"A-anong ginagawa mo dito?"Nanatili lang akong nakatitig sa kanya habang nakatayo siya sa harap ko na nakangiti. Ang kanyang katawan ay mas lumaki ngayon at medyo humaba na rin ang kanyang buhok. Hindi ko maipagkakailang namiss ko nga siya.
"Nakita ko kasi si Jena, nandito ka daw kaya pinuntahan kita." aniya ni Aj at ngumiti na naman siya sa akin.
Kung mayroon mang hindi nagbago sa kanya, ayon ay ang ngiti niya na nagdudulot ng kakaibang pakiramdam sa akin.
Naglakad na kami paalis sa Activity Center pagtapos tumugtog ng mga banda. Hanggang ngayon ay wala pa rin si Jena kaya sinabi ko kay Aj na hanapin muna namin siya.
"Nasan na ba kasi yung babaeng yun?" binalingan ko si Aj na nasa tabi ko.
"Ano bang sabi niya sayo?" balik niyang tanong sa akin.
"May titignan lang daw siya e, ang tagal naman yata nun?"
"Baka umuwi na siya at iniwan ka?"
"Iiwan na ako ng lahat pero hinding-hindi ako iiwan ni Jena magisa dito. Hindi pa umuwi yun." Napalingon ako sa kanya at napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang paghalakhak niya.
"Anong nakakatawa?"
"Ang lalim kasi nung sinabi mo. Hugot? Haha." At tumawa na naman siya.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad at hindi nalang siya pinansin. Gosh! Isang tawa lang at muli na namang bumalik yung nararamdaman ko sa kanya na matagal ko ng pilit na nililimot.
"Carrie!" Nagulat ako ng bigla siyang sumigaw kaya napalingon ako sa kanya na pinipisil ngayon ang kanyang binti.
"Anong nangyare? Tara nga muna dito." inalalayan ko siya papunta sa isang bench para paupuin. Ang bigat ng bakulaw na 'to! Marahan kong pinisil yung mga binti niya.
"Napulikat yata. Pahinga muna tayo, kanina pa tayo naglalakad. Nakakapagod." Ika niya habang patuloy lang ako sa pagpisil sa binti niya.
Napa-angat ako ng tingin sa kanya at biglang nagtama ang mga mata namin. Nailang ako sa pagtitig niya kaya nagiwas ako ng tingin at tumayo na para tabihan siya sa upuan.
"Yan ok na. Sige dito nalang muna tayo at itetext ko nalang si Jena."
Magkatabi kami ngayon sa bench at ni isa sa amin ay walang nagsasalita. Itinuon ko nalang ang pansin ko sa pagtatype ng message kay Jena. Nasan na ba kasi yun?
"Napanaginipan mo pala ako?"
Nagulat ako sa tanong niya. Paano niya nalaman? Sa pagkakatanda ko ay wala naman akong nabanggit sa kanya na tungkol dito at tanging si Jena lang ang sinabihan ko tungkol sa panaginip kong yon.
"P-paano mo nalaman?" kinakabahan kong tanong sa kanya. Malaman ko lang na si Jena ang nagsabi sa kanya, kakalbuhin ko talaga ang bruhang yun!
"Nakwento sa akin ni Jena." Bwiset talaga ang babaeng yun! Bakit niya sinabi kay Aj ang tungkol dun? Napakadaldal talaga!
"Ano yung mga sinabi niya sayo?" tanong kong muli sa kanya. Sana naman ay hindi nabanggit sa kanya ni Jena ang tungkol sa nararamdaman ko.
"Lahat-lahat." at ngumisi siya na parang nang-aasar. Shit! Yare talaga sa akin yung bruhang yun! Pinahamak pa ako.
"Wa-wala naman yun. Hindi naman totoo ang mga yun kaya kalimutan mo nalang." nauutal kong sambit sa kanya. Nakakahiya! Alam na niya na may gusto ako sa kanya.
"Bakit ka namumula? Haha." tumawa na naman siya. Bwiset 'tong bakulaw na 'to.
"Bwiset ka!" hindi ko na rin napigilan na matawa. Nakakahawa kasi ang pagtawa niya.

BINABASA MO ANG
It was only just a dream (COMPLETED)
Novela JuvenilNakakapagod mabuhay sa isang mundo na siyang nagkukulong sayo sa mga bagay na hindi mo naman gusto. Nakakasawa na gawin ang mga bagay na hindi mo naman gusto ngunit alam mong kailangan, dahil alam mong ito ang iniexpect ng mga taong mahal mo sa pali...