Kabanata 46

63 13 0
                                    


Maluha-maluha akong nagising mula sa panaginip ko. Mabuti nalang at walang tao sa kwarto ko ng mga oras na yun kaya't walang makakakita sa akin.


Napatulala nalang ako sa dingding habang malalim parin ang aking paghinga. Wala na ako sa operating room at mukhang naibalik na ako sa aking kwarto. Ilan araw kaya akong walang malay?


Napapikit ako bigla ng marinig ko ang pagpihit ng pintuan at narinig ko ang pagpasok ni mama at ng kausap niyang lalaki na sa pakiwari ko'y doktor base na rin sa pinag-uusapan nila.


"Doc, kailan po ba siya magkakamalay? It's been a week at hanggang ngayon hindi parin siya nagigising."

"She's stable naman misis. Don't worry, she'll be fine. Any moment magigising na din siya, we just have to wait."


Narinig kong muli ang pagpihit ng pinto hudyat ng paglabas nung doktor dahil hindi ko na narinig pa ang boses niya.


Nanatili lang akong pikit at nagkunware parin na wala pang malay. Mabigat ang pakiramdam ko ngayon dahil na rin sa nangyare sa panaginip ko. Pakiramdam ko ay masyado akong naapektuhan at napagod kaya't ayoko munang makakita o makausap ng ibang tao.


Dama ko parin hanggang ngayon ang labi ni Aj na para bang totoo talagang nangyare ang lahat. Sa totoo lang ay sobra akong nagpapasalamat dahil nabigyan ulit ako ng pagkakataong balikan ang panaginip ko.

Pero, sa kabilang banda ay nagsisisi rin ako kung bakit pa ako nabigyan ng pagkakataon. Nagsisisi ako dahil muli na naman akong nalunod kay Aj at naiinis ako dahil wala akong ginawa ukol dito.


Ito ang hirap kapag sobra mong pinipigilan ang totoong nararamdaman mo eh! Alam mo kasi na niloloko mo lang ang sarili mo at sa kakapigil mo'y naiipon ito kaya't isang simpleng galaw lang ay bigla na lamang sasabog ito't hindi mo na mapipigilan pa.

Pero naisip ko lang, bakit kaya bigla ko nalang nabalikan yung panaginip ko? Bakit kailangang maulit pa yun? Hindi kaya sign yun? Pero saan naman? Hay ewan! Magulo nga talaga ang buhay at sobrang komplikado ng mga bagay-bagay.


Nang medyo nahimasmasan at pakiramdam ko ay maayos na ako ay unti-unti ko nang imulat ang mga mata ko.

Bumungad sa akin si mama na nakatalikod na mukhang naghahanda ng makakain. Nang lumingon siya't nakitang gising na ako ay padarag niyang binitawan yung kutsilyo't mansanas na hawak at mabilis akong tinungo.


"Carolina.." naluluhang ani ni mama at mabilis akong niyakap.

Nanatili lang akong tahimik at hinayaan ko lang na damhin ang yakap niya.

"Ayos kana ba? Anong nararamdaman mo?"

Marahan niyang hinaplos yung ulo ko na may benda pa. Sa tinggin ko naman ay ok na ako at wala naman akong nararamdamang sakit sa ulo ko.

"Ayos lang po ma."

Sabay kaming napalingon ng bumukas ang pintuan at pumasok sila Elyson na may dalang mga prutas. Kagaya ni mama, ng makita rin nila ako ay gulat silang lumapit sa akin at kinamusta ang lagay ko.

Napako ang tingin ko kay Elyson na nasa gilid ko na ngayon. Nang mapansin niya ako ay binigyan niya ako ng matamis na ngiti.

It was only just a dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon