Kabanata 38

58 14 2
                                    


Tanghale na ng magising ako kinaumagahan. Lahat sila ay naabutan ko pang nasa higaan pagkabangon ko, paano ba naman e ang lalakas kasi ng loob uminom kagabi hindi naman pala kaya!

Lumabas nalang ako at nagtungo sa restaurant ng resort ng makaramdam ako ng gutom. Lahat kasi ng pagkain na niluto namin para sa birthday ni Gian ay naubos na kagabi, naisipan kasi nilang magparty kami at maginuman tutal ay minsan lang naman raw ito mangyayare.

"Isang tuna sandwich at lemonade nalang." baling ko dun sa waiter at umalis na rin pagkasabi ko ng order ko.

Hindi ko alam kung dahil lang ba sa ininom ko kagabi o dahil sa sakit ko yung nararamdaman kong pananakit ng ulo ko ngayon. Hindi naman ito ganun kalala kaysa nung mga nakaraan kaya ipinagwalang bahala ko nalang ito at ilang saglit pa'y nakita ko nang palapit yung waiter dala yung order ko.

"Thanks." aniya ko sa kanya't nagumpisa na akong kumain.


Ngayon ang huling araw namin ngayon rito sa resort at ang dinig ko kagabi ay may island daw sa kabilang parte ng resort na siyang pupuntahan namin mamaya. Marami rin daw dun iba't-ibang activities na pwedeng gawin kaya dun na namin uubusin ang oras namin.

"Can I sit here? I want to talk to you." Aniya ni Trixie habang nakatayo sa harap ko.

Saan kaya siya humuhugot ng lakas para kausapin ako after what she did? Ang kapal lang talaga ng magmumukha niyang harapin ako na akala mo'y walang nangyare!

"Wala tayong dapat pag-usapan." aniya ko sa kanya ngunit imbis na umalis ay umupo siya sa upuan na kaharap ko, kapal talaga!

"Marami Carrie. Marami tayong dapat pag-usapan." seryoso niyang sabi sa akin.

Tinawag na muna niya yung waiter para umorder at pagkaalis nito'y muli siyang bumaling sa akin. Kita ko sa mga mata niya na seryoso siya't gusto niya talaga akong makausap. Sabagay, kailangan ko rin klaruhin sa kanya ang mga bagay-bagay para matigil na kaming dalawa.

"Sorry." panimula niya sa akin.

"Sorry sa mga sinabi kong kasinungalingan kay Aj noon tungkol sayo. I'm just so desperate that time. I really don't know what to do at natatakot akong malaman niya noon ang plano namin ni mama."

"It already happened. Wala na, tapos na! Kung yan ang dahilan mo sa pakikipag-usap sa akin ay pwede ka ng umalis."

"Please, just listen to me first!" at may gana pa talaga siya na pagtaasan ako ng boses? What the hell!?

"You know that I'm just scared to my mom that time kaya nagawa ko yun. But believe me, pinagsisisihan ko na yun." malungkot niyang sabi sa akin at nakita kong may namumuong luha sa gilid ng mga mata niya.

"Bakit sakin mo sinasabi yan? Kay Aj ka dapat magsorry tutal siya yung niloko mo!" matigas kong sabi sa kanya. Totoo naman diba? Dapat dun siya nagsasabi at hindi sa akin! Anong pakialam ko sa mga sinasabi niya!

"I already did, Carrie. Pero it's too late dahil kinamumuhian niya na ako pati na si Jay. He felt so sorry for you that time dahil sa mga nasabi niya sayo. Galit lang siya kaya niya nasabi sayo yun. It was my fault so please--"

"I really don't need your explanation! Umalis kana dahil to be honest ay hindi pa kita kayang patawarin!" Pagputol ko sa walang kwentang sinasabi niya. As if may pakialam pa ako sa kanla!

"Look Carrie, I'm not doing this for you to forgive me because I know it's too impossible. Alam kong marami akong nagawang mali sayo most specially kay Aj. He was the victim here, and so I want you to forgive him. That's what I'm trying to say to you. Nagsisisi siya sa mga sinabi niya sayo at ang gusto ko'y pataw--"

It was only just a dream (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon