"Bilisan mo Ely. Please, kailangan nating maabutan si Jena!" Aligaga kong ani kay Elyson.Kilala ko si Jena, alam kong sasabihin niya ito kay mama kahit pa magalit ako sa kanya. Basta ang nasa isip niya'y tama, itutuloy niya kahit ano pa 'to.
"Carrie, tama naman si Jena. Kailangan 'tong malaman ng mama mo."
"No! Hindi na dapat pang mangyare yun. Bibigyan ko lang siya ng poproblemahin."
"Pero--"
"Please Elyson, kung hindi mo kayang suportahan ako, manahimik ka nalang at pabayaan ako." pagputol ko sa kanya at hindi naman na siya nagsalita pa.
Mabilis akong bumaba mula sa sasakyan ni Elyson ng matanaw ko na ang bahay at ang sasakyan ni Jena sa tapat.
"Jena!" tawag ko sa kanya Jena na mukhang kararating lang din dito. Patuloy lang siya sa pagkalampag ng gate namin at hindi niya pinapansin ang pagtawag ko.
"Jena, Stop this!" Aniya ko sa galit na tono.
Nahinto naman siya sa ginagawa niya't bumaling sa akin.
"Tama na please! Hayaan niyo nalang ako."
"Naririnig mo ba yang sinasabi mo?" hindi makapaniwalang sabi niya habang kunot noong nakatingin sa akin.
"Gusto mong pabayaan ka nalang namin na mamatay? Gosh! Carrie naman, mag-isip ka nga!"
"Hindi na kailangan pang malaman 'to ni mama. Please, huwag niyo nang ipaalam pa sa kanya."
Buong pagsusumamo akong lumapit kay Jena at bakas sa itsura niya na hindi niya naiintindihan ang gusto kong mangyare.
"Carrie, she need to know this. Mama mo siya for pete's sake! Anong gusto mo? Na ilihim 'to sa kanya? Then what? Pag namatay ka ano? Surprise nalang ganun!?" galit niyang utas at tinalikuran na naman ako sabay kalampag ng gate namin.
"Magalit kana sa akin pero kailangan talaga 'tong malaman ni Tita. Hindi ko hahayaang mamatay ka ng wala akong ginagawa!"
Ginapangan ako ng kaba ng bumukas ang pintuan ng bahay at makita ang paglabas ng nagtatakang si Gian. Seryoso siyang dumiretso sa gate at pinagbuksan si Jena.
"Anong ginagawa niyo dito Ate Jen?" taka niyang tanong bago tumingin sa akin.
Mabilis na naiba ang reaksiyon ni Gian ng makita ako at kaagad niya akong dinaluhan sa kinatatayuan ko.
"Ate bakit ka umiiyak? Namumutla kapa. Ano bang nangyare?" naguguluhan niyang tanong.
Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin at ang naririnig ko lang ngayon ay ang malakas na pagkalambag ng dibdib ko.
"Nasaan si Tita, Gian? I need to talk to her."
"Ano ba talagang nangyayare?"
"Gian, I-it's just a misunderstanding. P-pumasok kana sa loob, ako na ang kakausap kay Jena."
Kahit naguguluhan ay pinagbigyan naman ako ni Gian at pumasok na siya sa loob ng bahay. Nang nawala na siya sa paningin ko ay hirap ko na sila.

BINABASA MO ANG
It was only just a dream (COMPLETED)
Teen FictionNakakapagod mabuhay sa isang mundo na siyang nagkukulong sayo sa mga bagay na hindi mo naman gusto. Nakakasawa na gawin ang mga bagay na hindi mo naman gusto ngunit alam mong kailangan, dahil alam mong ito ang iniexpect ng mga taong mahal mo sa pali...