Kabanata 13

82 21 4
                                    


Magkatabi kami ngayon ni Aj sa sofa habang kaharap namin si mama at Gian.
Yung kapatid ko halos hindi na maipinta yung pagmumukha. Pinapahalata niya yata talaga na ayaw kay Aj. E bakit pa niya pinapunta 'to dito? Bwiset siya!

"Seryoso ka ba talaga sa ate ko? Mahal mo ba siya? Baka naman sasaktan mo lang siya?" sunod-sunod na tanong niya kay Aj.

"Tumigil ka nga Gi--"

"Oo seryoso ako sa ate mo."

Napabaling ako kay Aj habang nakanganga. Oo napanganga ako. Dahil hindi ko man lang nakita sa mukha niya ang kaba. My goodness! Kaharap niya ngayon ang mama ko at ang kapatid kong parang papatay na kung makatitig. Hindi man lang siya natinag?

Tumayo ako dahil hindi ko kinakaya ang tensyon dito. Parang ako pa yata ang aatakihin e!

"Kukuha lang po ako ng inumin."

"Ako na, dito ka nalang. Huwag mong iwanan yang bisita mo." aniya ni mama.

"At ikaw Gian, tigilan mo na yang ate mo! Akala ko ba ay may usapan kayo ngayon ni Alyssa? Malilate kana."

Parang nahimasmas ang kapatid ko at napatayo siya bigla habang nililinga ang orasan.

"Bakit hindi mo pinaalala, Ma!" sabay takbo niya sa kwarto niya.

Napatingin sa akin si mama at nginitian niya ako. Buti nalang talaga at napaalis ni mama yung tukmol na yun.

"Sige na. Maiwan na muna kayo jan at maghahanda lang ako ng meryenda."

"Sige po tita."

Dumiretso na si mama sa kusina. Napabaling ako sa katabi kong si Aj na nakatingin na rin pala sa akin. Ang taray lang pala ah? Tita talaga? Makapal pala talaga ang mukha nito, haha.

"Kaya ka ba natagalan sa pagbaba kanina dahil nagpaganda ka pa para sa akin?" nakangisi niyang tanong sa akin.

"Wow lang ah? Hindi pa nga ako nakapagayos nito e. Maganda lang talaga ako!" aniya ko.

Talaga lang Carrie ah? Parang kanina lang ay hindi ka mapakali sa pagpili ng susuotin mo! Echusera talaga itong isip ko! Kontrahin daw ba ako?

"Oh i see. Kaya pala nagdress ka ngayon at nakalipstick. Hindi ka nakapag prepare.." sarkastiko niyang baling sa akin at tumango-tango pa.

"Oo na! Nagpaganda na ako! Happy? Lugi ka pa ba?" at pinandilatan ko siya ng mata. Aarte pa? Buti nga hinarap ko siyang presentable ako e.

Tumawa na naman siya. Abnormal talaga ang isang 'to! Pero mas abnormal ang puso ko dahil kumakalabog na naman ito!

"Ang cute mo talaga kapag naiinis. How i wish i can see you like this, everyday."

Leche! Parang may naramdaman akong kung ano sa tiyan ko. Parang nakakakiliti na ewan. Gutom lang yata 'to.

Buti nalang at dumating na si mama na may dalang meryenda. Sakto ang dating niya dahil hindi ko alam ang isasagot sa bakulaw na 'to. English kasi e, haha.

"Sige na't kumain na kayo. Lalabas lang ako saglit. Wala na pala tayong stock sa ref. Mag go-grocery muna ako."

Great! So ano 'to? Iiwan niya akong magisa kasama si Aj? Hindi man lang ba siya nababahala na baka kung anong gawin sa akin ng bakulaw na 'to?

"Umayos ka, Carrie ah? Huwag mong pagsamantalahan si Aj. Gwapo pa naman 'to!" At sabay silang tumawa ni mama.

Aba! At ako pa talaga ang paalalahanan ha? Minsan loka-loka rin 'to si mama e! Ako ang anak niya diba!?

"Mama! Sige na't umalis kana nga!" sigaw ko kay mama na hindi matigil sa pagtawa.

"Hindi halatang excited ka na masolo si Aj anak ha?" Pang-aasar pa niya bago tuluyan ng lumabas. Hay naku!

It was only just a dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon