Kabanata 41

67 15 6
                                    

AN: Happy New Year Guys :) Enjoy reading <3

ice0000000 : Hi daw sabi ni Elyson. Hahaha ❤️





Saktong alas sais ng umaga ng maisipan kong umalis ng bahay. Ngayon kasi ang unang araw ng pasukan at dahil maaga akong nagising at wala rin naman akong ibang gagawin sa bahay ay naisipan kong pumasok nalang ng maaga.

Third year na kami ngayon ni Jena. Sayang nga lang dahil graduating na sana kami kung hindi nga lang ako naaksidente. Mauuna tuloy na grumaduate sa amin si Elyson. Napag-alaman ko rin na grumaduate na si Aj. Mabuti narin yun dahil ang ibig sabihin nito'y hindi ko na siya makikita sa school.

"Ang aga mo naman yata ngayon?" napabaling ako kay Tristan na nakasakay ngayon sa kanyang sasakyan. Huminto siya sa gilid ko at malawak ang ngiti niya sa akin.

"Excited, Haha. E ikaw? Bakit ang aga mo rin?"

"Pareho tayo, haha." natatawa niyang sabi.

Inalok niya akong sumabay na lang sa kanya at dahil maaga pa naman daw ay ililibre nalang niya ako ng breakfast.

"Mukhang ang ganda ng gising mo ha?"  aniya ko habang palapit sa sasakyan niya. Pinagbuksan naman niya ako ng pinto mula sa loob.

"Masaya lang ako dahil finally, balik eskwela na ako." nakangiti niyang sabi sa akin.

Dumiretso na kaming dalawa sa isang coffee shop hindi kalayuan sa school namin. Bakas sa mukha ni Tristan ang saya dahil hindi mapawi ang ngiti sa kanyang labi. Mas naging masigla rin siya ngayon at panay ang daldal niya sa akin.

" Two cappuccino miss." baling niya doon sa babae sa counter tsaka kami dumiretso sa upuan malapit rito.

"Mabuti naman at 4th Year ka parin ngayong pasukan." aniya ko sa kanya.

"Oo nga e. Ayoko naman na sayangin yung taon tutal nakakalahati naman na ako bago madiagnose, kaya naisipan kong mag home study nalang at mabuti ay pinayagan naman ako."

Dumating na rin yung inorder namin ni Tristan at marami pa kaming mga bagay na napagusapan habang nagkakape.

Nang mag aalas syete na ay naisipan na rin naming umalis sa coffe shop para pumasok na. At dahil hindi naman kaluyan ito sa school at nakakotse naman kami ay mabilis lang rin kaming nakarating.

"Salamat sa coffee ha? Goodluck sa first day!" masigla kong sabi sa kanya bago siya iwanan sa parking lot.

Habang naglalakad patungong room ay nakatanggap ako ng mensahe galing kay Jena.

Jena:
Nasan kana? Bilisan mo't may kailangan kang makita dito.

Hindi ko na nireplyan pa si Jena tutal malapit na rin naman ako sa room. Ano naman kaya ang tinutukoy nun? Kaaga-aga ay may paandar kaagad siya.

Pagpasok ko ng room ay iilan pa lang ang mga kaklase namin na nandoon. Natuon kaagad ang pansin ko kay Jena at sa katabi nitong upuan na may nakaupong malaking teddy bear na may hawak na balloons.

"Look." aniya niya paglapit ko dito. Mayroong card na nakapatong sa desk ng upuan at alam kong para sa akin ito base na rin sa nakalagay na pangalan sa labas nito.

Good luck sa first day of school. Have a nice day Carolina. I hope you like this. I'm sorry again.

So galing pala ito sa kanya? Akala ko na matatahimik na ako ngayong wala na siya sa school na ito pero hindi pa pala. Ano bang sa akala niya? Na madadaan niya ako sa mga gimik niyang ganito?

It was only just a dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon