumpulan sa paligid bawat grupo.
"Anong meron?" tanong ni Jena sa kaklase naming si Judy.
"Dumaan kasi dito yung prof natin tapos kasama niya yung pinsan niya, grabe ang gagwapo nila!" namumula pa si Judy na halatang kinikilig habang sinasabi ito.
"Oh bakit nagkukumpulan kayo jan?" napalingon kami sa lalaking nagsalita sa may pintuan at ang mga kaklase ko'y nag-umpisa na namang magkagulo habang bumabalik sa kani-kanilang upuan.
"Siya na ba yung prof. natin?" tanong ko kay Jena na nakatingin din doon sa lalaki.
"Siguro. Tara umupo na tayo."
Dumiretso na kami sa upuan at yung lalaki naman sa pinto ay pumasok na rin sa loob. Dahil sa nay bandang harapan kami madalas umupo ay nagkaroon ako ng pagkakataon na mapagmasdan ang itsura niya.
Totoong may dahilan nga naman para magsaya ang mga kaklase ko. Minsan lang magkaroon ng gwapong prof dito sa school at mukhang bago pa lang ang isang 'to dahil medyo bata pa. Ang matangos niyang ilong at manipis na labi ay nakapagpa-alala sa akin ng isang tao dahil medyo kahawig niya ito.
"Goodmorning class. Pasensya kung wala ako nung first meeting natin." seryoso niyang sabi habang may isinusulat sa board.
"Sir. James Fajardo. Oh my! Ang gwapo pati ng name niya!" halinghing nang kaklase naming si krystal na kahilera lang namin.
Fajardo? Parang pamilyar yung apelyido niya sa akin.
"Sino may master list sa inyo? Pwede ba akong makahingi so I can check our attendance now?"
Agad namang iniabot sa kanya ito ni krystal na halatang nagpipigil ng kilig at ngayon ay pulang-pula.
"Salamat. Umh. Just say present when i call your name." aniya niya't nagumpisa ng mag check ng attendance.
"Sheila Alonte." Present!
"Amanda Andrada." Present sir!
"Ronald Aguire." Present!
BINABASA MO ANG
It was only just a dream (COMPLETED)
Teen FictionNakakapagod mabuhay sa isang mundo na siyang nagkukulong sayo sa mga bagay na hindi mo naman gusto. Nakakasawa na gawin ang mga bagay na hindi mo naman gusto ngunit alam mong kailangan, dahil alam mong ito ang iniexpect ng mga taong mahal mo sa pali...
